Chapter Five

60 18 4
                                    

Adrian's POV

"Ang mura lang pala ng mga bilihin noon 'no? Sana sa mga panahong iyon na lang ako nabuhay," usal ko matapos sinabi sa akin ni Cassandra ang mga presyo ng bilihin noong taong 1940.

"Mas maswerte kang nabuhay sa henerasyong ito, Adrian. Dati, mura nga ang mga bilihin ngunit sobrang hirap namang kumita ng pera. Minsan, ang ibang mga tao ay pinipili na lamang palitan ng isa o mahigit na gantang ng bigas ang gusto nilang bilihin sa palengke kahit nagkakahalaga lang ito ng 0.10 centavos hanggang dalawang peso. Ngayon? Mahal ang mga bilihin at mahirap ding kumita ng pera ngunit nandito ako at ang karenderyang sinasabi mo upang matulongan ka. Marami mang nagugutom sa panahon natin ngunit nagagawa lang nilang manglimos pero dati, kailangan mo talagang kumayod para mabuhay," mahabang paliwanag niya.

"P-Pero, matanong ko lang… kung maraming nagugutom ngayon ay bakit hindi na lang gumawa ng pera ang taga-gawa upang ibigay ito sa mga taong naghihirap katulad ko at upang maging maunlad na ang bansang Pilipinas?" Napailing siya sa tanong ko.

"Hindi ganoon kadali ang iniisip mo. Kung magpi-print ng maraming pera upang ibigay ito sa mga mahihirap ay posibleng mas lalong tataas ang presyo ng mga bilihin lalo pa at alam nilang mapera na ang mga tao. Mas lalo lang tataas ang inflation, Adrian na magiging sanhi sa posibleng ikabagsak ng bansa. May ginagamit rin sa pagpi-print ng pera na may matataas na halaga at kung magpapatuloy ito ay babagsak talaga ang Pilipinas na magiging sanhi ng posibleng pagkagutom ng lahat." Oo nga 'no? "Naiintindihan mo na ba ang leksyon natin?"

"Bagay nga sa iyo ang maging guro dahil ang dami ko nang natutunan sa husay mong magturo. Oo, naiintindihan ko." Napalakpak pa ako sa sinabi ko na siyang ikinatuwa niya. "Siya nga pala, sa susunod na linggo na ang pagtatapos mo ng highschool. Saan ka magkokoleheyo?" Napaiwas ito ng tingin sa akin at lumabas ng tent at nakatayong humarap sa dagat na siyang sinundan ko naman.

Hindi na bago sa akin na bigla-bigla niya akong iiwan sa loob ng tent sapagkat iyon ang lagi niyang ginagawa. Halos araw-araw at walang palya.

17 years old na kaming pareho at oo, magtatapos na siya ng highschool sa programang K-12. Habang ako? Patuloy pa ring tinuturuan bawat Lunes hanggang Biyernes. Unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap niya sa buhay at hanga ako roon. Habang ako? Inaalagaan pa rin ang aking ina kahit gumaling na ito nang tuluyan. Gumaling siya hindi dahil sa mga gamot kung hindi dahil sa pagkakaroon ng sapat na pagkain araw-araw. Hindi na rin nangangayat ang aking ina.

"Adrian…" mahinang bulong niya.

Tumangkad na ang babaeng pandak at hanggang tainga ko na siya. Ang bilis nga naman ng panahon. Humaba na rin ang kaniyang buhok na hanggang leeg lamang dati at may bangs pa, talagang kamukha niya ang dating bag na si Dora. Bilugan ang mga mata, at matangos ang kaniyang ilong, maninipis ang kaniyang mga labi, malaman ang mga pisngi. Napakaganda niya.

"Bakit?"

"Kapag ba sinabi kong aalis na ako ay hindi ka malulungkot?"

"Ganitong oras naman talaga ang pag-alis mo, 'di ba? Tapos mo na akong turuan. Ano ba ang dapat ikalungkot doon?" Napatingin ako sa kaniya kahit madilim na ngunit ramdam kong hindi niya ako binalingan.

Panandaliang hindi ito nagsalita at tanging hampas lang ng alon at hangin ang nagsisilbing ingay sa sandaling iyon.

"Ang tahimik mo ata," basag ko sa katahimikan.

"H-Hindi naman kasi simpleng pag-alis iyon eh." Basag na rin ang mga boses niya at halatang umiiyak na ito. Naguguluhan naman akong hinarap siya sa akin. "Luluwas ako ng Manila, Adrian…" Ano?

"Matagal pa naman, 'di ba? Saka babalik ka naman agad, tama?" Ngumiti ako. Umaasang tatango siya ngunit hindi niya ginawa.

Iba ang kaniyang sagot…

"Ito na ang huling pagtuturong gagawin ko sa'yo. Ito na ang huling pagkikita natin sa ngayon. Ito na ang huling hapon na makasabay mo akong saksihan ang paglubog ng araw  ngunit hindi ito ang huling pag-uusap natin." Napaluha ako sa narinig. Halos madurog ako sa balita niyang iyon.

"B-Bakit?" mistulang salitang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin.

"Adrian, m-may pangarap ako. Luluwas ako ng M-Manila para magkoleheyo, l-lilipat na kami ng pamilya ko roon. A-Ayokong iwan ka pero may p-pangarap ako."

"Bakit padalos-dalos naman, Cassandra? Biglaan naman ata ang balita mo."

"Isang taon na ang nakalilipas nang malaman nilang nakikipagkita ako sa iyo. Tutol sila sa pagtuturo ko sa iyo at nagpasiya silang ililipat ako sa Manila. Inayos nila ang mga papeles para sa paglipat namin at hihintayin na lang nilang makapagtapos ako ng highschool. Ngunit lumuluhod akong nakiusap na huwag akong pigilan sa pakikipagkita ko sa iyo kaya't pumayag sila, Adrian." Nagulat ako sa narinig at binitawan siya. Umupo na lamang akong napaiyak.

"P-Paano a-ako?"

"Mababalitaan mo rin ako sa pamamagitan nito." Napatingala ako nang may inilahad siyang telepono. "Tatawagan kita kapag free time ko. Mahirap man pero iyon na lang talaga ang magagawa natin kapag nakaalis na ako…" Napasinghot siya at tinabihan ako. Inabot niya sa aking ang isang keypad na cellphone at tinitigan iyon.

Tinuruan niya ako kung paano iyon gamitin. Siya lang daw ang tatawag sa akin. Mayroon ng sim card iyon at full charge pa. Ngunit saan ko naman isasaksak kung lowbat na?

"Heto nga pala ang charger. Hindi madaling ma-lowbat ang keypad kaya iyan ang binigay ko sa iyo. Aabot ang battery niyan ng tatlong araw at mabilis lang mag-full charge. Kung gusto mo talaga akong makausap, hahanap ka ng paraan para ma-full charge ulit kapag na-lowbat." Pinahiran niya ang kaniyang mga luha at mabilis ko naman siyang niyakap.

"Salamat. Mami-miss kita. Sana bumalik ka," iyon lang ang sinabi ko habang nakayap sa kaniya na siyang tinugunan naman nito.

"Hintayin mo ako, Adrian. Hintayin mo ako katulad ng paghihintay nating pareho sa paglubog ng araw." Hihintayin talaga kita. "Pinapangako kong babalik ako. Hindi man ganoon kabilis ngunit pangako." Kumalas siya sa pagkakayap at muling pinahiran ang luhang hindi niya mapigilan.

"Aasahan ko ang pangako mo," tugon ko at muling niyakap siya.

Ayokong matapos ang gabing ito. Ayokong umalis siya ngunit wala na akong magagawa pa.

Iiwan na nga ako ng taong matagal ko nang lihim na nagugustuhan…

-to be continued

A/N: Don't forget to VOTE. Thank you, mwah!

Pain Of Sunset [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon