CHAPTER 2

1.8K 45 0
                                    

LOVE MASK 2 "DISGUISE"
by Corazon Heart

CHAPTER 2

"D-Donya Victoria-----h-hindi ito ang mukha ko--"naguguluhang si Angela  na tumingin sa matanda!

"youre back Lucille------anak!---"tila puno ng pangungulila namang sambit ni Donya Victoria kay Angela!

Agad siyang mahigpit na niyakap ng matanda!

"D-Donya Victoria?----"naguguluhang si Angela!

Hanggang sa mayamayay marahang kumawala ang matanda sa pagkakayakap kay Angela!

"t-tulungan mo ako Angela-----"si Donya Victoria!

Napabuntong hininga si Angela!ang daming gumugulo ngayon sa isipan nito!

"a-ano pong ibig niyong sabihin Donya Victoria?----b-bakit iba ang mukha ko----"hindi malaman ang iisiping si Angela!

"----dahil yan ang mukha ng aking anak-----si Lucille----patawarin mo ako Angela----pero kailangan kong gawin to---kailangan ko ang tulong mo----tulungan mo akong makamit ang hustisya ng aking anak----"si Donya Victoria!

"hustisya?"ulit ni Angela!

"pinatay siya Angela-----at hanggang ngayon hindi pa rin matukoy kung sino ang may gawa nun sa kanya---at isa lang ang kilala kong pwedeng gumawa nun sa kanya-----------si Jacob!alam kong may kinalaman si Jacob sa pagkamatay niya?"ang matanda!

"sino po si Jacob?"si Angela!

"siya ang asawa ng aking anak---"

"p-pero pano po nangyari yun?----asawa siya ng anak niyo---bakit naman niya gagawin ang ipapatay o  patayin ang inyong anak?"gulat na si Angela!

"dahil minsang nagtaksil si Lucille kay Jacob-----gusto nang makipaghiwalay nun ng aking anak pero hindi pumayag si Jacob----kaya tulungan mo ako Angela---nakikiusap ako---"si Donya Victoria!

"p-pano po kayo tutulungan kung ang sarili ko ay hindi ko matulungan----pinaghahanap din po ako ng mga pulis?"si Angela!

"walang nakakaalam sa pagkamatay ng aking anak Angela----minarapat kong hindi ipaalam hanggat makakuha ako ng sapat na ebidensya----- ang alam nila nagbabakasyon lang ito----nasa saiyo ngayon ang mukha ng aking anak-----gusto kong magpanggap ka bilang si Lucille---"ang matanda!

"a-ano po?-------"gulat na si Angela!

"nakikiusap ako Angela----"mangiyak ngiyak na si Angela!

"p-pero hindi ko po ata kaya yang pinapagawa niyo----pano pag nalaman nilang hindi ako ang tunay na si Lucille?----ng asawa ni Lucille?baka ako naman ang malagay sa -----"napatigil na si Angela!bakas sa mukha nito ang kaba at takot!

"tutulungan kita Angela----sasabihin ko sa yo kung anong dapat mong malaman at kung ano ang mga dapat mong gawin----"

"bakit ako?------bakit hindi niyo na lang ilapit sa mga pulis ang pag iimbestiga?---"si Angela!

"may humahawak na sa kaso ng aking anak Angela----at hindi namin alam kung sino sino o gaano kalaki ang koneksiyon ni Jacob sa pulisya!at pwede niyang ipasara at baliktarin ang pangyayari gamit ang pera nito!hindi basta basta si Jacob!----maimpluwensya siya at mapera!sabi ng nakausap ko na kailangan daw ng matibay na ebidensya para madiin si Jacob para hindi na ito makapagprotesta pa----"mahabang paliwanag ni Donya Victoria!

Hinayaan naman siya ng matanda pagkatapos ng pag uusap nilang iyon!

~~~~

Samantala nasa harapan ng salamin si Angela!hindi nito maiwasang mapaluha dahil sa nakikita nitong refleksiyon sa salamin!

Isa na siya ngayong magandang babae!hindi lang basta maganda!kundi napakaganda! 

Napahawak si Angela sa mukha nito!

Isa na ata to sa napakagandang mukha na nakita niya sa tanang buhay niya!ang maitim at malaking  balat lang niya sa mukha ang gusto nitong mawala!pero heto at sobra sobra pa ang ibinigay sa kanya!isang napakagandang mukha!

Pero sa kabila ng saya na nararamdaman nito ay hindi nito maiwasan ang matakot!ano nga ba ang naghihintay sa kanya ngayong nasa kanya ang mukha ni Lucille?!

LOVE MASK "DISGUISE" [#on hold]<slow update>]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon