CHAPTER 4

1.8K 51 0
                                    

LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon Heart

CHAPTER 4

Todo pikit si Angela habang nakatalikod ito ng higa!ipinapanalangin nitong sana makatulog na siya agad!

Hanggang walang ano anong bigla na lamang nitong naramdaman na mi mga brasong yumakap sa kanya!si Jacob!

Mahigpit na yumakap mula sa kanyang likuran si Jacob!napalunok si Angela!pilit nitong pinakalma ang sarili!

"i miss you sweetheart..."malambing na sambit ni Jacob habang nakayakap ito sa kanya!

Hindi naman kumibo si Angela!ang lakas ng kabog ng dibdib niya!

Hanggang sa nanindig ang balahibo ni Angela ng hawiin ni Jacob ang buhok nito at masuyong hinagkan ang leeg nito!

Pigil ang paghinga ni Angela!mayamaya pay mas lalo pang humigpit ang mga yakap ni Jacob mula sa likuran nito!

"p-pagod ako J-Jacob------gusto ko nang matulog---"pigil ang hingang si Angela!

Agad namang napatigil si Jacob sa narinig!napabuntong hininga itong napaayos ng higa!

~~~~

Alas kwatro y media ng umaga ng maalimpungatan si Angela!nakasanayan na kasi niyang gumising ng ganito kaaga dahil nga sa pagtitinda nito ng isda sa palengke!

Unti unting nagmulat ng mata si Angela!nagulat pa ito ng mukha ni Jacob ang una nitong nasilayan!isang pulgada lang kasi ang distansya ng kanilang mukha!

Iba na pala ngayon!dapat masanay na siyang makita ang lalaki pagpikit at pagmulat nito ng mata sa umaga!instant mi asawa na pala siya ngayon!sa isipan ni Angela!

Ayaw man niyang gawin ang ganitong pagpapanggap ay wala na siyang magagawa pa!

"bahala na...patawarin niyo po ako Diyos ko..."sa isip isip ni Angela!

~~~~

Napalunok si Angela ng maramdaman nito ang mga braso ni Jacob na nakadantay sa kanya!

Hanggang sa bigla na lamang siyang napatitig sa mukha ni Jacob!sa mahahaba nitong pilik mata!sa matangos nitong ilong!sa papatubong bigote at sa nag aanyayang mga labi nito!

Napangiti si Angela habang pinagmamasdan nito ang tulog na si Jacob!hanggang sa bigla rin itong natigilan!

Dahan dahang tinanggal ni Angela ang mga braso ni Jacob na nakayapos sa kanya!pero lalo lamang siyang niyapos ni Jacob at lalo pang nagdikit ang mga katawan ng mga ito!

"ano ba tong napasukan mo Angela---"pigil hiningang si Angela sa isip isip nito!

Sinimulan muling tanggalin ni Angela ang mga braso ng lalaki na nakayapos sa kanya!hanggang tuluyan niya rin itong natanggal!agad umalis si Angela sa kama!

"haist!-----"napabuntong hiningang si Angela na pinagmasdan muli ang natutulog na si Jacob!

Agad itong lumabas ng silid!inilibot naman nito ang paningin sa loob ng napakalaki at napakagarang bahay!

"ang laki naman-------hindi kaya ako maligaw dito?ngayon lang ako nakatapak sa ganitong kalaking bahay!triple ang laki nito kesa sa bahay ni Donya Victoria!"manghang mangha na si Angela!

Hanggang sa tuluyang nakababa si Angela sa may hagdan!agad siyang binati ng nabungaran niyang kasambahay sa ibaba!

"magandang umaga po Maam Lucille.."nakangiting bati ng kasambahay!

Nailang pa siya ng tawagin siyang Maam ng kasambahay!

"magandang umaga din po----"nakangiti na lamang ding bati ni Angela sa kasambahay!

LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon