Chapter Eight

48 18 3
                                    

Cassandra's POV

"Paalam, Adrian…" iyon ang huling salita ko bago umandar ang kotseng sinasakyan patungong airport.

Alam niyo bang narinig ko pa ang pagtawag nito sa akin? Hindi ako maaaring magkamali, hinanap niya ako ngunit nakaliko na ng kanto ang sasakyan namin. Napairap na lamang ang aking ina at umiling-iling habang napaluha na ako habang nasa biyahe.

Gustuhin ko mang ipahinto ngunit alam kong magagalit lamang silang pareho sa akin. Hindi ko nagawang tawagan ang kaibigan dahil ayokong ma-miss lang siya lalo, alam kong naghihintay siya ng tawag mula sa akin.

Tahimik lamang akong umiiyak sa likuran ng kotse maging sa pagdating namin ng airport. Panay ang aking tingin sa kalsada na akala mo ay posibleng darating si Adrian ngunit hindi eh, imposibleng hahabulin niya ako hanggang dito.

"Cassandra!" Bahagya akong nagulat nang galit na tinawag ako ng ama. "Bilisan mo na diyan at tumigil ka na sa pag-iyak! Hindi nga nakatungtong ng paaralan ang batang iyon tapos aasa kang makakatungo iyon dito? Halika na kung ayaw mong tuluyan akong magalit sa iyo!" Tama ang aking ama ngunit masakit pa rin sa akin na ang gabing pagpapaalam ko ay siyang huling gabing pagkikita namin.

Pinahiran ko ang mga luha na ayaw pa ring tumigil hanggang sa nakasakay na kami ng eroplano. Tanaw ko ang magagandang tanawin sapagkat malapit sa bintana ako umupo. 9:30am pa lang at nakikita ko ang sinag ng araw at bumalik na naman ang alaalang pinagmamasdan naming pareho ang paglubog nito.

Dapat pag-uwi ko, successful ka na, Adrian… iyon ang sigaw ng aking isipan. May tiwala ako sa talino niya lalong-lalo na sa kaniya mismo. Mahal kita…

Isang oras lang ay nakarating na kaming NAIA at ganoon na rin ang mangha ko sa nakita nang bumiyahe na naman kami patungong Quezon City. Sobrang tataas ng mga gusali hindi katulad ng probinsya. Sobrang ganda. Mas maraming sasakyan at nakamamangha. Ito ang unang pagkakataon kong makakita ng totoong siyudad. Wow. Parang kumikinang ang aking mga mata sa nakita lalo pa't maaga.

"Magugustuhan mong tumira rito, Cassandra. Magandang rason upang unti-unting kalimutang ang batang pulubing iyo—"

"Ma, please lang ho. Huwag niyo naman pong pagsalitaan ng ganiyan ang kaibigan ko. Kaibigan ko pa rin po iyon. Respeto naman ho," putol ko sa ina. "Wala naman sa estado ng buhay ang pakikipagkaibigan, nasa samahan iyon ng isa't isa kung paano lalampasan ng sabay ang problema't saya." Hindi na ako muling nagsalita pa at binaling muli nag atensiyon sa bawat lugar na madadaanan.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa bahay na tutuluyan namin. Mas malaki ito kesa sa tahanan namin sa probinsiya, sa isang subdivision kami naninirahan at masyadong sa parteng sinilangan at isa lang ang pinangamba ko. Hindi ko masisilayan ang paglubog na araw. Kahit ang paglubog ay hindi man lamang ako dinamayan? Plano ko pa namang tawagan si Adrian mamaya kung tanaw ko ang araw ngunit wala. Kahit pumunta na akong second floor at naghintay na baka nagkamali lang ako ngunit sumapit na ang gabi ay hindi ko ito nasilayan.

Malungkot akong napahiga sa kama kahit nakamaleta pa ang mga gamit ko. Wala akong ganang mag-ayos ngayon. Nagpaalam ako kanina kina mama at papa na papasok na ako ng kwarto at kung pwede ay huwag muna akong disturbuhin. Hindi na rin ako kumain pa.

"Cassandra, gumising ka." Naramdaman kong may umalog ng aking katawan at nang imulat ko ang mga mata ay nakita ko si mama. "Pasado alas nuwebe na ng umaga, bumagon ka ng makakain ka." Si mama pala.

"Wala po akong gana…" nasabi ko na lang at muling pumikit.

"Ni hindi mo pa nga nalilipat itong mga gamit mo sa cabinet tapos matutulog ka pa? Makinig ka, Cassandra Demontero! Ano ba ang ginawa ng batang pulubi na iyon para magkaganiyan ka?!"

"Kapag ba bumangon ako, ititigil mo na ba ang panglalait kay Adrian?!" Naapsigaw ako ng oras dahilan upang magulat siya. "Walang mararating ang panglalait ninyo sa kapwa natin. Maswerte kayo dahil pinanganak kang may kaya sa buhay, eh 'yung nilalait mo? Kahit mahirap iyon, mataas ang pangarap nun sa buhay! Tandaan mo po, kung ang isang tao ay sobrang nagsusumikap sa buhay, magtatagumpay iyan pagdating ng araw." Tumayo ako sa kama at tinuro ang ina habang binibitawan ang mga salitang iyon. "Respeto ang hinihingi ko para sa kaibigan ko kapalit ng respetong ibibigay ko po sa inyo."

"P-Pasensiya na, a-anak…"

"Gusto ko munang mapag-isa, ma. Masyadong mabigat pa rin sa parte ko na iwanan ang taong mahigit anim na taon ko ring nakakasama." Humikbi ako at mayroong mainit na likido ang lumabas sa aking mga mata na siyang pinahiran ko naman kaagad.

Narinig ko ang mga yapak patungo sa pinto at marahang pagsara nito. Ayokong sagutin ka, ma ngunit hindi rin naman kasi tama kung hindi ko kayo aawatin. Kawalan iyon ng respeto para sa akin at insulto sa pagkakaibigan namin.

Muli akong natulog at bigla ring napabangon nang maalalang tawagan si Adrian.

Kinuha ko ang cellphone na nasa bag ko at d-in-ial ang number ni Adrian. Ilang ring pa lamang ay sumagot na ito. "Cassandra," mahinang sagot nito na nagpadurog sa akin. G-Gusto ko siyang yakapin.

"K-Kumusta?" Pagak akong napatawa dahil gusto ko ring pigilan ang pagtulo ng luha at upang hindi niya mahalatang naiiyak ako.

"Mabuti, may trabaho na ako," wala pa rin sa sariling sagot nito.

"B-Bakit parang hindi ka ata masaya? Hindi ka ba masayang may trabaho ka n—"

"Hinintay ko ang tawag mo kahapon. Sana tumawag ka man lang noong paalis na kayo, Cassandra. Hindi 'yung kailangan pa kitang personal na puntahan para makapagpaalam." Galit ang tono ng kaniyang boses.

"S-Sorry, hindi ko nagawa," iyon lamang ang lumabas sa bibig ko at kinagat ang labi dahil naiiyak na nga ako ng tuluyan.

"Tawag lang ng araw ng pag-alis niyo, iyon lang ang hinhingi ko. Mabuti ako, sana ikaw rin. Paalam at may gagawin pa ako." Binaba niya ang telepono at doon na ko tuluyang umiyak.

Akala ko ay okay na siya sa paalam ko noong huling pagkikita namin ngunit tama siya. Magkaiba ang araw at oras na iyon. Dapat ko nga sanang pinaalam sa kaniya ang pag-alis namin.

Patawad, Adrian.

-to be continued

A/N: Don't forget to VOTE. Thank you, mwah!

Pain Of Sunset [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon