Chapter One

214 27 13
                                    

Warning: Do not jump up into the last chapter. Please do read first the Chapter 1-9. Thank you.

Adrian's POV

"Ay palaka!" Gulat akong napatitig sa batang babae nang bigla niya akong makita at napatili na lamang siya nang wala sa oras.

"Ano ang ginagawa mo rito sa baybayin batang pangit? Malapit nang gumabi, delikado ang lugar na ito para sa mga batang katulad mo," tinanong ko siya at napakunot naman ang noo nito.

Narito kami sa isang malawak na abandonadong dalampasigan kung saan tanaw mo naman ang paglubog ng araw. Hindi na ito binibisita ng mga tao sampung taon na ang nakalilipas sabi ng aking ina. Hindi siya marumi ngunit ayon sa kuwento ng mga nakatatanda, may shokoy raw na nangunguha ng bata.

Bata rin naman ako at tatlong taon nang pabalik-balik sa lugar na ito upang saksihan ang paglubog ng araw. Maaaring mga pangit lamang na mga bata ang kinukuha ng shokoy. Gwapo kasi ako eh. Napangiti na lamang ako sa kawalan sa isiping iyon.

"Nabubuang ka na ba? Anong klaseng ngiti iyan? Huwag mo akong gahasain, maawa ka!" Namilog ang mga mata ko sa narinig.

"Mukha ba akong rapist? Sa itsura kong ito? Ang gwapo ko naman atang rapist. Isa pa, kung gagahasain man kita, asa ka. Hindi ako pumapatol sa pangit na katulad mo. Bleh!" Paiyak na siya nang sabihin ko iyon at napairap na lamang sa hangin na tila ba isang bakla. "Umuwi ka na nga! Huwag mong sirain ang sandaling ito dahil muli ko na namang sasaksihan ang paglubog ng araw. Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" Napaiwas siya ng tingin at pinahiran ang luha.

"Si mama ko kasi, pinalo ako. Hinagisan ko lang naman ng palaka 'yung kapitbahay naming si aleng Bebang tapos inatake siya sa puso! Dapat bang ikagalit iyon?" Matatawa ba ako o maaawa? Anong klaseng utak ba ang meron siya?

"Hoy, batang pangit! Hindi ka lang pangit, boba ka rin! Buhay ng Beban—ale ang nakasalalay dun! Posible siyang bawian dahil sa ginawa mo," sermon ko sa batang pangit at boba na nasa harapan ko.

"Kanina ka pa sa pangit na iyan ah? Saka palagi mo akong tinatawag na bata, eh bata ka rin naman eh!" Tumayo siya, pinandilatan ako ng mga mata at dinuro. "Bakit? Ilang taon ka na ba? Sa tingin ko nga ay hindi ka pa tuli!"

"Hoy! I'm 11 years of age at hindi na ako bata!" tugon ko rito na ikinatahimik niya. Ano ka ngayon?

"Eleven din naman ako ah? Grade six na nga ako eh, grade six ka rin? Saan ka nag-aaral" Naging maamo ang kaniyang hitsura at lumawak ang kaniyang ngiti na nagpatingkad ng kaniyang tunay na itsura. Kabaliktaran ng kaniyang reaksiyon ang akin.

Naglakad ako bago umupo sa harap ng dagat upang simulan nang saksihan ang araw sa paglubog nito at hindi siya pinansin. Tinawag niya pa ako ngunit hindi na ako lumingon pa.

"H-Hoy…" Sinundot niya ako sa tagiliran nang makasunod siya at naupo rin sa tabi ko.

"Hindi ako nakapag-aral tulad mo. Hindi ko naranasang tumapak sa edukasyon na iyan dahil sa hirap. Nag-iisa lamang akong anak ngunit hindi nila ako napag-aral sapagkat maagang namatay ang aking ama at may sakit pa ang aking ina. Pitong taong gulang pa lamang ako nang magsimula na akong magtrabaho para sa ikabubuhay namin ni mama at upang may ipambili ng gamot ngunit hindi iyon sapat, bata." Pinahiran ko ang luhang bigla na lamang pumatak. "Naglalako ako ng gulay sa palengke, namamalimos, at nangongolekta ng mga basura araw-araw. Katatapos ko nga lang eh tapos nagtungo na ako rito upang manood sa araw. Masyadong matiwasay ang lugar na ito at nagagawa nitong pagaanin ang loob ko." Mapait akong ngumiti nang hindi man lamang siya nilingon.

"Pasensiya na kung naging mapait para sa iyo ang tanong kong iyon. Alam mo, bata, hanga ako sa katapangan mo sa buhay at katalinohan mo kahit hindi ka nakatungtong ng paaralan. May ibang estudyante na kahit nakapag-edukasyon sila ngunit hindi kasing lawak ng pag-iisip mo, bata."

"Gusto kong maging doktor upang gamutin ang aking ina ngunit paano kung wala akong pinag-aralan? Ang sarkastiko naman ata ng tadhana." Pagak pa akong natawa. "Teka nga, malayo ba ang tirahan mo rito? Baka hinahanap ka na sa inyo, umuwi ka na." Binaling ko ang atensiyon sa kaniya ngunit ganoon na lamang ang aking gulat nang makitang umiiyak siya at dali-dali pang pinahiran ang sipon. Ew.

"Huwag mo akong alalahanin, nakakaiyak kasi ang kuwento mo. Hayaan mo, simula bukas ibabahagi ko na rin ang ang mga natutuhan ko sa paaralan para magkamulat ka rin kung ano ang meron sa edukasyon. Gusto mo ba iyon, bata?" Hindi na ako sumagot pa at biglang niyakap ang batang babaeng ito.

"Talaga? Maraming salamat, bata! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya!" Kumalas ako sa pagkayayakap at ngumiti sa kaniya na naluluha pa.

"Taga-kabilang baryo lamang ako kaya malapit lang. Hindi sarkastiko ang tadhana sa iyo, bata. Pinadala ako para turuan ka. Ang pangalan ko nga pala ay Cassandra. Ikaw, ano ang pangalan mo?"

"Ako si Adrian. Magkaibigan na tayo ah? Ano, nagsimula nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang paglubog nitong tuluyan." Tinuro ko ang araw at ngumiti lamang siya bilang tugon.

Pumwesto na kami at ito ang unang pagkakataon na sasaksihan ang sunset na may kasama at unang pagkakataon na magkaroon ng kaibigang babae.

Ilang sandali pa ay dumilim na ang paligid at unti-unti na ring nagsulputan ang mga bituin sa kalangitan. Napahiga pa ako sa buhangin at pinikit ang mga mata nang may matamis na ngiti.

"Hoy, matutulog ka? Kailangan ko nang umuwi, Adrian. Magkikita ulit tayo bukas, ganitong oras." Agaran akong napatayo nang marinig si Cassandra.

"Maraming salamat. Kaya mo bang umuwi mag-isa?" Pag-alalang tanong ko.

"Oo naman, malapit lang ang bahay namin. Umuwi ka na rin upang maalagaan ang iyong ina." Nagsimula na siyang tumakbo at kumaway pa. "Basta bukas sa ganitong oras!" Nag-thumb's up lamang ako at tiningnan muna ang paglayo niya saka pa ako umuwi.

Ikukuwento ko pa sa aking ina ang kaganapan kani-kanina lamang maging ang gagawing pagturo ng batang babae na nakilala ko. Sobrang bait niya, paniguradong magagalak si mama nito.

-to be continued

A/N: Don't forget to VOTE. Thank you, mwah.

Pain Of Sunset [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon