LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon HeartCHAPTER 3
Samantala nasa harapan ng salamin si Angela!hindi nito maiwasang mapaluha dahil sa nakikita nitong refleksiyon sa salamin!
Isa na siya ngayong magandang babae!hindi lang basta maganda!kundi napakaganda!
Napahawak si Angela sa mukha nito!
Isa na ata to sa napakagandang mukha na nakita niya sa tanang buhay niya!ang maitim at malaking balat lang niya sa mukha ang gusto nitong mawala!pero heto at sobra sobra pa ang ibinigay sa kanya!isang napakagandang mukha!
Pero sa kabila ng saya na nararamdaman nito ay hindi nito maiwasan ang matakot!ano nga ba ang naghihintay sa kanya ngayong nasa kanya ang mukha ni Lucille?!
~~~~end of flashback~~~~~
Bumalik sa kamalayan si Angela ng marinig nito ng malakas na busina ng sasakyan!
Mas lalong kinabahan si Angela ng pumasok ang sasakyan sa isang subdivisyon!
Pagkabusina ng driver sa tapat ng malaking gate ay agad naman itong bumukas!pumasok ang sasakyan sa loob ng napakalaki at napakagarang bahay!
Pagkahinto ng sasakyan ay marahas na naman siyang kinaladkad ng lalaki at hinila papasok sa loob!
"b-bitawan mo ko!"sigaw ni Angela!
Hindi naman natinag ang lalaki!mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso!
"pabayaan mo na ako....parang awa mo na------gusto ko nang umuwi..please hayaan mo na ako.."pagmamakaawa ni Angela!
Pilit nitong binabawi ang braso na hawak ni Jacob!
Tumigas ang anyo ng lalaki sa narinig!
"at saan mo balak umuwi huh?!-----sa lalaki mo?!hindi!hindi ka uuwi sa lalaki mo!ito ang bahay mo--- ang bahay natin!hindi ka na ba talaga magbabago ha Lucille?!kaya mo kaming ipagpalit ng anak mo?!"matigas na sabi ng lalaki!
Tila nagulat pa si Angela sa bulyaw sa kanya ng lalaki!
"h-hindi ako si Lucille..."lakas loob na sambit ni Angela!
Napakunot noo si Jacob sa narinig!gumuhit sa mukha nito ang matinding galit!
"napakagaling mo talaga Lucille!pano mo nagagawa ang mga ito ha?"galit na galit na si Jacob!
"maniwala ka..nagsasabi ako ng totoo!tinulungan ako ni Donya Victoria para tanggalin ang-----"napatigil na si Angela ng bulyawan na naman siya ng lalaki!
"tama na Lucille!sawang sawa na akong marinig ang lahat ng mga kasinungalingan mo!ano na naman ba to ha?!gagawa ka na naman ng kwento?"bulyaw ng lalaki!
"nagsasabi ako ng totoo!------hindi ako si Lucille!Angela ang pangalan ko.."pagpupumilit ni Angela!
Napapailing naman ang lalaki!tila hindi ito kumbinsido sa kanyang sinabi!
"Jacob iho!---anong nangyayari dito?"bungad ng isang matandang babae!si Donya Victoria!
"anong ginagawa niyo dito?!"galit na baling ni Jacob sa matanda!
"masama bang bisitahin ang anak at apo ko----"si Donya Victoria!
Agad namang tinakbo ni Angela ang matanda ng makita nito!
"Donya Victoria t-tulungan niyo po ako...sabihin niyong hindi ako si Lucille..parang awa niyo na.."pagmamakaawa ni Angela ng makita nito ang matanda!
Lalong napakunot noo si Jacob sa pagtawag ni Lucille sa mama nito!
"Lucille anak..."bakas naman sa mukha ng matanda ang pag aalala!mahigpit nitong niyakap si Angela!
BINABASA MO ANG
LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]
RomansAngela Ruiz simula pagkabata hanggang sa edad nitong beinte tres ay puro pasakit ang naranasan nito sa buhay!lagi siyang tampulan ng tukso dahil sa napakalaking balat nito sa mukha!bunga si Angela ng pang aabuso kaya ganon na lamang ang pagkadisgust...