Chapter Nine

50 15 0
                                    

Cassandra's POV

"Naiintindihan mga bata?" mahinahon kong tanong sa mga batang tinuturuan ko sa isang private primary school.

"Yes po, Mrs. Herrera," tugon naman ng mga ito na siyang nagpangiti sa akin.

Limang taon na akong nagtuturo bilang isang LPT. Natupad na nga ang pinapangarap kong maging isang ganap na guro.

Sampung taon na rin ang nakalilipas nang hindi na ako nakauwi pa ng probinsya dahil sa pag-aaral at nang pumasa ako ng board exam ay dito ko na naisipang mag-apply sa Manila sapagkat narito ang kasintahan ko na nakilala ko pa noong ako ay nasa 3rd year college. Gustuhin ko mang magturo sa probinsiya para makita ko rin ang dating kaibigan ngunit pinigilan ako ng ama at ina. Paano na raw si King? Isa pa, wala na rin naman akong matutuluyan doon. Hanggang sa pag-aasawa ay sila pa rin ang komukontrol at nagdedesisyon para sa sarili ko. Pinakasal ako 1 year ako at apat na buwan ng buntis.

Inaamin kong napamahal ako kay King Herrera, mabait siya, matalino, mayaman, at mapagmahal. Gwapo rin ang asawa ko ngunit sa totoo lang ay mas lumamang ang hitsura ni Adrian kahit ganoon lamang ang buhay niya o hindi magagara ang kasuotan nito.

Speaking of Adrian, kumusta na kaya siya? Sa pagkatatanda ko, huling tawag ko kay Adrian ay noon pang tatlong taon ang nakalilipas. Kasalukuyan na akong nakikipagrelasyon kay King, binalita ko rin sa kaibigan ang tungkol sa amin ngunit binabaan niya lamang ako ng tawag at hindi na muling nagparamdam. Ilang beses kong tinawagan ngunit hindi na ito makontak pa.

Nasaktan ko kaya siya? O nag-o-overthink lamang ako?

Pagmamahal naman talaga ang nararamdaman ko para sa kaibigan ngunit tama nga ang naririnig ko na puppy love lamang ang tungkol sa nararamdaman ko. Hindi ko rin naman inamin sa kaniya noon ngunit hindi ko ring maiwasan na malaki na ang kasalanan ko. Nangako akong hihintayin niya ako. Nangako ako… hindi lamang bastang paghihintay ang pinangako ko sapagkat nangako rin ako sa sarili na babalikan siya upang umamin sa tunany kong nararamdaman at upang tulungan siyang makaahon sa kahirapan kasama si tita Lany ngunit ibang landas ang tinahak ko.

"Teacher, are you okay po? Why are you crying?" Mabagal na pagtatanong ni Vanessa nang mapansin na pinahiran ko ang mga luha at napasinghot pa.

"Ah, wala ito, Vanessa. Napuwing lang si teacher. Just answer the activity that I'll be given today." With that ay nagsulat na ako sa blackboard para sa gawain nila ngayong araw.

I handled 20 students in my class and as a class advisor, tungkulin kong may matutunan ang mga batang ito. They are all smart at very active, I hope my baby will be like them.

Hinaplos ko ang tiyan at napangiti. Gusto kong pagkatapos manganak ay pinapangako kong bibisitahin si Adrian. Gustong-gusto ko na siyang makita muli. Gusto ko siyang yakapin. May asawa na rin kaya siya? Successful na kaya siya? Ano na kaya ang kalagayan niya ngayon? Araw-araw pa rin kaya siyang nagpupunta sa dalampasigan? Sinasama niya ba ang pamilya niya? Masaya na kaya siya ngayon?

Haisst, pinuno ako ng mga tanong tungkol sa kaniya. Miss ko na siya, inaamin ko. Hindi naman siguro magagalit ang asawa ko kung pupuntahan ko siya, tama?

Tatawagan ko sana ang asawa ngunit naalala kong office hour niya nga pala ngayon katulad ko. Saka ko na lang siya kakausapin.

*Fast forward*

"Hindi ako makapapayag na mag-isa ka lang pupunta sa probinsiya, Cassandra. Makapupunta ka lamang doon kung isasama mo ako," angal ni King.

Narito kami sa aming kwarto at kinausap ko nga siya tungkol sa nalalapit kong pag-alis ng siyudad.

"Pinapayagan kitang sumama after kong maipanganak ang panganay natin. May gusto lamang akong bisitahin ngunit nakikiusap akong kapag nakarating na tayo roon ay iiwan lamang kita sa airport—"

"Bakit ba hindi ako pwedeng sumama sa gusto mong puntahan? May tinatago ka ba sa akin?"

"King, limang oras lamang ang hinihingi ko. Sa airport ka lang mananatili at ako na ang pupunta sa probinsiyang dating tinitirhan ko. Bibisitahin ko lamang ang dating kaibigan na sampung taon ko ring hindi nakasama. Ano man ang mangyari ay hihintayin mo lamang ako sa airport," pakiusap ko rito na siyang ikinatango naman niya.

"Naiintindihan kita, payag ako." Ngumiti siya at niyakap ako.

Hindi ako nagkamaling tuluyan siyang pakasalan, sobrang bait niya.

"Salamat, King. Mahal kita," usal ko pa.

"Mahal din kita, Cassandra. Matulog na tayo. Good night," tugon nito bago humiga sa aking tabi at niyakap ako habang nakahiga kaming pareho ngunit bago iyon ay bigla siyang bumangon at hinalikan ang aking tiyan, "Muntik ko nang makalimutan si baby." Napatawa pa siya at muling bumalik sa pagkakahiga.

"Bago tayo tuluyang matulog, may isang bagay lamang akong gustong hilingin sa iyo, King."

"Ano iyon?" tugon niya habang nakapikit.

"Maaari bang huwag mo nang banggitin ang bagay na napag-usapan natin ngaying gabi? Siguradong hindi sila papayag dahil noon pa lamang ay tutol na sila sa pagkakaibigan namin ng batang nakilala ko lamang sa dalampasigan," mahina kong pakiusap at napamulat naman siya sa narinig.

"Ngunit bakit?" takhang tanong nito.

"Mahirap lamang ang batang nakilala ko. Hindi siya nakatungtong ng paaralan kahit isang beses man lamang dahil sa kahirapan. Patay na ang ama niya noong maliit pa lamang siya at may sakit pa ang kaniyang ina. Kailangan niya pang mangalakal upang may pambili ng gamot sa ina. 'Di baleng hindi na raw siya makapag-aral o makakain ng maayos basta maging makusog lang ulit ang ina niya. Mataas din ang pangarap nito at hanga ako sa katalinuhan niya kahit hindi siya nakapag-aral. Ako ang nagsisilbing guro nito noong mga panahong nagkikita pa kami. Tuwing hapon ko siya tinuturuan pagkauwi ko galing paaralan at binibigyan ng makakain sa gabi. Sabay rin naming minamasdan ang unti-unting paglubog ng araw," kuwento ko at tumigil muna dahil mukhang tutulo na naman ang aking luha. "Miss ko na siya, King… kumusta na kaya siya ngayon?" Walang anu-ano ay napaiyak na lamang ako sa sakit.

"Shh, makikita mo rin siya pinapangako ko. Huwag ka nang umiyak. Hindi rin makabbubuti sa baby kung palagi kang umiiyak." Tumango lamang ako sa sinabi niyang iyon at siya na ang nagpunas ng mga luha ko. "We need to rest na, Cassandra." Iyon ang huling sinabi niya bago kami pumikit.

Hindi ko sinabi ang kasarian ng kaibigan ko at baka kung ano pa ang isipin ng asawa ko. Baka may posibilidad pang magbago ang desisyon niya.

-to be continued

A/N: Don't forget to VOTE. Thank you, mwah!

Pain Of Sunset [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon