Third Person's POV
Lumipas ang mga araw at unti unting bumalik ang sigla sa kanilang mga sarili dahil alam nilang kailangan parin nilang mabuhay para sa mga ala-ala ni autumn.
"What's your biggest fear?" tanong ni Faith kay yoongi habang pinapanood nila sina scarlette at jimin na nag babasaan
Nilingon ni Yoongi ang kasintahan at ngumiti "Losing you" pabirong umirap si faith at hinampas niya ito ng mahina
"yung totoo kasi" giit niya
"I'm afraid of losing you, scarlet and the org" sagot niya. Napabuntong hininga si faith
"can we just live normally? Can we just runaway? Sobrang sakit na nung nawala si autumn ayoko ng may mawala pa ulit ayoko na" mahinang sabi ni faith while forcing herself to look okay
"Alam mong hindi na pwede, this is our life at ayokong masayang ang buhay na nawala kay autumn because of our fears, hindi ba at sinabi niya noon na we should not let our fear overcome us? We should live without fears" hinila niya ito para yakapin
"you don't have to be afraid because i am here I will protect you" napapikit na lamang si faith. Tama si Yoongi hindi niya dapat payagan na kainin sya ng takot.
....
Sa isang abandunadong building Umiiyak na pinag mamasdan ni Charity ang kasama, marami itong sugat at halos ang mga ito ay malalalim
"ugh" daing nito kaya kahit nahihirapan si charity ay nilapitan niya ito
"please hold on" mahinang sabi niya habang sinasalat ang noo nito, napaka init ng katawan nito
"Help!" paulit ulit na sigaw niya, nang bumukas ang pinto ay sinamaan siya ng tingin ni Jose arxon
"Napaka ingay mo charity Kim gusto mo bang pasabugin ko iyang bunganga mo?" agad na umiling siya sa takot
"please help she's having a high fever" sinulyapan ito ni Jose arxon at ngumisi
"Hindi ba at Doctor ka rin? Bakit hindi ikaw ang tumingin sakanya?" ngumisi ito at iniwan sila.
Hinawakan niya ang pulso sa bandang leeg ng kasama at nanlaki ang mata niya
She's pregnant.
Agad niyang hinubad ang jacket na suot at kinumot dito saka muling tumayo at kinalampag ang pinto
"Help her please!" sigaw niya
"Ano ba? Kanina mo pa kami pinipesteng babae ka kapag hindi ka pa tumigil ay papatayin na lamang kita!" bulyaw sakanya ni Jose Arxon
"She's pregnant she needs to get a proper care" alam niyang imposible ito ngunit sinubukan niya parin. Hinawi siya ni Jose Arxon at nag lakad ito papalapit sa natutulog na dalaga
"Tingnan mo nga naman at may susunod na pala sa henerasyon, ngunit wag kang mag alala munting bata hindi mo na mararanasan pa ang magulong mundo ng iyong mga magulang" nanlamig si Charity sa narinig at halos hindi makahinga.
Tunay ngang napaka walang puso ng taong kumuha sakanila
"Please you've done so much to her" pagmamakaawa niya
"So what? Kulang pa ang mga iyan para sa mga nangyari noon kaya kung hindi ka pa tatahimik ay baka mapaaga kana rin" malamig na sabi nito at iniwan silang muli. Lumapit sya sa kasama at hinaplos ang buhok nito. She's like a sister to her bago pa man sya umalis upang I-pursue ang pag dodoctor.
Ilang araw na ang lumipas ng magkita silang muli, nakakatawa man ngunit dito sa silid na ito pa sila nag kita. They were both bleeding pero mas malala ang sugat ng kasama niya yet she's still tough, may mga bakas din sa braso nito na kinuhaan ito ng dugo ngunit hindi niya ito iniinda.
"you should be more careful from now on" mahinang sabi niya rito ng mag mulat ito ng mata
Kumunot ang noo ng kaharap niya "Why?" tanong nito kaya ngumiti sya at hinawakan ito sa kamay
"i know this is a very tough time but there's still a good news" lalong nangunot ang noo nito
"you're pregnant" noo naman niya ang nangunot ng hindi ito nag react, hindi niya tuloy alam kung masaya ito dahil wala syang makitang reaksyon o kahit ano. Ngunit napangiti na rin sya ng makitang hinaplos nito ang wala pang umbok na tiyan
"I will never let them touch you" mahinang sabi nito habang hinahaplos ang tiyan.
"We need to plan something" bulong ni charity
"We have no gun nor knife" sagot ng kasama niya kaya ngumiti sya at dinukot sa gilid ng higaan ang ang iba't ibang uri ng surgical knife kaya napangiti ang kasama nito
"Now we really have to plan" seryosong sabi nito
Napag desisyonan nila na tatakas mamayang gabi kapag nag bigay na ng hapunan ang tauhan ni jose arxon, every night kasi kung umalis ito at tanging iilang tauhan lang ang naiiwan
"Okay ka lang ba?" tanong ni charity ngumiti naman kasama niya bilang sagot
"I'm fine" sagot nya, tumango na lang si charity kahit alam niyang hindi. She's sure that at some point takot din ang kasama niya para sa safety ng baby niya.
Kinagabihan ay hinatid na nga ang hapunan nila at base sa kalkulasyon ng kasama ni charity ay inihagis nito ang scalpel upang hindi tuluyang mag sirado ang pintuan.
"Let's go" mahinang sabi ng kasama niya at dahan dahang nag lakad.
Walang tao pagkalabas nila kaya ay nagtuloy tuloy sila palabas hanggang sa may pinakadulo ng gusali at konti na lamang ay makakalabas na sila ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Jose Arxon na may nakakalokong ngiti
"Mukhang pumalya ang kalkulasyon ninyo" nang aasar na sabi nito
"and oh! Let's welcome my new visitor" pumalakpak ito at pumasok ang dalawang tauhan nya na may hawak na lalaki na nakasuklob sa ulo
"Girls i want you to meet my new visitor" Ngumisi ito at hinatak ang suklob
Napasinghap ang dalawang dalaga "Tito" mahinang bigkas ni Charity samantalang tumulo naman ang luha ng katabi niya
"D-daddy" bigkas nito. Walang takot ang mababakas sa mukha ng lalaki ngunit lumambot ang ekspresyon nito ng makita ang anak
"Autumn"