Chapter 13.-I like you.

2K 70 9
                                    

Haylee's Point of View


"Haylee? You okay?" napangiwi ako sa sakit at mariing napapikit. Maling galaw naman kasi, e. Masakit na nga puso ko pati ba naman braso ko?

Unti unti akong nagmulat at isang lalaki na nakapantalon at sando ang nadatnan ko sa aking harapan.

"J-Jarid?," mas lalo siyang tumangkad, bigla akong nakadama ng pagkailang dahil naalala kong isa siya sa mga manliligaw ko na hindi ko binigyan ng pagkakataon noon, kaka-reject ko lang sa kaniya nu'ng bagong taon.

"Uh, yea. Kakarating ko lang galing army at nakita kitang may hinahabol na babae, ayos ka lang? Sino 'yun? Tsaka kamusta ka na rin pala? Long time no see." tipid akong ngumiti. "Nasaan sina Kate at Lily? Tsaka teka, bakit namumugto 'yang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

"A-Ang dami namang tanong iyan. Isa-Isa lang. Hindi ko kilala 'yung babae pero mukha namang hindi magnanakaw, ayos lang ako. Wala dito sina Kate at Lily, sa katunayan nga ay.." nag-aalangan ako kung sasabihin ko ba. "Nakatira na sila ngayon sa mansyon." hindi siya makapaniwalang tinignan ako.

"You already earned for a mansion? Good for you!" naiilang akong ngumiti.

"Hindi," nangunot ang kaniyang noo. "Nakatira na sila ngayon sa mansyon.. ng asawa ko." hindi ko mawari kung ano ang reaksyon niya, para siyang malungkot na dismayado.

"M-May asawa ka na?" mahina ang boses niya.

"Oo, mahabang kwento. Sige na, nice to see you again. Usap na lang tayo next time, masyado nang gabi. Pahinga ka na, galing ka sa army 'di ba? Maayos lang ako, good night." peke akong ngumiti at tinulak siya ng marahan palabas.

"I can feel that you are lying. Bakit mamumugto ang mga mata mo kung okay ka lang? At bakit nandito ka kung may asawa ka na pala? Inaabuso ka ba no'n?" umiling lang ako hanggang maihatid ko na nga siya sa labas.

Sa akin na 'to tsaka kaya ko naman. Hindi din naman masamang tao ang pinakasalan ko. 'Wag kang mag alala."

"Andito ako, Haylee. Kung kailangan mo ng makakausap." ngumiti ako at umiling din para iparating na hindi na kailangan.

"Pangako, kapag hindi ko na kaya, sasabihan kita. Salamat Jarid."

"You're welcome. Although I can't have a chance to be with you anymore, I can be your friend when you are at your worst." tumango na ako.

"Okay," aaminin kong napagaan niya unti ang loob ko. Mabait siyang tao, alam ko iyon pero hindi ko nakikita ang sarili kong kasama siya kaya hindi na kailangang suyuin niya pa ang puso ko. "Good night."

Nagpaalam na siya at lumakad paalis papunta sa bahay niya, magkatapat lang ang mga bahay namin at may tamang distansya kaya napanood ko siyang umalis. Nang masiguro ay dahan-dahan kong isinara ang pinto.

Bumalik ang lahat sa akin. Nanghinang muli ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig, naisandal ko sa pinto ang aking likuran at pinigilang lumakas ang mga hikbi.

"Ano nga bang nangyari ngayong araw?" mapait akong ngumiti sa kawalan.

Nanatili ako sa ganu'ng posisyon hanggang sa maubos na ang luha ko. Wala akong makitang rason para tumayo pa rito.

Papapikit na ang mga mata ko at gusto nang bumagsak ng katawan ko dahil sa panghihina nang biglang may kumatok sa pinto. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko, siguro ay mukha na akong baliw kung titignan ng mga tao. Ang sakit na ng mga mata ko at masasabi kong parang kinagat iyon ng bubuyog dahil sa mugto.

"S-Sino 'yan?" barag pa ang boses ko, nakakahiya.

"Haylee," halos mapatalon ako sa gulat. "Buksan mo ang pinto. Mag-usap tayo, alam kong hindi ka okay dahil sa nangyari kanina, nasabi na ni Lily lahat sa akin."

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now