CHAPTER 10

1.5K 47 5
                                    

LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon Heart

CHAPTER 10

"Lucille buksan mo to please.....sabihin mo sakin kung may problema-----"patuloy sa pagkatok sa pinto si Jacob!

"please Jacob-----hayaan mo muna ako.."si Angela sa loob ng banyo!

Napabuntong hininga namang umalis si Jacob sa harapan ng pinto ng banyo!agad nitong kinuha ang mga inihandang damit kanina ni Lucille at agad nagbihis!

Mi kung ilang minuto namang nagkulong si Angela sa banyo!hindi nito alam kung paano ngayon niya haharapin si Jacob pagkatapos ng ginawa niya!hindi nito alam kung paano niya ipaliliwanag o ano ang dapat niyang sabihin kay Jacob!

~~~~

Samantala kumuha naman ng maiinom na alak si Jacob sa opisina nito tsaka ito bumalik sa kanilang silid!

Napabuntong hiningang napatingin muli si Jacob sa pinto hawak ang bote ng alak kung saan pumasok si Lucille!

~~~~

Mag iisang oras na ng magpasyang lumabas ng banyo si Angela!agad namang hinanap ng mga mata nito si Jacob!

Nasa veranda ng kanilang silid si Jacob!mababakas sa mukha nito ang pagkadismaya!

Dahan dahan namang lumapit si Angela sa nakatalikod at umiinom ng alak na si Jacob!

"J-Jacob--------im sorry--------"lakas loob na si Angela!hindi rin nito matignan ng diretso si Jacob!

Agad namang napalingon si Jacob kay Angela!napabuntong hininga ito habang pinagmamasdan niya ito!

"g-galit ka ba?"si Angela!nagsimula namang mangilid ang luha nito!

"bakit mo naman naitanong yan-------"si Jacob!

"Jacob im sorry..."tuluyan nang napaluhang si Angela!

Mi kung ano namang naramdaman si Jacob ng makita nito ang pag iyak ni Lucille!

"hindi ako galit okay?------"si Jacob!agad nitong pinahid ang mga luha ng asawa!

"its just that----hindi ko lang maintindihan..."si Jacob habang titig na titig ito kay Angela!

Tila hinihintay nito ang kanyang paliwanag!

Hindi naman nakasagot si Angela!hindi din kasi nito alam ang sasabihin kay Jacob!

Napansin ni Jacob ang takot sa mga mata ng asawa!

"wag na natin pag usapan yun okay?-------hindi ako galit...gaya nga ng sabi ko..lahat ibibigay ko sayo Lucille...kung anong gusto mo..dun ako--------halika na matulog na tayo.."si Jacob!

Nauna namang pumasok sa loob ng silid si Jacob!

Napabuntong hininga namang sinundan ng tingin ni Angela si Jacob!ramdam ni Angela ang pagkadismaya at lungkot sa mga mata ni Jacob!

Gusto niyang pagbigyan ang gusto ng binata pero papaano?natatakot siyang baka malaman ni Jacob na hindi talaga siya si Lucille!at isa pa wala siyang kaalam-alam sa bagay na iyon!

Hanggang sa napadako ang tingin nito sa iniinom na bote ng alak ni Jacob!napabuntong hininga itong napatingin muli sa gawi ni Jacob!

Hanggang sa walang ano anong agad nitong kinuha at agad tinungga ang laman ng bote!

Napapikit si Angela sa pait ng alak!

"bahala na------"napabuntong hininga na si Angela!agad na rin itong pumasok sa loob ng silid!

"Jacob------"si Angela!

Agad namang napalingon si Jacob!tila nagulat pa ito ng ng nasa likuran nito ang dalaga!

"bakit namumula ka?-----"si Jacob!

Agad nitong napansin ang pamumula ng mukha ng dalaga!marahil sa tinungga nitong alak!

Matagal namang hindi nakasagot si Angela!tila naumid ang dila nito na pinagmamasdan lang ang mukha ng binata!

"sweetheart?------"napakunot noo na si Jacob ng pinagmamasdan lang siya ng dalaga!

Hanggang sa walang ano anong inisang hakbang ni Angela ang pagitan ng mga ito at mariing hinagkan ang mga labi ng binata na agad rin namang tinugon ng sabik na sabik na mga labi ni Jacob!

Naging mapusok ang halikan ng dalawa!hanggang sa buhatin siya ni Jacob na hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi ng mga ito!dahan dahan nitong---- ( abangan sa chap 11  )

~~~~

LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon