R-18
"Babe!" tawag ko kay Gideon nang makita itong nakatambay sa labas ng aming university pagkababa ko sa aming bus.
Nakasandal ito sa kanyang sasakyan at agad itong lumingon sa gawi ko at agad akong sinalubong ng isang yakap.
"I miss you." bulong nito sa akin. Napangiti naman ako.
"I miss you too." bulong ko rin sa kanya. Agad namang naputol ang yakapan namin nang dumaan sa gilid namin si Gianna.
"Nasa school po tayo." paalala nito sa amin bago dumiretso sa paglalakad papunta sa aming dorm.
Hindi naman siya pinansin ni Gideon at tinulungan nalang niya akong bitbitin ang mga gamit ko.
Nang maabutan namin si Gianna ay binitbit na rin ni Gideon ang ilan sa mga gamit niya at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa dorm.
"Wait me here, mag-aayos lang ako." sabi ko kay Gideon nang makarating kami sa harap ng dorm. Tumango naman ito.
Agad akong nagtungo sa room ko pagkatapos ay nagshower muna ako bago nagbihis.
I wore a black cargo pants and white crop top shirt with a rose design and then I paired it with my white shoes.
I look simple but it's okay as long as I can move freely.
Itinali ko muna ang buhok ko bago lumabas.
"Let's go." aya ko kay Gideon na nakaupo sa bench na nasa harap ng dorm.
Hindi agad ito nakapagsalita pagkatingin sa aki kaya bigla akong nakaramdam ng hiya lalo na nang titigan niya ako.
"May mali ba sa suot ko?" umiling agad ito bago lumapit sa akin.
"You're beautiful." bulong nito saka ito humawak sa baywang ko bago kami naglakad papunta sa sasakyan niya. Pulang-pula naman ang mukha ko sa sinabi nito.
Aalis na sana kami pero biglang tumunog yung phone niya kaya sinagot niya muna.
Hinayaan ko naman siyang kausapin muna kung sino iyon pero hindi maalis sa akin na makinig sa usapan nila.
"I have a date with my girlfriend, I can't go." sabi nito sa kausap.
Matagal pa ang kanilang naging pag-uusap ng katawag nito at pakiramdam ko ay gusto talaga nilang umattend si Gideon sa kung ano mang okasyon na iyon.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya pagkatapos ng tawag na iyon.
"Nothing." sagot lang nito pero hindi naniniwala.
"Gideon ayokong naglilihim ka sa akin."
"Sorry, it's just my teammates, they want me to attend to our victory party later but I can't cause I want to have a date with you." pag-amin nito.
"You can go, we can just end our date early." sinamaan naman niya ako ng tingin pagkasabi ko nun.
"I want to be with you all day."
Kahit naman gusto ko rin na makasama siya buong araw ayoko rin namang isipin ng iba na ipinagdadamot ko si Gideon ngayong naging kami na.
"How about this... sasama ako sa'yo sa victory party niyo." suhestiyon ko.
"Are you sure? We can just hangout together." saad nito.
"No, okay lang sa akin basta umattend ka. Last victory party niyo na nga lang yan hindi ka pa aattend." sagot ko.
At dahil aattend kami sa victory party ng team niya ay dumiretso nalang kami sa bahay nila para doon nalang mag-movie date habang hinihintay ang oras sa pagpunta namin sa club kung saad idaraos ang victory party nila.