"Hindi ba talaga nakakahiya sa mommy mo na nandito ako?" tanong ko sa kanya pagkasara niya nung pinto.
"No." Simpleng sagot lang nito. Umupo ito sa sofa pero nanatili na lamang akong nakatayo.
"Do you need anything?"
Umiling lang ako. Kumunot naman ang noo ko nang magsimula itong amuyin yung sarili niya.
"I'm not mabaho naman." wika nito matapos iyon. Napairap naman ako. Ang bango kaya niya! Dapat nga ako yung maconscious sa sarili ko kasi pawis ako kanina dahil sa game.
Dahil dun ay naalala ko na kailangan ko munang maligo at magbihis.
"Pwedeng bumalik na lang ako sa dorm dahil kailangan ko nang maligo at magbihis."
"You can take a shower here. Madaming bathrooms dito." saad nito.
"Hindi, uuwi nalang ako." diin ko.
"Okay, ihahatid nalang kita sa VU." sabi nito. Akmamg lalabas na ito para siguro ihanda yung saaakyan niya kaya pinigilan ko siya agad.
"Okay fine dito na ako maliligo, saan ang bathroom niyo?" pagsuko ko.
Lumabas kami sa room na iyon at nagtungo sa napakalaki at napakalawak nilang bathroom. Inilibot ko muna ang tingin sa buong bathroom na iyon.
"I'll wait you outside." tumango nalang ako atsaka nilock agad yung pinto. Pagkatapos ay binuksan ko agad yung bag ko para ihanda ang mga gamit ko.
"What the heck, where's my clothes?!"
Nasabunutan ko pa ang aking ulo nang maalala na nailabas ko pala ang mga iyon nung inilabas ko yung shoes ko kanina nung nasa bus kami kaya pati yung slippers ko naiwan ko rin dun!
Hindi pupwedeng hindi ako makaligo dahil nanlalagkit na ako kaya naman lumabas muna ako sa bathroom para kausapin si Gideon kung pwedeng makahiram ng damit ni Gianna.
"You can borrow mine." sagot nito nang ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit ako nanghihiram ng damit.
"Huh? Hindi ba pwedeng kay Gianna nalang."
"No. She doesn't like sharing her clothes to others." sagot agad nito kaya wala akong nagawa kundi sa kanya nalang humiram.
"Ibabalik ko din." sabi ko pagkabigay niya sa akin nung damit niya.
Pumasok agad ako sa bathroom at naligo agad. Nang matapos ako ay saka ko lang nalaman kung anong shirt at shorts ang pinahiram niya sa akin.
What the heck?! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita nila akong suot ko ito!
Hawak ko ang jersey shirt nito at nagdadalawang isip na suotin iyon dahil sa apelyido nitong "SANCHEZ" nakatatak sa likod.
At dahil wala akong karapatang mag-inarte ay sinuot ko na lamang iyon. Malaki iyon kaya halos natatakpan ang itim na track shorts suot ko.
Good thing nasa bag ko ang blower ko kaya pinatuyo ko muna yung buhok ako bago lumabas.
"I'm done." sabi ko sa kanya pagkalabas ko. Umaliwalas naman ang mukha nito pagkakita sa akin kaya bigla akong naconsious ulit sa itsura ko.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya dahil hindi na maalis ang tingin nito sa akin.
"No... nothing."
Bumalik kami sa kanilang sala. Natanaw kong medyo busy pa ang mommy nito sa kusina kaya nagpaalam ako kay Gideon na pumunta roon.
Sobrang dami siguro nitong niluluto...
"Okay let's go." sinamahan ako nito sa kusina at nang makita kami ulit ng mommy nito ay ngumiti agad ito sa amin.
"Mom, Rosie wants to help you." sabi ni Gideon sa mommy niya. Natuwa naman ang mommy nito.