Chapter Three

67 17 12
                                    

Adrian's POV

Maaga akong umalis ng bahay upang simulan na ang paghahanap ng pera. Ngayong araw ay ibang raket na naman ang gagawin ko.

"Opo, marunong po ako sa lahat ng gawaing bahay lalo na ang paghuhugas ng pinggan kaya sige na po, hayaan niyong ako na ang maghuhugas. Sapat na ang pang-almusal namin ng aking ina bilang kabayaran." Nagmamakaawa akong pakiusapan ang may-ari ng karenderya sa bayan. Mukhang naawa naman ito kaya't tumango na lamang siya.

"Naku, iho, siguraduhin mo lang na marunong ka? Huwag ka sanang makabasag. Oh siya, magsimula ka na hanggang alas nuwebe lang nang maiuwi mo pa ang umgahan ninyo ng ina mo, maliwanag?" Nagpasalamat ako sa aleng iyon at umalis naman siya bago ako pumunta ng pinggan upang magsimulang hugasan ang mga ito.

Habang lumilipas ang oras ay nakaramdam na ako ng panghahapdi sa tiyan. Tubig lamang ang ininom ko kanina. May isang oras pa upang matapos ako sa paghuhugas kahit marami pang kumakain.

Mabuti pa sila, masasarap palagi ang mga kinakain nila. Pinahiran ko ang pawis at inalis ang isiping iyon saka malalim na bumuntong hininga.

Mabilis na lumipas ang oras at huminto na ako kahit marami pang nakaimbak na hugasin sapagkat dinadayo talaga ang karenderyang ito. Bukod sa mura nilang mga ulam ay masasarap pa. Mas lalo ko tuloy iniinda ang hapdi ng pagkagutom.

"Oh, iho. Pagsaluhan niyo na ito ng ina mo hanggang pananghalian." Binigay niya sa akin ang dalawang supot na naglalaman ng kanin at ulam. "Gustuhin man kitang kunin dito pero masyado ka pang bata at baka mahuli tayo at posibleng maipasara ang karenderya ko. Bumilib ako sa kasipagan mo kaya araw-araw, pupunta ka rito. Magwawalis ka lang, may umagahan at tanghalian na kayo ng ina mo. Gusto mo pa iyon?" Hindi ko alam kung saan aabot ang tuwa ko sa narinig. Niyakap ko pa si aleng Jesa sa galak na nararamdaman.

"Maraming salamat po. Pangako po, magpapakabait ako sa inyo! Maraming salamat po talaga." Naiiyak akong paulit-ulit na nagpapasalamat at tumango-tango naman ito habang nakangiti.

"Sobrang bait mong bata, oh siya, umuwi ka na nang makakain na kayo." Nagpasalamat akong muli at lakad-takbong umuwi na ng bahay. May kalayuan sa bayan ang bahay namin ni mama at tatagal ito ng benteng minuto upang makarating sa ginagawa kong lakad-takbo.

"Inay! M-May dala po akong p-pagkain!" Hingal na hingal man ngunit mas masaya pa ako dahil sa wakas ay magiging maayos na kain namin.

Hindi pa man nakasagot si mama ay kumuha na ako nh mga plato upang ilipat ang mga pagkain. Lumabas si mama mula sa kwarto at tila nagulat pa sa nakita.

"Adrian, huwag mong sabihin na nagnanakaw ka na ng pagkain? Hindi tama ang ginagawa mo." Napatawa naman ako sa tinuran niya.

"Inay naman, nakalimutan niyo na po atang tinuruan niyo ako ng magagandang asal. Ikaw kaya 'yung guro ko kaya imposible pong makalimutan ko ang mga tinuro mo." Kinuwento ko sa kaniya ang lahat at ganoon na lamang ang sayang nararamdaman ni mama na mas lumamang pa sa akin.

"Napakaswerte ko talaga sa batang katulad mo." Ngumiti lang ako at nagsimula na kaming pagsaluhan ang pagkain mula sa karenderya ni aleng Jesa.

*Fast forward*

"Inay, alis na po ako," pagpapaalam ko. Bago pa man siya sumagot ay tumakbo na ako patungong dalampasigan.

Alas kuwatro pa naman ng hapon ngunit gusto kong agahan. Excited na akong makita si Cassandra. Katatapos ko lang mangolekta ng basura at pinambili ng gamot at pagkain ang kita. Hindi na masyadong mabigat lalo na't alam ko na kung saan kukuha ng makakain sa umaga.

Napaupo ako sa buhangin at hinintay ang batang babae dahil wala pa ito. Baka papunta na iyon dito.

Lumipas ang isang oras bago pa siya dumating.

"Adrian, tulungan mo ako!" Napatakbo ako at kinuha ang nakatuping tent mula sa kaniya. Jusko, ang iikli pa naman ng mga braso niya.

Natawa akong tiningnan ang malalaking pawis niya sa noo ngunit hindi niya iyon napansin sapagkat abala siya sa bag na dala-dala niyang kasinglaki niya lang din.

"Ano ang laman ng bag mo? Halos magkasingkasi lang kayo. Masyado mo atang seniryoso ang tagpo nating ito."

"Ang makata mo masyado. Teka, ilagay mo lang ang tent diyan. Pinabili ko pa iyan kay papa kanina. Wait…" Naupo kaming pareho nang simulan niya ng kalkalin ang bag. Inilabas niya ang isang flashlight, libro, papel, at dalawang lapis. Wow, angas ah. "Let us place the tent first."

Seryoso ba siya? Mayaman siguro ang batang ito.

Nang maayos na ang lahat ay kinabit na niya ang flashlight sa taas ng tent upang magsilbing liwanag. Masyadong komportable ang ganito para sa pag-aaral.

"Time check, 5:15pm. The sunset will start at 5:25 in this place based on the rotation of Earth," sabi ni Cassandra.

"We will just vouching it within 15 minutes then, we'll start our study." Gulat na napatingin sa akin si Cassandra nang magsalita ako ng English.

"Whoah, ang galing! Parang ayokong maniwala na hindi ka nakapag-aral, Adrian." Bahagya kaming natawa sa sinabi niya.

"Teka, baka magalit ang ina at ama mo sa ginagawa mong pag-alis upang turuan ako."

"Duh, nang pinabili ko si papa ng tent, sinabi kong sa kaibigan ko ako pupunta at maglalaro lamang kami ng bahay-bahayan. Umuuwi ako galing school ng 4:15 at dito na ako dumiretso after mag-ayos. Isa pa, alas otso na ang uwi ng mga magulang ko mula sa trabaho. Malabong malaman nilang pumupunta ako rito sapagkat uuwi na ako ng 6:30. Pasensiya na kung kaunting oras lamang kitang matuturuan," matalinghagang paliwanag niya at umaaktong nag-iisip pa.

"Akala ko, boba ka. Matalino pala! Okay lang sa akin na turuan mo, malaking tulong na iyon."

"Wah, Adrian! Nagsimula nang lumubog ang araw!" Lumabas siya ng tent at pumuwesto malapit sa dagat bago ako dali-daling sumunod. Batang 'to, ang tinis ng boses. Iniwan pa ako.

"Nagustuhan mo na rin pala ang araw."

"Nagustuhan ko. Nakagagaan ng pakiramdam. Sobrang ganda."

"Katulad mo." Biglang tumahimik ang paligid at tanging hampas lang ng hangin at alon ang nagbibigay tunog sa oras na iyon.

Makalipas ang ilang minuto at tinuruan na niya ako kung ano ang nasa leksiyon nila kanina. Masyadong mabilis ang oras ngunit sulit ang bawat minuto.

"Uwi na ako ngunit bago iyon, iuwi mo na ang dala kong pagkain para sa inyo ng ina mo. Sana makapunta ako sa inyo." Inilabas ni Cassandra mula sa bag ang isang tupperware at inabot sa akin.

"Ang dami mo nang ibinigay na tulong pero salamat. Mag-iingat ka, Cassandra." Ngumiti siya at tumakbo na papalayo habang kumakaway.

Napangiti akong tiningnan ang tupperware. Ang daming blessing na dumating.

Salamat.

-to be continued

A/N: Don't forget to VOTE. Thank you, mwah!

Pain Of Sunset [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon