Chapter 14.-Past and experiences.

2.1K 72 14
                                    

Haylee's Point of View


"I know that I don't know anything about your past so I'm sorry for judging you. You are a strong woman that can endure any pain, you can take care of your sisters despise of having part-time jobs, you can set aside your own desires for them and I am late to realize that all." sabi niya nang makakalas sa halik.

"P-Para saan iyon?" tukoy ko sa halik, parang nakakahiya naman dahil hindi ko alam kung paano humalik pabalik. Hindi ito ang first time na may umangkin ng labi ko pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Para akong masaya na ewan. Nababaliw na ata ako.

"To prove you that you're not hallucinating. I said that and I mean it." tumitig siya sa mga mata ko, ng sobrang lalim. "I don't know if you feel the same thing towards me but I am gladly willing to court you. And if ever you'll like me back, I'll surely take another wedding. A wedding that is real."  napigil ko ang aking hininga at nakipagtitigan din sa kaniya.

Ang kaninang bigat sa dibdib ko ay parang bulang naglaho, sa kulay tsokolate niyang mga mata, alam kong sinseridad ang naroon. Hindi ito ang unang nakaramdam ako ng saya pero ito ang pinakamasayang natuklasan ko. Nakaramdam ako na may handang tumanggap sa akin beside sa mga kapatid ko, binalewala niya ang katotohanang may nakauna na sa akin at handa pang suyuin ang puso ko.

"Hey, Haylee." nailing ko ng mabilis ang iniisip. "You okay?"

"Uh, oo. May inaalala lang." Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. "Saan tayo pupunta?" bakit ang pamilyar naman ata ng daan? "Dwayne," ngumiti lang siya at niliko ang kotse.

Nang-aya siyang lumabas para sa panliligaw niya kuno e halos araw-araw na kaming lumalabas, isang linggo na rin ang nakalipas matapos iyung nangyari. Naiwan si Edrian kay Angelo. Ni hindi nga nila alam na umamin na itong si Dwayne, hindi torpe sa akin pero torpe sa kanila, jusme.

"B-Bakit.. tayo nandito?" bakit kami nasa sementeryo? Dito nakalibing ang anak ko, posible kayang?

"We'll visit him. I want to meet him too." nasa gilid ko na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Parang gusto kong umiyak. Kinakabahan pa akong bumaba. Kay kinuha ito sa backseat at ngayon ko lang napansing may dala pala siyang mga bulaklak.

"D-Dwayne.." nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko habang nakangiti naman siya sa akin. "A-Anon—"

"Let's go, he has surely missed you." naguguluhan man ay nagpatianod ako sa kaniya. Gusto kong magsalita pero ayaw mabuka ng bibig ko. "Wait,"

Huminto kami sa tapat ng puntod ni Nathaniel saka siya lumuhod at ipatong ang mga bulaklak doon. Matapos ay tumayo na siya ulit at lumingon sa akin. Nangunot agad ang noo niya nang makita ang reaksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagtakip ng mukha. Hindi ko napigilan.

"Hey, what's wrong? Are you upset?" napahikbi na ako kaya ramdam ko ang pagkabalisa niya bigla. "Hey, I'm sorry for bringing you here. I just thought it can—" natigilan siya agad nang humarap ako at niyakap siya ng mahigpit.

"D-Dwayne?," umiyak ako sa dibdib niya, gulat pa rin siya dahil pati ang katawan niya ay naestatwa. "B-bakit gan'yan ka? Bwisit ka naman, e."

Akala ko, pinilit niyang kalimutan ang nakaraan ko dahil gusto niya ako pero mali ako, buong ako ang gusto niya. Feeling ko, nasorpresa ako kahit hindi ko birthday.

"Hey, stop crying. What did I do? I just thought I can help you by sharing the pain you have, enduring it together, but did this hurt you? We can go home if you're hurting right now." umiling ako at bumitaw sa yakap. Biglang nag-iba ang awra ng mukha niya nang magkahiwalay kami pero nag-iwas na lang siya ng tingin.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now