DEANS:
deanna isa..galit na sigaw ni jessie kaya napabalikwas ako ng bangon sa bed, nakatulog na pala ako akala ko nananaginip ako, akala ko panaginip lang yung sigaw niya, mabilis naman akong pumunta sa pinto para buksan, bumungad sakin yung nakataas na kilay at kunot nuo niya..
bakit mo nilock yung pinto diba sabi ko magluluto ako ng pagkain..galit na sabi niya kaya napanguso nalang ako, alam naman niyang hindi ako natutulog ng hindi naka lock yung pinto.
akala ko kasi umalis kana kaya nilock ko na yung pinto, then ayun nakatulog ako..sagot ko pero inirapan lang niya ako saka nilampasan nakasunod naman sakanya si nanay beth kaya bagsak balikat kong sinara yung pinto, napakasungit talaga niya..
nay dito nalang po salamat po ah..nakangiting sabi niya kay nanay nung maibaba nila yung dala nilang pagkain, bakit pag sa iba ang amo-amo niya bakit pagsakin akala mo laging mangangat sa sungit.
hindi nalang ako umimik nung nag uusap pa sila ni nanay sa may pinto dahil hinatid niya din si nanay parang hindi nila ako nakikita,,hays", pabagsak akong nahiga sa bed ko saka pumikit, narinig ko nalang yung pagbukas at sara nang pinto ng kwarto lumabas na siguro si nanay", yung dragon na naman yung naiwan.
what the..biglang sabi ko nung may tumamang unang sa mukha ko kaya napabangon ako, nakataas na naman yung kilay niyang nakatingin sakin..
tumayo ka dyan at kumain ng makainom ng gamot..masungit na sabi niya, para akong batang pinapagalitan ng nanay jusko po..
isa deanna..bilang niya nung hindi ako kumilos sa pagkakaupo ko sa bed..
you know what naiintindihan ko namang sinusungitan mo ako dahil baka ako yung pinaglilihiaan mo", pero please wag naman lagi magkakasakit ako sa puso sayo..ngusong sabi ko saka tumayo sa bed saka naupo sa harap ng table para kumain, nakakatakot na kasi yung tingin niya..
so napapagod kana?..seryosong tanong niya kaya napatingin ako sakanya pero mabilis siyang nag iwas tingin sakin..
of course not..sagot ko saka inalis yung takip ng mga pagkain bigla naman akong nakaramdam ng gutom nung maamoy ko yung ramen..
nagsasawa ka nang intindihin ako..tanong ulit niya nung maupo siya sa harap ko pero hindi nakatingin sakin parang biglang nawala yung sapi ng dragon sa pagkatao niya