Chapter 12.-Familiar.

1.9K 65 3
                                    

Haylee's Point of View

Pagkagising ko pa lang, bumungad na sa akin sina Lily, Edrian at Kate. Panandaliang wala akong maalala pero nang makita ang envelope sa kamay ni Lily ay natauhan ako. Alam na nila?

"A-Ate," namumugto ang kaniyang mga mata habang nanlulumong nakatitig sa akin.

"L-Lily.."

Lumapit sa akin ang dalawang bata. "Mommy, are you okay? Did you cried? Are you upset?" pangunang tanong ni Edrian.

"Ate, ano pong mayroon?" pinilit ko ang sariling hindi maluha.

"Okay lang ako. Maglaro na ulit kayo du'n, sorry at nakatulog ako."

"Kate, Edrian, labas muna kayo, ha? May sasabihin lang ako kay ate." si Lily na ang nag-alalay sa kanila palabas at agad na sinara ang pinto nang mawala na sila sa paningin ko. Bumalik siyang nanlulumo na ulit at blangkong tumingin sa akin. "Ate.. ano i-ito?" itinaas niya sa ere ang envelope at nag-umpisang umiyak sa harap ko.

"L-Lily," hindi ako makahanap ng isasagot ko. "Hindi mo maiintindihan.. at lalong hindi ko masasabi sa ngayon."

"Ate! Kailan pa 'to? Kailan ka nabuntis? Kailan ka nanganak? Sino ang ama? Nasaan ang bata? Bakit tinago mo ang bagay na 'to sa amin?" nalukot na niya ang envelope. Napayuko ako at itinago ang nagbabadyang luha.

"H-Hindi mo kailangang malaman, Lily. Tapos na ang bagay na 'yan, m-matagal na." pero ang sakit, nandito pa.

"Ate! Bakit hindi ko kailangang malaman?! Alam ba nila mama 'to? Sino ang nakakaalam na nagbuntis ka pala noon? Papaanong nabuntis ka?" alam ko ang iniisip niya.

"Walang nakakaalam! At ang kaisa-isang tao na may alam sa lahat.. matagal nang patay. Hindi alam nila mama at papa, hindi ko kilala ang ama at matagal na ding nakaburol ang anak ko! Isipin niyo na ang gusto niyong isipin tungkol sa bagay na iyan dahil ako mismo.. hindi.. h-hindi ko din alam." ito ang pinakaunang beses na nasigawan ko siya at alam kong nabigla siya roon.

"A-Ate, bakit?" dumaan ang pait at sakit sa boses niya. "Bakit hindi mo pinaalam?"

"D-Dahil.. dahil hindi na kailangan."

"Pamilya mo kami, ate. Bakit kailangan mong itago ito?"

"Bakit? May mababago ba kung sinabi ko sa inyo noon? Sirang-sira ako noon at ayokong dumating sa puntong wakasan ko ang buhay ko kaya hindi ko pinaalam! Sa tingin mo, matatanggap niyo pa ako noon? Isang first year college na nabuntis ng hindi kilalang lalaki?" nabiyak ang boses ko at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi.

"A-Ate,"

"Gusto ko munang mapag-isa, Lily. Gusto kong makita ang anak ko." tumayo ako at lalakarin na sana ang pinto nang may kung sino ang naunang magbukas niyon.

"K-Kuya Dwayne.." madilim ang awra niya, nakatitig sa akin ng masama at nakakuyom ang kamao.

"Leave as for a moment." bigla akong nakaramdam ng kaba. Ibang iba siya sa awra niya ngayon. Nakita ko si Angelo sa labas ng pinto at nakakagat sa daliri. Hindi mapakali.

Lumabas agad si Lily at bago pa man maisara ang pinto, sumulyap siya sa akin gamit ang malungkot niyang mga mata.

"You lied," nabawi niya ang paningin ko. "It's true, I don't really know you yet."

Tinapunan ko din siya ng tingin. "H-Hindi ako kailanman nag sinungaling." umitim lalo ang mga mata niya.

"Tss, liar. You're single since birth huh?" sa paraan ng pananalita niya, para siyang sarkastiko.

"Hindi iyon kasinungalingan." tumaas ang kanang kilay niya at mahinang natawa.

"So, what about your son's father?" nagsalubong ang mga kilay ko kasabay ng pamumuo ng mata ko. Parang ito din ang tono sa boses ni Lily. Tama nga ako, aakalain nila akong isang maduming babae.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now