Chapter Four

55 18 2
                                    

Adrian's POV

"Gusto kang makita ng Inay, Cassandra." Natutuwa ko siyang sinalubog at inalalayan sa dala niyang bag.

Heto na naman ang malaking bag niya, kaya ayaw tumangkad ng batang babaeng ito eh. Hindi na ako magtataka pa kung bakit hanggang dibdib ko lang siya. Ang bibigat ng dala.

"Talaga? Ngunit kailan? Palubog na ang araw at tuturuan pa kita." Isang buwan na ang makalipas na sa bawat ganitong oras niya binabahagi sa akin ang tungkol sa edukasyon. Sobrang talino niya, hindi ko iyon inaakala.

Tuwing hapon ko na rin siyang nakakasama sa pagsaksi sa paglubog ng araw. Minsan na niya ring ibinahagi ang gusto niyang maging paglaki nito, ang pagiging guro bilang isang tanyag na magtuturo. Hindi imposible ang bagay na iyon para da kaniya. Mayaman, matalino, mapagkumbaba, at sobrang bait. Hindi na rin ako magtataka kung magiging magaling siyang guro dahil kahit nasa elementarya pa lamang ito ay nakikita ko nang mahusay siya base sa ginagawang pagtuturo nito sa akin.

"Hoy, Adrian! Napatulala ka ata sa kawalan, kanina pa kita tinatanong uy!" Namulat sa reyalidad ang diwa ko nang mapagtantong nagtatanong pala si Cassandra.

"Pagkatapos ng sampung minuto ay aalis tayo rito upang puntahan ang ina ko. Hindi mo ako tuturuan pfft. Marami pa namang oras para sa leksyon mo, binibining Cassandra Demontero." Bahagya niya akong hinampas na siyang nagpatawa sa aming pareho.

"Lokong Adrian. Wah, lumulubog na!" Sa ilang beses na pagkakataon ay iniwan na naman ako ng batang sipunin na ito sa tent at makasariling umupo sa buhangin.

No choice but I have to follow her. Siya nagturo.

Tahimik lamang kami hanggang sa lumipas ang ilang minuto saka ako tumayo ganoon din siya.

"Dadalhin mo ba ang bag mo sa bahay? Eh halos masilid ka na sa malaki mong bag! Ang liit mo pa naman, kasya ka ata diyan." Nakasimangot naman itong tiningnan ako habang sinusuot niya naman ang bag. "Akin na nga iyan. Ano bang mga laman nito?" Hinablot ko ang bag at sinuot. Hindi naman pala mabigat, hangin lang ata ang alam.

"Dalhin mo na lang at huwag mong bubuksan. Tara na? Excited na akong makita ang mama mo." Matamis siyang ngumiti at ginulo ko naman ang kaniyang buhok. Hinipan niya pa ang bangs, animo'y wala nang ibang magagawa pa.

Palaging naiiwan ang tent sa dalampasigan kasama ang flashlight, papel, at lapis. Hindi niya pwedeng iwanan ang mga libro dahil dinadala niya ito palagi sa paaralan. Imposibleng mawala ito roon. Tanging kami lang ni Cassandra ang nagpupunta sa dalampasigan.

Labinglimang minuto lamang ang haba ng lalakarin papuntang bahay. Nag-iisang nakatayo ang maliit naming tahanan ni mama. Walang kapitbahay at masyadong tahimik.

"Hindi ka ba natatakot maglakad dito tuwing ganitong oras?" Napakapit ito sa laylayan ng damit ko habang naglalakad kami.

"Hoy, bata, dumistansiya ka ng—aray!" Binatukan ba naman ako kahit hindi niya ako halos maabot.

"Huwag mo nga kasi akong tatawaging 'bata' dahil bata ka rin! Huwag mo rin akong pinapadistansiya kasi n-natatakot a-ako!"

"Edi hindi pero paano muna ang utal—aray! Oo na wahahaha." Inakbayan ko siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Bawal ang pasaway na bata sa lugar na ito kasi kinakain ng mga multo." Pananakot ko sa kaniya na siyang nagpahigpit ng kapit nito sa akin. Teka, may multo bang nangangain?

Hindi na siya umimik pa hanggang sa makarating kami ng bahay.

Maganda ang panahon at lumitaw agad ang liwanag ng buwan. Nagbibigay rin ng liwanag ang kandilang nasa loob ng bahay.

"Ito ba ang bahay ninyo ng mama mo?" Tila hindi siya makapaniwala sa nakita.

"O-Oo, pasensiya na kung ganiyan lang ang aabutan mo sa paglalakad natin. H-Hindi kami mayaman pero welcome na welcome ka, Cassandra." Napakamot pa ako ng ulo habang sinasabi iyon.

"Walang kaso sa akin kung ano ang estado ng buhay mo, Adrian. Kaibigan kita kaya tanggap kita kung ano at sino ka. Wala kang dapat na ipag-alala."

"Oh, Adrian, nandiyan ka na pala. Teka, ito na ba ang batang babae na sinasabi mo? Oh, siya, iha, pumasok ka." Nakatayo si mama sa pintuan at maaaring narinig niya kaming nag-uusap ni Cassandra.

"Magandang gabi po, mama ni Adrian. Kumusta po?" Nahihiya man ngunit bumati pa rin siya tanda ng pakikipagrespeto nito.

"Ang bait mo naman, iha. Tawagin mo na lang akong Tita Lany mo. Pagpasensiyahan mo na ang bahay namin kung hindi gaanong maliwanag ha? Maupo ka."

Iyon ang naririnig kong usapan sa loob ng bahay. Sobrang bait ni mama sa batang babaeng iyon.

"Oh, Adrian? Ano pa ang ginagawa mo riyan sa labas?" Takang tanong ng aking ina.

"Si Cassandra lang po kaya pinapapasok niyo. Bibili na lang ako ng bagong mama." Nagtatampo akong pumasok ng bahay at hinubad ang bag na Dora ni Cassandra. Oo, si Dora na malaki ang ulo.

"Aysus, gusto mo lang ng lambing ni mama eh. Wala ka rin namang pera pambili ng bagong ina." Palihim namang natawa ang dalawa. Hindi pala palihim kasi nalaman ko rin.

Nagkuwentohan lang silang dalawa at lumabas na lang ako. Ang saya-saya nila, lalo na ang aking ina at hindi ako pinansin na para bang hindi ako kadugo. Bibili na talaga ako ng bagong mama. Biro lang, mahal na mahal ko iyan.

"Hindi ko alam na mahilig ka rin pala sa paglubog ng araw. Walong taon pa lamang si Adrian ay gusto na nito ang paglubog ng araw. Ligtas din naman ang lugar na iyon sapagkat walang ibang pumupunta maliban sa anak ko."

Mga Marites ata ang dalawang ito, ako na naman ang napiling pag-usapan.

"Ngunit bakit nga po pala hindi na dinadayo ang lugar na iyon, tita Lany?" Tanong ng chismosang bata na walang iba kung hindi si Cassandra.

"Sampung taon na ang lumisan nang may benteng mga bata ang sunod-sunod na namamatay sa dagat araw-araw. Ayon sa mga nakasaksi, biglang hinihigop ng dagat ang mga bata sa parteng hindi kalaliman ngunit huwag kayong mag-alala dahil hindi iyong mangyayari sa inyo kung hindi kayo maliligo. Simula noon, unti-unti nang nawawalan ng interes ang mga tao upang magpunta at maligo," mahabang salaysay ng aking ina.

Akala ko may shokoy wahaha. Mabuti na lang at hindi ko nasabi iyon noong una naming pagkikita.

"Nakakatakot naman po. Hala, lagot, masyado pong napasarap ang kuwentuhan natin, tita. Kailangan ko na pong umuwi. May dala nga po pala akong pagkain, pagsaluhan niyo na lang po ni Adrian." Napalingon ako sa kanila at kasalukuyan ng kinuha ni Cassandra ang tupperware sa bag niya saka inabot kay mama.

Palagi niya kaming binibigyan ng pagkain. Sobrang bait niya.

Natuwa naman ang aking ina at nagpasalamat.

Hinatid ko na si Cassandra hanggang dalampasigan at tumakbo na naman siya dala ang bag niyang kasinglaki lamang nito bago ako naglakad pauwi nang may ngiti sa labi.

Habang tumatagal ay mas lalo lang siyang naging mabuti.

-to be continued

A/N: Don't forget to VOTE. Thank you, mwah!

Pain Of Sunset [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon