Hello po, so paano hanggang dito na lang.....
Tara, samahan nyo ako hanggang sa huli........
Sumakay si Zues sa sasakyan pero biglang pumasok ang humahangos na si Felix.
"Hey! You don't need to go with me.
It's your sister's wedding.
I need to rush!""Alam ko kung ano ang nangyayari nagmamadali ka, tara na wag kana tumunganga!!! Buhay ni Arielle ang nakasalalay dito tana!!!"
Mabilis ang naging kilos ni Zues.
Nakita niya ang sasakyan ni Liwanag na di pa nakakalayo.
Nakipag habulan siya dito.
Mula sa likurang bahagi ng sasakyan ni Liwanag ay nakita niya ang asawa niya na hindi maganda ang pag kakaupo.
Nag alala siya lalo't kabuwanan na nito.
Pa gewang gewang ang sasakyan nito at halos bumangga na sa unahang kotse.
Kabadong kabado siya halos paliparin niya ang sasakyan niya para lang maabutan ang sasakyang hinahabol.Samantala, si Arielle ay halos hindi na makagalaw dahil sa matinding pananakit ng tiyan.
Ganun pa man nagawa niyang kausapin si Liwanag na wala na ata pakialam sa paligid niya."Ano ba ang problema mo sa akin ha!?
A-ahh..... A-aahhh..... please tigilan mo na ako. Pababain mo ako!!!
Pa-a-rang a-awa mo na!"Hirap na hirap si Arielle sa kanyang posisyon halos hindi niya makayanan ang sakit at pakiramdaman niya, gustong gusto na lumabas ng bata sa kanyang sinapupunan.
"P*tang ina R.A.!
Malaki na ang puhunan ko sayo!!!
Alam mo ba kaya ako nagsikap na umangat sa lupa dahil sayo!!!
Lahat ng paraan pinasok ko para lang kumita ng malaking pera para maging akin ka lang!!!
Pinasok ko ang mundo ng pasugalan, Pinainan ko ang tiyahin mong mukhang pera at kumagat naman siya binaon ko siya sa utang para makuha ka!
Pero p*tang ina lang talaga!!! may umagaw sayo! Halos nandun na tayo sa dulo abot kamay na kita pero naagaw kapa ng iba!""H-hindi kita kilala!!! Wa-wala akong atraso sayo para ga-ganituhin mo!!!"
Hinahawak hawakan ni Arielle ang tiyan niya pati bandang pwetan niya dahil ramdam niya na malapit na malapit ng lumabas ang bata. Nanlalamig ang kanyang mga paa at kamay. Puno ng pawis ang kanyang noo at nangingilabot siya sa mga oras na yun, pero kaylangan niyang maging matapang. Kaylangan niyang lakasan ang kanyang loob.
Binulungan niya ang kanyang anak at hiniling na sana marinig siya nito.
"Baby, please wag ka muna lumabas anak. Wag muna ngayon, maghintay ka muna na umayos ang sitwasyon. Please baby wag mo pahirapan ang nanay mo.
Makinig ka sa akin."Muling nagsalita si Liwanag na gigil na gigil sa pagkahawak ng preno.
"Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo R.A. lahat ng ginawa ko dahil sayo!!! Pinili ko ang ganitong trabaho para makuha kita pero masyado kang madulas! Natutuwa ako babaeng babae kana pero kinuha ka sa akin ng iba!!! Lahat ng pinag hirapan ko nawala ng isang iglap lang dahil din sayo!!!
Wala nang natira sa akin!
Kaya kung hindi kita makukuha sa santong dasalan kukunin kita sa santong paspasan!!
Di man kita makasama sa mundong ito sa kabilang buhay mag kakasama tayo!!!
Hahahahahaha....."
BINABASA MO ANG
You Change my Life(Complete)
RomanceLalaking iniwan ng babaeng minamahal. Kasabay ng pag-alis into nawala ang gana niyang mabuhay, at kahit Sarili niya Hindi na niya pang magawang paligayahin. Kahit anung gawin ng mga babaeng nakakasama niya sa kama, padapa, pahiga, patagilid, paupo o...