Haylee's Point of View
"J-Jamaica.."
Unti-unti ay lumingon siya sa akin. Naliwanagan ako sa mukha niya at kagaya ng dating panahon, para lang akong nakatingin sa salamin.
"Haylee," naiyak siya kaagad. Akma siyang lalapit nang umatras ako. "H-Haylee—"
"Diyan ka lang." kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko ay siyang pagkuyom ng mga kamay ko. "B-Buhay ka nga, buhay ka nga pero nasaan si Nathaniel?"
"H-Haylee, alam kong marami kang gustong itanong. Haya—"
"Ilang taon kang nagtago, ilang taon akong nagluksa, ilang taon akong napaniwala sa kasinungalingan! Oo, marami akong tanong at sana, may sapat kang sagot sa bawat tanong ko! Tangina lang, e! Tatlong taon kang hindi nagparamdam at pinalabas mong patay ka, pinalabas mong patay ang anak ko!" sumubok ulit siyang lumapit pero malaking hakbang ang ginawa ko paatras.
"S-Sorry Haylee, p-pero,"
"Gusto ko lang namang malaman kung nasaan ang anak ko, Jam! Nasaan si Nathaniel?!"
Wala akong alam na nararamdaman ko kun'di galit at sakit lang. Parang nawala ako sa pagkabiglang buhay siya. Tanging gusto ko lang ay malaman ang kung anong tungkol sa akin at sa anak ko.
"Pakinggan mo muna ako, Haylee."
15 years ago..
"Haylee! Ano ba 'yang ginagawa mo?! Bakit mo inaaway ang kapatid mo?!" hinila ako ni papa para mailayo kay Jam dahil aksidente ko itong natapunan ng buhangin sa mata.
"H-Hindi ko po sinasadya papa.'Wag niyo po akong paluin." nanginginig na ako sa kaba, maya-maya ay alam kong makakatikim na naman ako ng palo.
"Jam, hati tayo sa ice cream mo, please? Hindi ako binilhan nila mama, e." takam na takam na ako sa ice cream na kinakain niya pero bigla niya itong inilayo sa akin.
"Ayoko."
"Akin 'to, Jam! Bitaw! Akin'to!" patuloy niya pa ring hinihila muna sa akin ang manikang pinili ko kanina sa mall.
"Hiramin ko lang naman Haylee, e!'Wag kang madamot!" patuloy kami sa paghilaan hanggang sa masira ang manika ko. Dumating agad sila mama sa kwarto.
"Ano na naman ba iyang pinag-aawayan niyo?!"
"M-Ma, 'yung manika ko, sinira ni Jam!"
"Ma, ayaw niya akong pahiramin!"
Si papa ang nagtungo sa akin. Kinabahan agad ako.
"Ano ba Jamaica! Madami ka ng manika doon!"
"Ikaw naman Haylee,'wag madamot!" galit na ani ni papa sa akin.
Siya lagi ang mas pinapaboran, samantalang ako lagi ang mali. Siya ang mas mahal at anino lang ako. Sa bawat natatanggap niyang parangal, sinasabihan siya ng magagandang papuri pero kapag ako, sinasabing hindi ko tunay na ginawa ang nagawa ko kun'di gawa iyon ng kambal ko.
Lumipas ang ilang taon at hanggang sa high school, hindi ako nakilala bilang ako, copycat, anino at hindi makabuluhan kung ituring ako ng ibang tao kasama na ang mga magulang ko.
Nagrenta sila mama ng bahay sa Batangas para sa aming dalawa para sa kolehiyo.
Hindi ko sila nakakausap lagi dahil wala akong sariling cellphone, si Jam lang ang mayroon at ayaw niya akong pahiramin.