LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Mays AsuncionSamantala sakto namang naiayos ni Jacob ang mga bagahe at gamit nila ni Lucille sa loob ng sasakyan ng lumabas si Angela.Agad namang napabaling ng tingin si Jacob kay Angela.May kung ilang segundong nagkatinginan na tila ba nangungusap ang mga mata ng mga ito.
Mabilis nagbawi ng tingin si Angela at mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan sa harap at agad pumasok.Hindi na nito hinintay pa si Jacob na pagbuksan siya ng pinto.
Napabuntong hininga na lamang si Jacob at marahang isinara ang pinto sa likod ng sasakyan.Agad na lamang din itong sumakay sa sasakyan.
Napabuntong hiningang muling bumaling si Jacob kay Angela.
"Lucille about sa nakita mo kanina...mali ka ng iniisip.."lakas loob na sambit ni Jacob kay Angela.
"Jacob gaya nga ng sabi ko wala sakin yun..kaya pwede ba umalis na tayo.."agad namang sagot ni Angela kay Jacob.Hindi rin nito nagawang tignan pa si Jacob.
Napahilamos ng mukha si Jacob sa narinig nitong sagot mula kay Lucille.Agad na lamang din nitong pinaandar ang sasakyan.
Samantala pilit namang itinatago ni Angela ang kaba nito.Tila kinakabahan siya sa muling pagtapak nito sa lugar na kinalakihan nito.Ano nga ba ang naghihintay sa kanya sa muli nitong pagbabalik.Naisandal na lamang ni Angela ang ulo nito sa kanyang kinauupuan.
Hindi na namalayan ni Angela ang pagpikit ng mga mata nito.Marahil sa mga gumugulo ngayon sa kanyang isipan.
~~~~
Mahigit 4 na oras rin bago narating nila Jacob ang isang resort sa Pangasinan na pagmamay ari ng isa sa mga kaibigan ng binata na balak nitong bilhin.
~~~~
Pasado alas 7 na ng gabi ng marating ng mga ito ang resort!
Bigla namang naalimpungatan si Angela ng maramdaman ang marahang haplos sa mukha nito.Dahan dahang nagmulat ng mata ang dalaga.Sa pagmulat ng mga mata nito ay ang napakagwapong mukha ni Jacob ang nasilayan nito.Napatitig si Angela sa mukha ng binata.
Mi kung ilang segundo ang titigan ng mga ito.Hanggang sa nakaramdam ng pagkailang si Angela.Napabuntong hininga ito at agad itong napaayos ng upo.
"A-asan-asan na ba tayo?"si Angela.
"Im sorry nagising ba kita?"nasambit na lang ni Jacob.Napaayos rin ito ng upo.
"H-hindi naman...okay lang ako Jacob"si Angela.
Napabaling si Jacob kay Angela ng maramdaman nitong tila hindi mapakali si Lucille sa kinauupuan nito at tila mi kung anong gumugulo sa isipan ng dalaga.
"Lucille are you okay?"napapaisip namang si Jacob.
"O-oo..oo naman"hindi napigilan ni Angela ang panginginig ng boses nito.
Kinabahan si Angela dahil alam nito kung nasaan resort sila naroon ni Jacob.Malapit lang din ang bahay ng kaibigan nitong si Millette.Isang sakayan lang ng tricycle ang bahay ng kaibigan nito.Malapit rin ang palengke kung saan sila nagtitinda noon ni Millette.
"Bahala na...relax Angela...wala naman sigurong makakakilala sa akin ngayon...wala na si Angela..ako na ngayon si Lucille.."sa isipan ni Angela.
Wala naman pakialam si Angela kung may makakilala sa kanya.Ang kinatatakot nito ay ang malaman ni Jacob na hindi siya ang tunay na Lucille.Na pag nalaman nito ang totoo magalit ito sa kanya at kamuhian siya.At yun ang ayaw niyang mangyari.
~~~~
Samantala nasa lounge and bar area ng resort sina Jacob at Angela.Matamang kinakausap ni Jacob ang isang staff ng resort habang si Angela ay dumistansya at naupo naman sa isang mesa na naroon.
BINABASA MO ANG
LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]
RomanceAngela Ruiz simula pagkabata hanggang sa edad nitong beinte tres ay puro pasakit ang naranasan nito sa buhay!lagi siyang tampulan ng tukso dahil sa napakalaking balat nito sa mukha!bunga si Angela ng pang aabuso kaya ganon na lamang ang pagkadisgust...