Chapter 3

1.5K 42 3
                                    

Papalabas ako ng room ko para magjogging nang makita kong nakatayo si Gianna sa labas ng room niya at parang may hinihintay.

"Hinihintay mo?" tanong ko sa kanya pagkasarado ko ng room ko.

Umiling lang ito pero nakangisi sa akin. Alam ko na iniisip nito kaya inirapan ko nalang siya.

"Manonood din ako mamaya para may kasama ka." sabi nito bago tumalikod para pumasok sa room niya. "Atsaka sayo na daw yung jacket ni kuya." at tuluyan na nitong sinara yung pinto.

Mas lalo akong nainis sa sarili ko dahil pagkabalik ko sa room ko kahapon ay dun ko lang naalala na hindi ko pala naibalik sa kanya yung jacket na pinahiram niya sa akin!

At dahil masyado akong distracted ay saglit lamang akong nagjogging. Wala naman kaming practice ngayong araw kaya nasa kwarto nalang ako at iniisip kung ano ang susuotin ko.

Naisip kong magsuot ng dress pero naalala ko manonood lang naman ako kaya pinili ko nalang suotin yung white shirt at maong shorts atsaka tinernuhan ko na din ng white shoes.

Napatingin ako sa salamin matapos kong mag-ayos. I look so simple but much better.

Paglabas ko ng room ko ay nag-aabang na pala sa labas si Gianna. Lumapit ako sa kanya at sabay na kaming lumbas ng dorm.

"Oh? Captain! Rosie!" bati sa amin ni Diana nang makasalubong namin sila. "Manonood kayo?" napataas agad ako ng kilay sa tinanong nito.

"Bakit?" tanong ni Gianna.

"Nakakapagtaka lang kasi first time ni Rosie manood ng basketball." sagot ni Vicky.

"Ah..."

"First time mong manood di ba? Tapos game ng Wilhelm at Venusville ngayon at  madaming audience hindi lang sa Arena kundi pati sa TV! Baka nakakalimutan mo, ikaw lang naman yung pinakamagandang volleyball player ngayon for sure mahahagip ka ng camera kaya dapat prepared ka, lagi kang ngumiti ha."

"Ewan ko sa inyo alis na kami dahil malapit na magsimula yung game." sabi ko sa kanila at nauna na sa paglalakad. Humabol naman sa akin si Gianna at sabay kaming sumakay sa kotse niya.

Nang makarating kami sa Arena ay mabilis kong isinuot yung sumbrero ko bago ako lumabas ng kotse ni Gianna. Pero ang hinayupak na babaeng 'to nakangiti pang kumakaway sa mga bumabati sa amin kaya no choice ako kundi bumati rin sa kanila.

"Feeling celebrity ka ha." bulong ko sa kanya nang nasa entrance na kami.

"Hindi lang ikaw yung maganda dito no." mayabang nitong saad kaya natawa ako. May ranking kasi sa buong SAU kung sino ang pinakamagandang volleyball players at ako ang nanguna sa rank sumunod naman sa akin si Gianna.

"Lumalaki na ata yang ulo mo." sabi ko sa kanya nang makapasok kami at papunta na sa seats na pinili niyo.

"Hindi naman, aminado lang ako na maganda ako." sagot nito sabay kindat sa akin. Napailing nalang ako.

"Bakit dito tayo?" nagtataka kong tanong kay Gianna nang maupo kami sa bandang likod ng Wilhelm Team bench.

Hindi ito sumagot bagkus ay binigay lang sa akin yung hawak niyang dalawang ticket. Kinuha ko agad ang mga iyon at dun ko nalaman na sa likod nga ng Wilhelm team kami uupo.

"Sinong bumili ng ticket? Kuya mo ba?" tanong ko sa kanya habang medyo naiirita na sa mga kumukuha ng pictures sa amin.

"Nope ako. I'm going to cheer for my brother." simpleng sagot lang nito habang ako ay napanganga. Magngangawa na naman sana ako pero biglang lumakas ang tilian nang magsilabasan na ang mga players ng Wilhelm at Venusville.

The Perfectionist Wing SpikerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon