Twenty

33 2 0
                                    

Third person's POV

Walang sinayang na sandali sina Jimin, taehyung at jungkook agad nilang binaril ang mga lalaking nag babantay sa likurang bahagi ng lugar, nang masiguro nilang wala ng hadlang ay tumakbo na sila papunta sa pool area at nataranta sila ng makitang nalulunod na ang mga babae. Wala silang sinayang na oras at agad na lumusong sa tubig upang mapakawalan ang mga ito.

Gamit ang isang paring knife agad nilang nasira ang tali ni Purple, faith at summer ngunit nang pag dating kay Scarlet at Autumn ay sadyang napaka hirap tanggalin at sirain

"Fvck!! Fvck!!" Frustrated na sigaw ni Jimin habang pilit na sinisira ang mga tali sa kamay at paa ni autumn. Nakahanap naman ng paraan si taehyung at nasira nya ang tali kay Scarlet

Pataas na ng paatas ang tubig at lampas na sa ulo ni autumn ito. Maging si scarlet ay nagkanda lunod lunod na dahil sa lalim ng tubig. Nang sa wakas ay nakalas na nila ang tali ay ipinasan nila ang nanghihinang  si autumn kay Jungkook at inalalayan naman ni Taehyung at Jimin si Scarlet

"can you walk?" tanong ni Jimin kila summer

"yes kuya sila autumn at scarlet lang naman ang napuruhan" tumango ito sa kapatid at madali silang nag lakad palabas nang may sports car na tumigil sa harap nila. Nakangising bumaba ang driver nito at tinutukan sila ng baril

"Napaka lakas ng loob niyo para pumunta dito" Nakakatakot na saad nito.

"Masyado ka naman atang bakla arxon at pati mga babae dinamay mo" pang aasar ni Jimin

"Pinaalam ko lang naman sakanila ang totoong buhay na meron sila" natigilan ang tatlo ngunit hindi nila ipinahalata iyon

"Ah so chismoso kana din ngayon?" panggagatong pa ni Taehyung

"Bakit tinago niyo sa mga kapatid niyo na galing sila sa pamilya ng mga mamamatay tao?" arxon smirked

"Nagsalita ang taong galing din sa pamilya ng mga mamamatay tao dinidiss mo ba sarili mo?" sabat ni jungkook ngunit tumawa naman ito

"Oo nga pala why are you carrying autumn? Niloko mo sya diba? Namangka ka sa dalawang ilog? Curious tuloy ako sinong mas masarap sa kanilang dalawa?" binitiwan ni Jimin si Scarlet at sinuntok si Arxon

"Gago ka!" sigaw nya. Tumayo naman si arxon at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya

"Hindi ka ba nag tatakha jimin? Hindi ba ay girlfriend mo si scarlet?" pang aasar pa nito.

"kapag hindi mo tinigil yang kabastusan mo ay hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin yang walang laman mong utak" malamig na sabi ni namjoon na may na baril

Arxon smirked "oh so reunion na pala ito hindi ako nainform" pang aasar niya

"Hindi ko alam kung anong meron samin at hanggang ngayon binabangga mo parin kami" seryosong sabi ni yoongi habang pinag lalaruan ang baril na hawak

Tumingin si arxon kay yoongibat bumaling kay faith "Meron kang magandang fiancé baka gusto mong ibalato muna sya sakin ----" hindi natapos ni arxon ang sasabihin dahil tumilapon sya dahil sa suntok ni yoongi. Nilapitan pa sya niyo at hinawakan sa kwelyo at tinutok ang baril na hawak

"Hindi ako pumapatay ng tao ng biglaan pero mukhang magiging exempted ka" Gigil na sabi ni yoongi

"Kung makukuha ko ulit sila iisa isahin ko sila gagawin ko silang parang fishball at t---*bang! *" nilingon ni yoongi ang Seryosong mukha ni namjoon

"wrong choice of words dumbass" malamig na sabi nito.

Nakuha pang tumawa ni Arxon kahit na may lumabas ng dugo mula sakanyang bibig "Kahit patayin niyo ko hinding hindi kayo titigilan ng mga taong gustong pumatay sainyo--- ugh!" walang awang tinarak ni Taehyung ang katana sa lalamunan ni arxon saka nag pagpag ng kamay

House Of Cards (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon