"Oo nagseselos ako!para akong sasabog sa galit..hindi ko alam na ganun pala kasakit yun!Ang sakit sakit!Pero wala naman akong karapatang maramdaman yun Jacob!wala!"mangiyak ngiyak na sambit ni Angela hanggang sa tuluyan na nga itong napahagulgul ng iyak."Noong sinabi kong mahal kita totoo ang mga yun..kung meron mang totoo sa mga nangyayari ngayon yun ay ang mahal kita..basta ang alam ko mahal kita..mahal na mahal kita Jacob.."muling sambit ni Angela.
Agad namang nag iba ang aura ni Jacob sa narinig.Agad nitong ikinulong sa mga palad nito ang mukha ng dalaga at marahang pinahid ang mga mga luha nito.
"Im sorry...Im sorry sweetheart.."si Jacob habang pinapahid nito ang mga luha ng dalaga.Hanggang sa mahigpit rin niya itong niyakap.
~~~~
Pasado alas otso ng umaga ng magising si Angela.Naisipan naman nitong lumabas upang makapaglakad lakad sa tabing dagat.Tinapunan pa nito ng tingin ang natutulog na si Jacob bago ito lumabas ng kanilang silid.
Mi kung ilang minutong naglakad lakad si Angela sa tabing dagat.Hanggang sa maisipan nitong magpunta sa nakita nitong kainan kung saan labas masok ang mga tao roon kanina.
Nasa bungad na si Angela ng walang ano anong nabangga naman ito ang isang babae.Abala ang babae sa pagkalkal ng dala nitong bag kaya siguro hindi siya nito napansin.Tumilapon at nagkalat ang laman ng bag ng babae.
"S-sorry miss..."agad na sambit ni Angela.Agad itong yumuko at tinulungang pulutin ang mga nagkalat na gamit ng babae.
"Okay lang Miss..pasensya na rin..hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.."agad ring sambit ng babae na abala sa pagpulot ng mga gamit nito.
Hanggang sa agad na napatigil si Angela ng mamukhaan nito ang babaeng kaharap.
"Mi---Millete?"gulat at mi halong tuwang sambit ni Angela.
Agad namang nag angat ng mukha ang babae ng marinig nito ang pangalan nito.
"An---Angela?ikaw ba yan?"gulat ring sambit ni Millette.
"Millette!"muling sambit ni Angela kasabay ng mahigpit na yakap ng dalaga sa kaibigan!
Agad rin namang mahigpit na niyakap ni Millete ang kaibigan nitong si Angela!
"Oh mi gghadd anong nangyari sayo Angela?bakit ngayon ka lang nagpakita?alam mo bang sobrang nag alala ako ng bigla ka na lang umalis sa apartment..bigla ka na lang nawala..."si Millette habang nakayakap pa rin ito sa kaibigan.
Mi kung ilang minuto ang yakapan ng dalawang magkaibigan.
"Madaming nangyari Millette..at siguradong hinding hindi ka maniniwla sa mga ikwekwento ko sayo...pero isa lang masasabi ko...okay ako..okay ako Millete..."si Angela kasabay ng mahigpit pang yakap nito sa kaibigan.
Nagpunta ang magkaibigan sa isang maliit na kubo malapit sa kainan na kinaroroonan ng mga ito.Dito nga ay ikinwento at idinetalye ni Angela ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na apat na buwan simula ng mapunta siya sa poder ni Jacob.
"Hindi ako makapaniwala sa mga ikinwento mo sakin Angela..parang hindi kapani paniwala..parang sa mga napapanood ko lang na drama sa Tv.."si Millete ng marinig ang kwento ng kaibigan.
"so magkasama kayo ngayon ng asawa ni Lucille?ano ngang pangalan nun?"si Millet na tila gulat pa rin sa mga nangyari.
"Jacob...Jacob ang pangalan niya.."agad na sagot naman ni Angela.
"Hindi naman sa----pero hanggang kailan ka magpapanggap Angela?hindi naman sa habang panahon ay magiging si Lucille ka..malalaman at malalaman nila ang katotohanan..at ayokong yan ang magdadala sayo sa kapahamakan..at yung Donya Victoria na yun..iba ang kutob ko Angela..mag iingat ka sa kanya hindi siya mapagkakatiwalaan.."mahabang saad ni Millette sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]
RomanceAngela Ruiz simula pagkabata hanggang sa edad nitong beinte tres ay puro pasakit ang naranasan nito sa buhay!lagi siyang tampulan ng tukso dahil sa napakalaking balat nito sa mukha!bunga si Angela ng pang aabuso kaya ganon na lamang ang pagkadisgust...