Haylee's Point of View
Putik! May regy ako! Malas na nga ako, mas minalas pa!
Nag-aalinlangan akong lumapit kay Greg na nasa lamesa at kumakain. May dalawang bantay sa pinto at nasa labas ang iba, hindi ko alam kung saang lugar kami, basta dinala na lang ako rito.
"Hoy, Greg." na pangit. Natigilan siya sa pagkagat ng karne.
"Oh?"
"Ohblong." nagsalubong ang kilay niya at hinampas ang lamesa. "I-Ito na nga, e. Hindi mabiro." sana talaga, matiis nila ako, nagbabago talaga mood ko kapag regy days ko, sila na mag-adjust.
"Anong gusto mo?" nagningning ang mata ko, seryoso? tinatanong niya talaga ako? Sabihin ko kayang gusto kong ahitin ang bigote niya?
"Gusto ko ng napkin at bagong damit." umismid siya at bumalik sa pagkain na para bang walang narinig.
"Asa ka—teka?! Putangina?!" nanlalaki ang mga mata niyang napatayo, nabuga niya pa ang karneng nasa bibig niya, muntik nang maisabog sa mukha ko. "T-Tangina,"
"Aba'y tangina mo din, alangan namang hayaan kong umalingawngaw dito ang langsa ng dugo ko? Buti pa nga kayo at iniisip ko pa ang hangin na maaamoy niyo. Bigyan mo na ako ng napkin at mga damit, dali. Tutal, may pa-kidnap kidnap ka pang nalalaman." inirapan ko siya at nagpameywang.
"Kimut!" nakatampal ang palad niya sa kaniyang noo at may kung sinong tinawag. Kimut? Sa pagkakaalam ko, bunso ang ibig sabihin niyon sa Ilocano. Pumasok ang isang binatilyong masasabi ko na kinse pababa pa lang. Kaya pala Kimut ang pangalan dahil siguro siya ang pinakabunso sa kanila. "K-Kuhanan mo nga itong hostage ng napkin du'n sa mama mo, damit na rin."
Ibinaba ng bata sa akin ang tingin at tumango kay Shrek, este Greg. "Pati na panty, nahiya ka pa." dinig ko pang bulong niya.
Wala akong gapos kaya madali ko siyang nalapitan at hampasin siya sa batok, muntik na ngang masubsob, e.
"King ina?! Anong problema mo?!" galit nitong wika sa akin. Tinaasan ko siya ng noo at nagpatingkayad.
"Bastos mo kasi. Wala ako sa mood ngayon, Kimut, ah. Baka makatikim ka sa akin ng sampal o hampas, 360 degrees." lalapitan pa sana niya ako para gumanti pero nagpagitna si Greg.
"Kimut, lumakad ka na."
Nang makaalis ang binatilyo ay bumubuntong hiningang iniligpit ni Greg ang plato niya sa mesa, mukhang nawalan ng gana, deserve. Nanatili lang akong nakatayo roon.
"Haylee, tagos mo." napalingon ako kay tita Annabelle na nakatali kasama ang asawa niya. Sinilip ko ang likod ko at tama nga, may tagos na ako. "Tss, kababaeng tao hindi marunong magpakababae."
Hindi ko napigilan at nataasan siya ng kilay. "Ikaw nga po, e. Kababaeng tao pero hindi halatado. Mas mukha kang bakla, tita." saka ko siya binigyan ng isang matamis na ngiti.
Nagtiim ang bagang niya pero hindi siya nakasugod sa akin. Poor tita and tito, nakatali habang ako, free na free. Ganda ko kasi. Natakot si Shrek, e. Binantaan ko kaya hayun, hindi ako ginapos. Malaya tuloy akong nakakapaglakad sa loob ng kwartong 'to, syempre sa kwarto lang, obvious namang bawal sa labas.
"Aba'y napakabastos mo, ah." giit niya pa.
"Aba'y napakamaiinitin naman ng ulo mo tita, ba't hindi ka muna magpasuyo diyan? Ako na mismo nagsasabi, 'wag niyo po akong bwisitin, ha? May regy ako, wala ako sa mood na magpakumbaba, kayo na mag-adjust."
Umiwas na sa akin si tita pagkatapos niyon, ilang sandali pa ay dumating ang isang dalagita at pumasok na may dalang pares ng palda at may isang pack ng napkin.