Third Person's POV
Nakangising pinanonood ni Jose Arxon sina autumn at ang daddy nito at charity.
"Don't i deserve a big applause? Nakuha ko ng walang kahirap hirap ang untouchable na Rafael Kim?" Ngunit wala syang nakuhang reaksyon sa mga tao sa paligid niya dahil alam ng mga tao kung gaano ka-delikadong tao si Don Rafael Kim.
"Ang mga arxon nga naman tila peste na dadapo kapag may magandang uri ng palay, ngunit ang hindi nila alam ay laging nakahanda ang Pamatay peste" malamig na sabi ni Don Rafael na naghatid ng bolta-boltaheng kaba sa mga taong nasa paligid niya
Humalakhak ng malakas si Jose Arxon "Oh please Rafael sana noon ay may Pamatay peste ka rin noong pinatay ni Kuya ang pinakamamahal mong si Victoria" tila isa iyong kidlat na nag sindi ng galit sa puso ng mag ama
"oh yeah? How it feels when your brother killed my mother but i killed your johann and Steve?" pang aasar ni Autumn kaya bigla syang sinakal ni Jose Arxon
"Bitiwan mo ang anak ko bago kumalat yang walang laman mong ulo" malamig na sabi ni Don Rafael habang naka tingin sa anak
"Hindi mo dapat pinag bubuhatan ng kamay ang mga kababaihan lalo na kung nag dadalang tao ito *laughs* tunay ngang hindi mabibili ang magandang pag aasal at pagiging tunay na lalaki" Binitiwan ni Jose Arxon si autumn ng pabalya at hinarap si Don Rafael
"Masyadong matalim ang iyong dila Rafael mag dahan dahan ka sa iyong mga sinasabi dahil nasa teritoryo parin kita" may pagbabanta sa tinig ni Jose Arxon ngunit tila isa iyong biro.
"Hindi ko alam kung bakit umabot pa ang henerasyon niyo saiyo, isa kang patunay na Maingay talaga ang walang laman na lata" malamig na sabi ni Don Rafael
Tumataas ang tensyon sa paligid ngunit sinisikap nilang maging kalmado.
"Kaya mabilis na naubos ang pamilya niyo eh puro kayo lohikal" pang aasar nito ngunit hindi umimik si Don Rafael
"Pero dahil andito na tayo sa sitwasyon na kung saan mamimili ka, pwede kang lumabas ng walang galos dito rafael ngunit ang kapalit ay ang buhay ng dalawang iyan" turo niya kina autumn at Charity
"O buhay mo kapalit ng buhay nilang dalawa at ng magiging apo mo" Nanlamig ang mga kamay ni autumn
"Duwag ka Jose kagaya ng iyong mga ninuno mamatay ka nalang din na nagtatago sa anino ng kaduwagan mo" humalakhak si Don Rafael, nag katinginan naman sina autumn at charity. Oo nga pala at hawak pa nila ang mga scalpel.
Mukhang hindi iyon nagustuhan ni Jose Arxon kung kaya ay tinutukan nya ng baril si autumn
"Nakakatawa na ako pa mismo ang nakakuha sayo Autumn Kim at Mukhang nauto ko ang organisasyon mo at ang kuya mo akala siguro talaga nila ay ulo mo ang pinadala ko sakanila, salamat sa makabagong teknolohiya at pwede kong gawin ang naiisip ko hindi mo lang alam kung gaano niyo ako napaligaya ng marinig ko ang galit at puno ng pighating boses ni Namjoon" sinamaan sya ng tingin ni autumn
"You'll never win against anyone Jose Arxon, you'll die and your entire clan will burn into ashes" malamig na sagot ni autumn habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Jose Arxon saka mabilis na ibinaon ang scalpel sa braso nitong may hawak na baril
Namilipit sa sakit si Jose Arxon kaya kinuha itong pagkakataon ni Autumn upang gawin itong bihag
"Get the fvck out of our way" seryosong sabi niya habang nakadiin naman sa leeg ni Jose Arxon ang isang scalpel
