CHAPTER 23

17 2 2
                                    

Hello po sa lahat, magandang araw.....
The ending is near, ilang hinga na lang....
Maraming maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nagbigay ng magagandang feedback. Dahil po sa inyo kaya umabot tayo hanggang dito, lubos po ang aking pasasalamat sa inyong lahat.

Let's Proceed,

***Mariette Pov;***

"Mariette, wag kang mabibigla!
Nawalan ng preno ang sasakyan ni Aaron.
Itinakbo na siya sa ospital at di ko pa masabi sayo ang resulta ng kalagayan niya. Magkita na lang tayo sa ospital.
Lakasan mo ang loob mo."

Bilang tumigil ang ikot ng mundo ko.
Napatulala na lang ako sa kawalan. Ni hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang cellphone ko at lumagapak na lang ito sa sahig.

Para akong nabingi. Nakikita ko ang walang humpay na pag tawa ng aking kaibigan ngunit di ko madinig ang kanyang boses.

Halos di ko magawang humakbang sa kinatatayuan ko. Paulit ulit na nag flashback ang pagkabangga sa poste ng kasakyan ni Aaron na malinaw na nakuhanan ng CCTV.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kung gawin. Hindi ko malaman kung iiyak ba ako o malulupasay sa sobrang takot at kaba.

Gusto kong umiyak ng sobrang lakas at yakapin ang besfren ko para kahit papaano ay bumuti ang aking pakiramdaman pero hindi maaari.
Baka makasama sa kanya.

Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas na mayroon ako. Matapos yun  umalis ako ng walang pasabi. Nakasalubong ko pa si Zues, ngunit di ko na siya nagawa pang kausapin palabas na ako sa gate ng makasalubong ko si Rhianne. Magandang ngiti ang salubong niya sa akin at doon, di ko na nagawa pang pigilan ang pag sabog ng aking emosyon.

Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap ko siya ng buong higpit. At dun din lumabas Ang aking masaganang luha.

Hindi siya nag tanong bagkus hinayaan lang niya ako na ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Nang maging maayos na ako sinabi ko sa kanya ang mga pangyayari at nag pasama ako patungo sa ospital na kinaroroonan ni Aaron.

Pagdating namin doon malungkot ang mukha ng mga Nars na nakikita ko.
Di ko na lang binigyan ng pansin. Kahit kabadong kabado ako nilakasan ko ang aking loob, at iniisip na nakaligtas siya.

Pero di pa man nakakalayo ang aking mga hakbang ay nadinig ko ang usapan ng dalawang Nars na kasalubong namin.

"Kawawa naman si dok Aaron.
Angbata pa niya para mawala.
Kahapon lang kabiruan pa namin siya pero sinong mag aakala na wala na siya.
-(Nars 1)

"Ate Bebeng, Tama na naiiyak na din ako ie, magiging malungkot na tayo dito kasi siya yung masayahing laging nag chi-cheer sa atin pag malungkot tayo.
-(Nars 2)

Halos ayaw ko na humakbang,  natatakot ako sa aking makikita baka di ko kayanin.

Halos ilang minuto na akong nakatayo Nang lapitan ako ni Kier, inalalayan niya ako. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Kier, doktor ka din diba? Sabihin mo naman sa akin na okay lang si Aaron. Tumawag pa siya sakin kanikanina ieh. Ano ba ang nangyari?"

"Sorry Mariette, we did our best but,"

Napabuntong hininga siya at nag umpisa nang mag kwento.

"We plan for his marriage proposal for you. His very excited. Nang masabi na niya ang plano nag kanya kanya na kame ng alis sino ba ang mag aakala na bigla na lang ganun ang mangyayari. Ang saya saya pa niya kanina ieh. He said he love u so much. At pakakasalan kana niya kaagad. Pero mukhang di na ata matutuloy."

You Change my Life(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon