LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon HeartCHAPTER 5
"goodmorning-----"matamis na sambit ni Jacob bago ito lumabas ng silid!
Naiwan namang tulala si Angela sa loob ng silid!
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Angela!tila ramdam na ramdam pa rin nito ang mga labi ni Jacob sa kanyang labi!
"habang tumatagal ako rito lalong nagiging komplikado ang lahat...kailangan ko nang makaalis..bahala na!"usal ni Angela bago ito lumabas ng silid!
Pagkalabas ni Angela sa silid ng bata ay nakasalubong na naman nito si Jacob!nagkatinginan ang mga ito!
Nag iwas na lamang ng tingin si Angela at mabilis na bumaba ng hagdan!
Pagkababa ni Angela sa hagdan ay patakbo namang lumapit sa kanya ang bata!
"goodmorning Mama!"masayang tumakbo ang bata kay Angela!
Napangiti na lang din si Angela pagkalapit ng bata!
"goodmorning...bakit di mo ako ginising ha?"nakangiting si Angela sa bata!
"baka kasi magalit ka na naman sakin pag ginising kita Mama...just like before..ayokong magalit ka sakin Mama.."ang bata!
"im sorry...hindi na mauulit yun..hindi na magagalit si Mama okay?"si Angela!niyakap nito ang bata!
Lingid kay Angela na mataman silang pinagmamasdan ni Jacob sa taas!rinig na rinig din nito ang kanilang usapan!
Nasiyahan si Jacob sa nakita at narinig nito!
~~~~
Maagang umuwi si Jacob galing sa opisina nito!nadatnan naman nito sina Angela at Hannah sa sala na kinukulayan ang mga coloring books ng bata!
"Papa!----"si Hannah!tumakbo ito pagkakita nito kay Jacob!
"hello baby!---"si Jacob!binuhat nito ang bata at hinalikan sa ulo!
Napakunot noo si Jacob ng hindi man lang siya tinignan ng asawa!nakatuon lang ang paningin nito sa kanyang kinukulayan!
"nga pala Lucille-----"pukaw ni Jacob!pero tila hindi naman siya narinig ni Angela!
"Lucille--------"ulit muli ni Jacob!
Tila lumilipad ang isipan ni Angela!iniisip na naman kasi nito ang balak niyang pag alis mamayang gabi!
Sinubukan niya kaninang umalis pero bantay sarado siya ng mga gwardiya sa labas!
Kung ano anong palusot na ang sinabi nito kanina sa guard para makalabas lang siya pero hindi siya pinayagan ng gwardiya!
Kailangan daw munang ipaalam kay Jacob bago siya lumabas kaya hindi siya nakaalis kanina!
Bumalik sa katauhan nito si Angela ng tapikin siya ng bata!
"Mama!"ang bata!
"o-oh bakit baby?---"si Angela!
"kanina ka pa kinakausap ni Papa..."ang bata!
Tumingin siya kay Jacob!
"a-ano yun?"si Angela!
"maghanda ka..aalis tayo ngayon..pupunta tayo ng Iloilo!-----"si Jacob!
"ha?!---bakit?!---"gulat na gulat namang si Angela!pano na naman ang balak niyang pag alis!
Napakunot noo si Jacob sa reaction ng asawa!
Siya lang sana ang pupunta ng Iloilo para sa business meeting nito ng tumawag sa kanya kanina ang gwardiya at nagpupumilit raw na umalis si Lucille kaya naisipan na lang nitong isama si Lucille sa Iloilo!
"mi business meeting ako sa Iloilo-----sasama kayo sakin ni Hannah---"si Jacob!
"h-hindi na lang ako sasama----"si Angela!
"maghanda ka na..aalis tayo mayamaya----"maawtoridad na sambit ni Jacob!
Magsasalita pa sana si Angela ng agad namang tumalikod at umakyat sa itaas si Jacob!
~~~~
Isang private plane na pagmamay-ari ni Jacob ang sasakyan nila papuntang Iloilo!
"j-jan tayo sasakay?"kinakabahang si Angela!
First time niyang sumakay ng eroplano!
"yes-----mi problema ba?"kunot noong tumingin si Jacob kay Angela!
"w-wala-----"agad na sagot ni Angela!
"wag mo nang balaking tumakbo o tumakas...kung iniisip mong kaya mo akong takasan nagkakamali ka!halika na-----"mi ibig sabihin namang si Jacob!
Agad na nitong hinila si Angela paakyat sa plane!
"alam ba niya ang plano ko?"sa isip isip ni Angela!
Napabuntong hininga na lamang si Angela habang hila siya ni Jacob!
Nanginginig si Angela sa kaba at takot!pilit na lamang nitong pinapakalma ang sarili!
Nasa loob na rin ng plane si Hannah at Nay Nelia!
Napapatingin si Jacob kay Angela dahil panay ang buntong hininga ng asawa!
"anong nangyayari sayo?----okay ka lang ba?"si Jacob!
"o-oo naman!"si Angela!
Si Jacob na ang nagkabit ng seatbelt nito!
Nagsimulang umandar ang plane!hanggang sa unti unting itong umangat!ramdam na ramdam iyon ni Angela at nahihilo talaga siya!
Napakapit si Angela sa braso ni Jacob at ikinubli ang mukha nito sa balikat ni Jacob!
Saglit na napakunot noo si Jacob hanggang sa gumuhit sa mga labi nito ang kasiyahan!
"Mama anong ginagawa mo?"ang bata!
"ha?------eh-----------hindi kasi ako nakatulog kanina baby..kaya matutulog ako.."sabi na lang ni Angela sa bata!
Abot tenga naman ang ngiti ni Jacob sa tuwing napapakapit at nagsusumiksik si Lucille sa kanya!
~~~~
Tapos na ang business meeting na ipinunta ni Jacob sa Iloilo!nagdesisyon itong mag stay pa ng isang gabi sa isang resort!
Kasalukuyan namang nasa kubo sina Jacob at Nay Nelia!hinihintay ng mga ito sina Angela at Hannah!
"oh anjan na pala sila anak---"ang matanda na nakatingin sa papalapit na sina Angela at Hannah!
Napanganga si Jacob ng makita ang asawa sa suot nitong two piece!mi kung anong init ng katawan ang naramdaman nito!
"mukhang pumayat ka ata ha Lucille?-----bagay na bagay ang suot mo...kung hindi lang kita kilala mapagkakamalan kitang dalaga!---"mangha at nakangiting saad ng matanda!
"s-salamat po Nay Nelia..."napangiti si Angela!
Totoo naman talagang dalaga pa siya noh!
Hanggang sa napatingin si Angela kay Jacob!halata kasing kanina pang nakatingin sa kanya si Jacob!tila mahuhubaran na siya sa mga titig nito!
BINABASA MO ANG
LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]
RomanceAngela Ruiz simula pagkabata hanggang sa edad nitong beinte tres ay puro pasakit ang naranasan nito sa buhay!lagi siyang tampulan ng tukso dahil sa napakalaking balat nito sa mukha!bunga si Angela ng pang aabuso kaya ganon na lamang ang pagkadisgust...