Chapter 10

27 2 0
                                    

Sa Pagpapatuloy..........

Sa pangunguna ni general Paul unti unting na-korner ang grupo ng sindikato.

Halos nahuli na ang kalahati sa kanila.

Sa panig nila Arielle nagpapa kiramdaman ang mag kabilang grupo.

"Sabihin mo sa tauhan mo pakawalan ang kapatid ko! Kung hindi lalaslasin ko talaga lalamunan mo!!!"

"Sa Lagay ei ganun ganun na lang!
Pakawalan mo ako at makukuha mo ang kapatid mo!"

"Wala ka sa lugar para utusan ako!"

"Eh, di patayin mo ako! Malaya kang gawin yun! Masaya ako kung ikaw ang makapapatay sa akin!"

"Arielle, do you hear me!?
You need to calm down first.
Naka ready na Ang sniper natin.
Malinis na rin sa loob.
Bigyan mo pa kame ng kaunting oras.
Subukan mo lumapit kina Red at Mark ibigay mo si Liwanag sa kanila.
Do you hear me!? Kung naririnig mo ako hawakan mo ulo mo."- general Paul

Sinunod naman ito ni Arielle.

"Pakawalan nyo ang kapatid ko kung ayaw nyong laslasin ko leeg ng amo nyo!!!"

Nagkatinginan ang mga tauhan ni Liwanag. Unti unti siyang lumalapit sa mga pulis.

Maya maya pa nagsipag datingan na ang mga pulis sa likuran ng mga kriminal.
Kaya wala na silang nagawa. Pinakawalan din nila si Rhianne at sinalubong ito ni Red.

Nilapitan ni Mark si Arielle upang kuhanin na si Liwanag pinusasan nila ito at dinala na sa isang police mobile.

"R.A.....!!!, Hindi dito natatapos ang lahat!
Tandaan mo babalikan kita...!!!
Magiging akin ka rin...!!!!
Ha ha ha ha ha....."

Pasigaw na sabi nito kay Arielle habang papalayo sa kanila.

Dali daling nilapitan ni Zues si Arielle at niyakap ito ng mahigpit. Abot abot ang pasasalamat nito dahil walang nangyaring masama sa asawa.

Pero bigla na lang may nag paputok ng baril, isa sa mga tauhan ni Liwanag bago pa man ito tuluyang mahuli ng pulis.

Ganun na lang ang pagkagulat ni Zues ng unti unting nababasa ang kanyang braso at kamay sa likod ng asawa.
Nang tingnan niya iyon mapulang likido sanhi ng dugo ni Arielle.

Sobrang takot ang gumapang sa kanyang buong sistema.

Nakita niyang magpapa putok muli ang lalaki, ng makapa niya ang baril sa likuran ng asawa.

Dali dali niyang ikinasa iyon, at bago pa man makalabit ng lalaki ang kanyang baril ay naunahan na niya ito.
Tinamaan ang lalaki sa braso kaya nabitawan nito ang hawak niya.

Nang tingnan niya ang mukha ng asawa ay wala na itong malay.

Binuhat niya ito at itinakbo sa position nila Aaron.

"Arielle...!!!! Arielle...!!!!
Wake up!!!!
Wake up!!!!!
Wake up please....!!!
Don't scare me please......"
........
Aaron, Kier!!! Help me.......
Please..... Save my wife!!!!."

You Change my Life(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon