Epilogue

11 1 0
                                    

Third Person's POV

"Anak!!salamat naman sa Diyos at nagkamalay kana" Kunot noong tinitigan nya ang babaeng tumawag sakanya ng anak.

"Anak?" ulit nya. Wala syang matandaan

"Oo anak, ako ang nanay mo at ang iyong ama naman ay nasa sakahan pa" pinilit nyang isipin ngunit kahit ano ay wala syang maalala

"A-ano po ba ang nangyari sakin bakit di ko po kayo maalala?" Naluha ang ginang at hinaplos ng marahan ang ulo nya

"Sinamahan mo ang iyong kaibigan sa tabing ilog anak, nadulas ka sa batohan at nabagok ang iyong ulo. Pasensya na kung wala ka sa ospital ha? sa unang limang araw natin duon ay naubos agad ang inipong pera ng iyong ama sa pagsasaka" nakaramdam sya ng awa.

"b-balik pa po ba ang ala-ala ko?"

"Importante pa ba iyon anak? kung wala kang maaalala ay andito parin naman kami ng tatay mo maari parin tayong gumawa ng panibagong ala-ala" nakaramdam sya ng inis sa sinasabi ng ginang. paanong hindi importante ang alaala?

nagpunas ng luha ang ginang at ngumiti sakanya "Sandali anak at ikukuha kita ng makakain sakto at nag luto ako ng paborito mong sinigang" Halos bumaliktad ang sikmura nya sa narinig. sinigang? ni hindi nya maalala na paborito nya ito at tila ba ay hindi iyon ang sinasabi ng sikmura nya ng marinig ang niluto ng ginang

"uh wala po akong gana" marahang sagot nya saka nahiga ulit.

"ganon ba anak? ah sige ipagluluto na lamang kita ng ibang ulam kung ganoon" hindi na sya sumagot at pumikit na lamang hanggang sa marinig niyang sumarado ang pinto kaya nag mulat muli sya.

bakit parang mali?

bakit iba yung nararamdaman nya?

bakit di nya maramdaman na nanay nya ang kausap nya?

o dahil may amnesia sya?

pero hindi ba dapat mararamdaman mo parin iyong tinatawag na lukso ng dugo?

naguguluhan sya.

Kinahapunan ay pinilit nyang lumabas ng pinto ngunit walang tao kaya lumabas din sya ng bahay at dun ay nakita nya ang lalaking may katandaan nakaupo ito masayang nakikipag usap sa babaeng nagpakilala bilang nanay nya.

napalingon ito sakanya at ngumiti

"anak gising kana pala halika samahan mo kami mag meryenda ng tatay mo" nilapitan sya nito at inalalayan papunta sa kahoy na upuan

"kamusta na anak ang iyong pakiramdam?" tanong nito

"ayos naman na po pero wala parin po akong maalala" natigilan ang matanda at nakipag tinginan sa asawa, umiling ang babae na para bang nag mamakaawa.

"hayaan mo anak mag sisipag lalo si tatay sa sakahan para madala kita sa espesyalista" Hindi sya nakasagot ngunit nakita nya ang medyo maruming kamay nito halatang galing sa pag bubungkal ng lupa


Sa totoo lang ay hindi sya naniniwalang magulang niya ang mga taong kaharap niya pero wala syang maalala.

~~

Lumipas ang linggo at buwan unti unti na nyang nakakasanayan ang buhay sa bukid, wala man syang maalala pero mabuti ang mga magulang nya, maasikaso at maintindihin ang mga ito sakanya.

Amethyst Reyes ang pangalan nya, 25 taong gulang. at nag iisang anak nina Ernesto at Erlinda Reyes.

kasalukuyan syang nag lalakad lakad sa labas ng kanilang bahay ng marinig niyang nag uusap ang magulang nya

"Hanggang kailan natin ito gagawin erlinda? kawawa ang bata!" mahina ngunit sapat na para marinig nya, nangunot ang noo ni Amethyst, sino ang batang tinutukoy ng kanyang ama?

"Ernesto hindi ko na kakayanin pang mawalan ng anak, parang awa mo na" napabuga sya ng hangin. sumasakit ang ulo nya kaya napag desisyonan nyang pumasok ng tahimik sa kanilang bahay at dumiretso sa kanyang silid at natulog

Run ate faith!! don't look back!

"pano ba iyan? dead end na?" pang aasar ng lalaki

"it's namjoon kapag tayong dalawa lang, i don't feel comfortable when you're calling me kuya"

Namjoon..

those dimples.

napatingin uli ako sa picture namin ni autumn, i smiled

"I'm so in love with your brother autumn, so in love"


napabalikwas sya ng bangon, pawis na pawis. She's dreaming of them again. sino ba sila? bakit parang may koneksyon sila?

sino ba talaga sya?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

House Of Cards (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon