LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon HeartCHAPTER 6
"mukhang pumayat ka ata ha Lucille?bagay na bagay ang suot mo..kung hindi lang kita kilala mapagkakamalan kitang dalaga!"mangha at nakangiting saad ng matanda!
"salamat po Nay Nelia.."napangiti si Angela!
Totoo naman talagang dalaga pa siya noh!
Hanggang sa napatingin si Angela kay Jacob!halata kasing kanina pang nakatingin sa kanya si Jacob!tila mahuhubaran na siya sa mga titig nito!
"Mama lagyan kita ng sunblock----"presinta ng bata!
"ha?!---sunblock?"si Angela!
"oo Mama!-----heto oh!para hindi tayo ma sun burn!"sabay pakita ng bata sa dala nitong lotion!
"ah ito bah?------okay sige baby..."nakangiting si Angela sa bata!
Nilagyan naman ng bata ng sunblock si Angela sa likuran nito!hanggang sa bigla na lamang naagaw ng atensiyon ng bata ang bola sa di kalayuan!
Tinakbo ng bata ang bola!wala naman kamalay malay si Angela na wala na sa likuran nito ang bata!
"baby sa kabila rin lagyan mo ha?"si Angela!
Mayamayay naramdaman na lamang nitong lumaki ang mga kamay na nasa likuran nito at kakaiba ang mga hagod nito sa kanya!bumilis na naman ang tibok ng puso nito!
Dahan dahang napalingon si Angela sa likuran nito!si Jacob ang naglalagay ng sunblock!
Bigla nitong tinipay ang kamay ni Jacob at agad itong tumayo!
Napamaang si Jacob sa inasta ng asawa!
Kinabahan si Angela sa mga titig sa kanya ni Jacob na halos hindi niya matignan ng diretso!
Bumaling na lamang ang paningin nito sa bata na naglalaro ng bola!
"H-Hannah halika gumawa tayo ng castle dun!"paglilihis ni Angela!tinawag nito ang bata!
Natuwa ang bata at agad lumapit kay Angela!
"sige sige Mama!gusto ko yun malaking malaki!"tuwang tuwa na sambit ng bata!
"sige gagawa tayo...h-halika na.."si Angela!
Saglit pa nitong tinapunan ng tingin ang titig na titig pa ring si Jacob!
Tumakbo ang dalawa patungo sa tubig!
Sinundan na lamang ng tingin ni Jacob ang dalawa!
~~~~
Mag iisang buwan na si Angela sa poder ni Jacob!pero bakit ganon sa tuwing tatangkain nitong umalis biglang mi nangyayari na tila ba ayaw siyang paalisin sa poder nito!
Unti unti na ring napapalapit at napapamahal si Angela sa bata at sa mga taong nakakasama nito!
~~~~
Kinagabihan!pagkatapos ng mga itong maghapunan ay agad ng umakyat si Angela sa silid!
Ito ang paraang alam niya para makaiwas kay Jacob!ang maagang matulog at magtulog-tulogan!
"matulog ka na Angela.....bilisan mong matulog.."sambit ni Angela sa isipan nito!
Nakatagilid na ito ng higa!
Mayamayay narinig niyang bumukas at sumara ang pinto!rinig na rinig rin nito ang paglocked ng pinto!
Gumalaw ang kama!
Nayamaya pay naramdaman na lang nitong mahigpit siyang niyakap ni Jacob habang mi pahalik halik ito sa kanyang balikat at sa kanyang likuran!
Pigil hininga at todo pikit si Angela na nakatalikod ng higa!
"sweetheart?---"malambing na sambit ni Jacob!
Mi pahimas himas pa si Jacob sa likuran nito!
Mayamayay naramdaman na lang nitong pumaloob ang kamay ni Jacob sa suot niyang pantulog!ramdam na ramdam nito ang mainit na palad ni Jacob sa kanyang tiyan!
"g-gusto ko ng matulog------"lakas loob namang sambit ni Angela!
"mmmmmm sweetheart I miss you...."puno ng pagnanasang sambit ni Jacob!
Panay ang halik nito sa kanyang likuran!
Hinawi nito ang kanyang buhok at dinampihan ng halik ang leeg nito!
Hanggang sa dahan dahan siyang pinaharap ni Jacob!
Napatitig siya sa mga mata ni Jacob!puno ng pananabik at pagnanasa ang mga mata nito!
Unti unting lumapit ang mukha nito sa mukha ni Angela!
Akma na sanang hahalikan ni Jacob ang mga labi nito ng ipinilig ni Angela ang mukha nito!
"matutulog na ako Jacob..gusto ko ng matulog!"si Angela habang nakatingin ito sa isang sulok ng silid!
Lumayo sa kanya si Jacob at tumalikod ng upo sa gilid ng kama!
Naihilamus din nito ang mga palad sa mukha sa pagkadismaya at pagkabitin!
"hanggang kailan ka ba ganyan?-------hanggang kailan mo ba ako sasaktan ng ganito ha Lucille?ginagawa ko naman ang lahat..simula ng dumating ka..alam mo ba kung gaano ko kagustong yakapin ka..halikan..angkinin pero ang lamig lamig mo sakin!lagi mo na lang akong iniiwasan-------"puno ng hinanakit at pangungulilang sambit ni Jacob!
Napatingin si Angela sa nakatalikod na si Jacob!ramdam na ramdam nito ang bawat katagang iyon ni Jacob!
Pero anong magagawa niya?hindi siya si Lucille!hindi nito kayang ibigay kung ano man ang gusto ni Jacob!hindi pwede!
Tumalikod na lamang muli siya ng higa at ipinikit ang mga mata nito!ang bigat bigat ng loob niya!
Naramdaman na lang nitong umalis si Jacob!medyo pabalibag rin nitong isinara ang pinto ng silid!
Mayamayay narinig na lamang nitong umalis ang sasakyan ni Jacob!
BINABASA MO ANG
LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]
RomanceAngela Ruiz simula pagkabata hanggang sa edad nitong beinte tres ay puro pasakit ang naranasan nito sa buhay!lagi siyang tampulan ng tukso dahil sa napakalaking balat nito sa mukha!bunga si Angela ng pang aabuso kaya ganon na lamang ang pagkadisgust...