CHAPTER 1

2.5K 57 1
                                    

LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon Heart

CHAPTER 1

Napaisip ito!naalala nito ang pulang envelope na ibinigay ni Donya Victoria!kung bakit hindi man lang niya iyon pinagtuunan ng pansin para buksan!eh di sanay nakita nito ang mga litrato ng mga taong may kaugnayan kay Lucille!

"i-ikaw ang asawa ni Lucille?!-----"gulat at napamaang na si Angela!

"ang asawa mo!!!----"madiin at galit na sambit naman ng lalaki kay Angela!

Nahintakutan si Angela sa bulyaw ng lalaki at sa nakikita nitong galit sa mukha nito!

~~~~

Hindi na nakaimik pa si Angela!ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa takot at kaba!iniisip kasi nito ang mga sinabi ni Donya Victoria sa kanya noon!na mi kinalaman ang asawa ni Lucille sa pagkamatay ng kanyang anak!

Tila nanlumo at nanghina si Angela!hindi na nito nagawa pang magpumiglas!iniisip nito na kung magpupumilit siya sa lalaking ito ay baka magaya lang siya sa totoong Lucille!

Tila wala sa sariling pumasok si Angela  sa loob ng sasakyan habang mahigpit pa ring hawak ng lalaki ang braso nito!

"Umalis na tayo Emilio!"utos ng lalaki sa driver!

Tulala at wala sa sarili si Angela habang lulan sila ng sasakyan!hanggang sa maalala nito kung paano siya nakarating dito sa Maynila!kung paano naalis ang balat nito sa kanyang mukha!ang lahat lahat ng mga nangyari sa kanya!

~~~~Flashback 6 months ago~~~~

PANGASINAN

Isang tindera ng isda sa palengke si Angela kasama ang kaibigan nitong si Millet!maaga pa lang ay nasa pwesto na ang mga ito para magtinda!

Laging tinatakpan ni Angela ang napakalaking balat nito sa mukha!minsan kasi natatakot at nandidiri ang mga mamimili at hindi na bumibili ng mga tinda nilang isda dahil sa kanyang balat!

Kung bakit ba naman kasi sa dami ng pwedeng tubuan ng balat sa kanyang katawan ay kung bakit sa mukha pa?!mga tanong sa isipan ni Angela!

Maganda ang hubog ng katawan ni Angela!maputi at makinis ang balat nito sa katawan!pero natatabunan lahat ng yun dahil sa napakalaking balat nito sa mukha!kung bakit naman kasiy maitim na ay may mga tumubo pang maliliit na buhok sa maitim na balat nito!

Nakikitira si Angela sa kaibigan nitong si Millet simula ng lumayas ito sa poder ng kanyang ina dahil sa hindi na nito makayanan ang sobrang pananakit sa kanya!

Mabuti na lamang at mabait ang mga magulang ng kaibigan nitong si Millet!buong puso siyang tinanggap ng mga ito sa kanilang tirahan!

Alas siyete ng gabi kung saan kasalukuyang naghuhugas si Angela ng mga plato sa kusina!katatapos lang kasi nitong kumain!mag isa lamang ito sa bahay dahil pumunta naman si Millet at ang nanay nito para umangkat ng mga isda!

Mayamayay bigla na lamang nitong naramdamang mi yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran!

Magpupumiglas sana siya kung hindi lamang siya  tinutukan agad ng patalim ng pangahas!

"wag kang magkakamaling sumigaw!kung hindi grigripuhan kita sa tagiliran!"ani ng isang lalaki!

Nabosesan naman ni Angela ang lalaking nasa likuran nito!ang nakatatandang kapatid ni Millet na si Lucas!

Hindi nakatira si Lucas sa mga magulang nito pero minsan ay dumadalaw dalaw ito!nakainom si Lucas!amoy na amoy ni Angela ang alak!

"wag manong Lucas parang awa mo na..."nanginginig sa takot na si Angela!

LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon