Chapter 02.-Mommy.

3.6K 105 2
                                    

Haylee's Point of View



"Ano?! Papaanong may leukemia ang kapatid ko nang mga nakaraang linggo, e halos manatili na kami dito araw araw? Ilang beses na kaming pumupunta dito pero ngayon niyo lang nalaman ang sakit ng kapatid ko? Ang boplaks naman ng hospital na 'to, naghihirap na pala 'yung kapatid ko, ngayon niyo lang sinabi? Hindi naman sa pang iinsulto pero pinanghuli niyo ba ang kaso ng kapatid ko dahil mahirap lang kami? Doc naman, napakataas naman ng standards niyo! Kapartido ko po iyon! Bata pa pero ngayon niyo lang binigyang pansin!" lumuluha ako habang pinagsasabihan ang doktor. Leukemia ang sakit ni Kate pero ngayon lang nalaman, nakakasama ng loob!


"You misunderstood us, miss. We—" hindi ko napigilang magsalita muli.


"Alam kong unti lang ang mga pasyente dito kaya nga dito ko dinala ang kapatid ko, e. Akala ko, mapapangalagaan agad ang kapatid ko, ano na, doc?" bumuntong hininga siya at tinignan akong muli.


"Okay, miss, we'll do everything to save your sister. You can calm down now."


"Hanggang ilan ang aabutin ng bayad, doc?" nahihirapang tanong ko dito.


"It will reach hundred thousands, I hope you can afford that for your sister." umalis na siya pagkatapos. Naiwan akong napaluhod sa sahig at tinignan ang kapatid kong mahimbing ang tuhod.


Dinukot ko ang phone sa bulsa ko at tinawagan ang isa ko pang kapatid.


"Lily, nasa'n ka?"


Ako ang tumatayong magulang ng dalawa kong kapatid. Naka graduate na ako ng college nang mawala sila mama, kasunod ko sa Lily, nag aaral siya sa college ngayon gamit ang suporta ng tita namin pero naiwan sa akin si Kate dahil kaya ko naman na siyang alagaan, isa akong delivery girl sa munting fast food malapit sa amin pero hindi ko kayang makakuha ng malaking pera. Kailangan ko ng trabaho ngayon, 'yung mas malaki ang sahod.


"Nasa bahay na ate, bakit? Kamusta na pala si Kate?" naiyak muli ako pero hindi ko ipinahalata sa boses ko.


"U-Uh, m-may leukemia si Kate, Lily." napasinghap siya sa kabilang linya.


"Kailangan kong kumita ng mas malaking pera kaya hindi ko mababantayan si Kate. Pwede bang ilaan mo ang one week break mo sa pagbabantay sa kaniya? Babawi ako, talagang kailangan ko lang kumita ng pera. Wala ding maitutulong sina tita at wala akong balak humingi ng tulong sa kanila. Pwede ba, Lily?"



"Pwede naman ate, papunta na ako diyan. Buti na lang at ngayon na natapos ang klase. May ipon din naman ako, pwede namang idagdag ko iyon."


"'Wag na, Lily. Kaya ni ate, 'to. Hahanap ako ng paraan, ilaan mo na lang sa pag aaral mo iyan." magpoprotesta pa sana siya nang nagpumilit ako kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.



Ilang oras lang ang dumating na siya na may dalang mga pagkain at prutas, sakto pang nagising si Kate. Ayaw naming ipaalam na malala ang sakit niya kaya sinabi naming lagnat lang muna.



Nagpaalam din naman ako kaagad dahil sisimulan ko nang maghanap ng trabaho. Nagtapos ako sa accountancy kaya sa iba't ibang company ang tinignan kong pwede kong pasukan trough the job application app.



Pinili ko iyong pinaka matayog at pinakasikat na company. Tumawag ako sa ahensya nila para magpa book ng interview. Bukas ay maaga akong pupunta doon. Mabilis kong inayos ang mga papeles kong naayon sa requirements bago tumungo sa fast food na pinagtatrabahuhan para magtrabaho ulit.


Dwayne's Point of View




"Another applier, sir. Sino po ang mag iinterview dito? Kayo po ba o ang officials?" my secretary asked me while standing near my table.


WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now