Fifty seven

14 2 0
                                    

Charity's POV

Ang exciting pala at the same time nakakalungkot ang buhay na meron kami no? People around us are always all about Money, Power and Death. Dumagdag pa itong batang nasa sinapupunan ko, i don't know how can i get rid of this without them knowing. I hate it! I hate this thing inside me, sa tuwing makikita ko ang maliit na umbok sa tyan ko ay bumabalik sa isipan ko ang kahayupan ni Jose Arxon. Swerte nya patay na sya hindi manlang sya nahirapan. i gritted my teeth paano ko aalagaan ang batang ito? ni marinig nga lang na kailangan kong alagaan ang sarili ko ay nandidiri na ako. If this baby's father is already absolve by dying this baby will pay for everything. Kahit anong mangyari ay hinding hindi ko sya mamahalin. No. Never.

"kamusta ang pakiramdam mo?" i felt my heart skipped a beat, his voice. i tried to smile at him

"ayos lang naman bakit?" balik tanong ko, he smiled back saka inilapag sa gilid ko ang juice at cookies

"sinabi sakin ni Taehyung na cookies daw ang pinaglilihian mo?" i almost rolled my eyes, damn.

"uh oo pero i'm trying not to eat my cravings" plain kong sagot

"bakit naman? you should not do that baka makasama sa baby" i chuckled as if i care?

"i really don't care about this thing inside me ewan ko ba bakit gusto niyong ituloy ko ang pag bubuntis na ito, i hate this child hoseok no i loathed it" i answered truthfully there's no reason for me to lie about it

"Charity walang kasalanan ang bata" i rolled my eyes at him

"Nasasabi mo yan kasi hindi sayo ginawa! kung alam mo lang araw araw kong pinag dadasal na sana panaginip lang ito na sana pag gising ko hindi talaga ako ginahasa ng arxon na iyon, nandidiri ako sa sarili ko pakiramdam ko napaka dumi ko! pakiramdam ko wala ng tatanggap sakin kapag nalaman nila na ginahasa ako" di ko napigilan ang emosyon ko, naramdaman ko nalang ang pag hatak nya sakin at ang mahigpit na yakap

"Don't say that charity, i'm here tanggap kita at aalagaan kita" i cried hard. No please Hoseok.

"You don't deserve me hoseok you deserve someone yung buong buo sayo, hindi ako yun, hindi ako magiging enough para sayo" giit ko

"you are and will always be enough for me charity, kaya kong tanggapin ang kahit na ano i am more willing to be the father of your child just let me" he pleaded

"No hoseok magiging pabigat lang kami sayo"

"No charity never kayong magiging pabigat sakin" i smiled weakly saka sya tinalikuran, Hindi ko alam kung nasa tamang direksyon ba ang isip ni hoseok ngayon. Ayoko syang idamay mahalaga sya sakin at kahit mahal na mahal ko parin sya ayokong maging selfish

..

Nagising ako sa marahang pag haplos ni taehyung sa buhok ko, he smiled nang makitang nagmulat ako ng mata

"i brought you some cookies charity" napailing naman ako

"stop spoiling this child kuya baka nakakalimutan mong may dugong arxon ito?" kuya glared at me

"at baka nakakalimutan mo din na may dugong kim parin sya? charity can't you see? kahit anong gawin mong tanggi anak mo parin yan at kahit anong taboy mo things won't change the fact" he smiled slyly then walked out. 

Bumango ako at nag tungo sa kwarto ni autumn, she smiled at me 

"Uyy gising kana pala" purple and summer smiled at me, naupo ako sa tabi ni summer

"cookies oh" alok nya pero tumanggi ako

"nakita ko kayo ni kuya sa garden" pag uumpisa ni purple

"Alam ko rin na wala ako sa lugar para makialam pero i know kuya still love you charity, he never dated anyone after your breakup, he only sees you charity" i am speechless. di ko alam kung anong sasabihin

"alam ko din na nahihirapan ka mag cope up because of the things happened to you and i know tingin mo no one will accept you but we are here charity, you don't have to think that way, mahal ka namin lalo na si kuya" napalunok ako. sa sobrang galit ko ay nakakalimutan kong mas marami ang nag mamahal sakin.

"pero desisyon mo parin naman ang masusunod charity, susuportahan ka namin basta lagi mo lang tandaan na aalagaan namin kayo ng baby mo regardless kung sino pa ang tatay nya o ang pinagmulan nya" ngumiti uli si purple saka sumandal na muli sa sofa, ngumiti naman sakin sina autumn at summer

"everything is all about choices charity and everything happens for a reason" ate faith hugged me.

choices?

pero bakit parang ang daya?

bakit di ako pinapili?

everything happens for a reason?

bakit?

bakit ako?

all i want is to be a good doctor, marry hoseok and have a family with him 

pero bakit iba yung nangyari?

why do i have to experience this?

do i deserve this?

kailangan ko na bang tanggapin lahat ng ito? pero paano kung panaginip lang pala ito?

paano kung kailangan ko lang magising?

pero hindi diba?

kasi kahit anong gawin kong tulog pag gising ko ganon parin 

kahit anong pilit kong pag tanggap ay hindi parin kaya 

kahit anong pilit ko 

hindi talaga

kahit anong pukpok ko sa isip ko na dapat mahalin ko ang bata sa sinapupunan ko ay di ko magawa, kahit anong isip ko na wala syang kasalanan, kahit anong isip ko na inosente sya ay iisa parin ang kinalalabasan 

kinasusuklaman ko ang batang ito

maaaring hayaan ko syang mabuhay pero hinding hindi ko sya kayang mahalin, hinding hindi ko mamahalin ang bunga ng kalapastanganan sakin.

patawad ngayon palang hindi ko nakikita ang sarili ko bilang isang ina ng batang kahit kailan ay hindi ko ginusto at gugustuhin.

kakayanin naman siguro nyang mabuhay ng hindi tumatanggap ng kalinga mula saakin

nandidiri ako.

patawad pero yun ang totoo



House Of Cards (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon