CHAPTER 7

1.5K 51 1
                                    

LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon Heart

CHAPTER 7

"hanggang kailan ka ba ganyan?-------hanggang kailan mo ba ako sasaktan ng ganito ha Lucille?ginagawa ko naman ang lahat..simula ng dumating ka..alam mo ba kung gaano ko kagustong yakapin ka..halikan..angkinin pero ang lamig lamig mo sakin!lagi mo na lang akong iniiwasan-------"puno ng hinanakit at pangungulilang sambit ni Jacob!

Napatingin si Angela sa nakatalikod na si Jacob!ramdam na ramdam nito ang bawat katagang iyon ni Jacob!

Pero anong magagawa niya?hindi siya si Lucille!hindi nito kayang ibigay kung ano man ang gusto ni Jacob!hindi pwede!

Tumalikod na lamang muli siya ng higa at ipinikit ang mga mata nito!ang bigat bigat ng loob niya!

Naramdaman na lang nitong umalis si Jacob!medyo pabalibag rin nitong isinara ang pinto ng silid!

Mayamayay narinig na lamang nitong umalis ang sasakyan ni Jacob!

~~~~

Nagpakalango sa alak si Jacob!pasado alas siyete na ng umaga ng umuwi ito!

Pagkababa ni Angela ay siya namang pagdating ni Jacob!napatigil si Angela at napatitig sa mga mata nito!

Napansin ni Angela na malamlam ang mga mata nito  at halatang puyat at lasing!hindi maiwasang makaramdam ng guilt si Angela!

Hanggang sa walang ano anong nilagpasan lamang siya ni Jacob!medyo nabubuwal buwal pa itong umakyat ng hagdan!

"mas okay ng ganito----"napabuntong hiningang si Angela!

Hindi nito maintindihan ang sarili kung bakit tila mi kung anong sakit siyang naramdaman sa hindi pagpansin sa kanya ni Jacob!bakit?!

Sa totoo lang!gusto niya ang ipinapakita at ipinaparamdam ni Jacob na pagmamahal at pag aalaga sa kanya!

Siguro dahil hindi pa niya nararanasan kung paano ang mahalin at alagaan ng katulad ng ginagawa at ipinaparamdam sa kanya ni Jacob!

"imposible...hindi ako pwedeng mahulog sa kanya..hindi pwede!"naguguluhang si Angela pero tila mi kung anong nagproprotesta sa isipan at puso nito sa sinabi nito!

Iniisip rin kasi nito ang mga sinabi sa kanya ni Donya Victoria!andito siya para makahanap ng ebidensyang magdidiin kay Jacob sa pagkamatay ni Lucille!

Pero mi kinalaman nga ba si Jacob sa pagpatay kay Lucille?!naguguluhan na si Angela sa mga nangyayari!

~~~~

Matuling lumipas ang mga araw!mag tatatlong buwan na si Angela sa poder ni Jacob bilang si Lucille!tatlong buwan na siyang nagpapanggap!

Sa halos tatlong buwan ay nawawalan na din siya ng pwedeng idahilan sa tuwing magtatabi at matutulog sila ni Jacob pagdating ng gabi!

Hindi rin naman nito maikakaila sa kanyang sarili na masaya siya sa piling ng mga ito kahit isa lamang siyang impostor!ngayon lamang nito naranasan ang ganitong pagmamahal!

~~~~

Sa pagdaan ng mga buwan na nakakasama niya ang mga ito ay minahal na niya ang mga ito at itinuring na niyang parang tunay na pamilya!

Napamahal na siya sa mga tao lalong lalo na sa bata at kay Jacob na walang ginawa kundi alagaan at  iparamdam sa kanya kung gaano siya nito kamahal araw-araw!

~~~~

Samantala ay kakauwi lang naman nina Angela at Hannah sa masayang pamamasyal at paglilibot sa mall!

Pinabantayan sila ni Jacob ng pitong security!nailang pa si Angela dahil sa pitong security na bubuntot buntot sa kanila ni Hannah!

Pagbaba ng mga ito ng sasakyan sa harapan ng mancion ay napansin agad ni Angela ang nakaparadang sasakyan sa labas!

Pagkapasok ni Angela at ng bata ay panay ang hagikgikan ng mga ito!kaya natuon tuloy ang paningin ng dalawang nag uusap sa sala!

~~~~

Napatigil si Angela sa pagtawa ng mapansin nitong mataman silang pinagmamasdan ni Jacob!kasama ang isang babae sa sala!

"cino naman kaya tong babaeng kasama niya?kilala kaya siya ni Lucille?"kinabahang si Angela sa isip isip nito!

"hello Hannah!"nakangiting bati ng babae sa bata!

"hello po---"ang bata!

"ah Nay Nelia paki-akyat na po muna si Hannah sa taas..medyo napagod po yan..susunod na lang po ako..iinom lang po ako ng tubig sa kusina---"si Angela!

Agad namang sinamahan ng matanda paakyat ng hagdan ang bata!

Hanggang sa bumaling ang babae kay Angela!

"hi Lucille!----kamusta ka na?akala ko hindi ka na babalik-----"patutsada at taas kilay na sabi ng babae!

Ngumiti na lamang si Angela sa babaeng kasama ni Jacob kahit iba ang tono ng pananalita nito!ayaw na lamang bigyan ng ibang pakahulugan ni Angela ang patutsada ng babae!

"eto okay naman...ahhm sino ka ba?---"si Angela!

Pagak na tumawa ang babae!

"haha!nagpapatawa ka ba Lucille?----"tila nainis namang sambit ng babae!

"mukha ba akong nagpapatawa?---"pabalang namang si Angela!hindi naman talaga nito kilala ang babae!

Kung kamag anak man ito ni Lucille!lulusutan na lamang niya mamaya!

Pero hindi eh mi iba siyang kutob sa babae!

Sumeryoso ang mukha ng babae!

"Rhina Gomez!-----matalik na kaibigan at kababata ni Jacob!"taas kilay na pakilala ng babae!

"ah-------ganun ba?okay----maiwan ko na kayo----"malamig namang sambit ni Angela!

Akma na itong aakyat sa itaas ng magsalita muli si Rhina!

"haha!yan lang ang sasabihin mo?"inis namang sambit ng babae!

"bakit mi dapat ba akong sabihin?----"kalmadong si Angela!

"aba talagang ang kapal ng mukha mong babae ka !bakit bumalik balik ka pa rito ha?ubos na ba ang perang ibinigay sayo ni Jacob?-------wala ka na namang pera kaya andito ka na naman na parang maamong tupa!----pera lang naman ang habol mo kay Ja---"naputol ang sasabihin ng babae!

"Rhina!----"galit na pigil ni Jacob sa babae!

Samantala nagpipigil naman sa galit si Angela!

Tumingin ito kay Jacob at masama nitong tinapunan ng tingin!sinadya niya talagang ipahalata kay Jacob ang inis at galit nito!

~~~~

Diretso si Angela sa kwarto ng bata dala ang ilan sa mga pinamili ng mga ito!

Hindi mapakali si Angela!ewan ba niya kung bakit tila gusto nito silipin ang dalawa sa ibaba kung anong ginagawa ng mga ito!si Jacob at Rhina!

"kababata?!-----halatang halata namang mi gusto yung Rhina na yun!----dun siguro siya nagpunta kagabi!----"inis namang usal ni Angela!

Ewan ba niya kung saan nanggagaling ang inis at galit nito!pero alam niyang hindi sa mga narinig nitong sinabi sa kanya ni Rhina kundi ang isiping may kasamang babae si Jacob!at kung ano talaga ang totoong namamagitan sa mga ito!

LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon