Chapter 15

24 2 0
                                    

Sa pag papatuloy .......

"Arielle Pov;

Tahimik kung pinag mamasdan ang payapang mukha ng asawa ko.

Nailipat na siya sa room na kinuha ni Aaron. Pinauwe ko na din si Marita baka kasi nag aalala na si nay Anna.

Hawak ko ang kamay niya. Puro pasa ang kanyang  braso at bugbog ang kanyang  likod. Hanggang Ngayon ay may  aparato pa ring nakakabit sa kanyang katawan.

Ayon sa MRI  hindi naman na damage ang kanyang utak. Pero may ilang injury ang kanyang spinal cord. Di man ganun kalala ang pinsala pero kakailanganin niya ng halos dalawang buwang pahinga.

Ipina CT scan na din siya at malaking bahagi ng likod niya ang bugbog kaya hindi pa rin siya nag kakamalay.

Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang ganito sa kanya.

Nakita ko lang ang halaga niya ng may mangyari na sa kanya. Ngayon ko lang naisip kung di ko siya nakita at nakilala baka sirang sira na ang buhay ko, buhay naming mag kapatid.

Simula ng dumating siya. Siya na ang naging sandalan ko sa  tuwing humaharap ako sa matinding pagsubok.

Masyado pala akong naging mayabang.
Ni hindi ko pinag tuunan ng pansin ang mga mabubuting bagay na ginagawa niya para sa akin.

"Zues, gumising ka lang, lahat ay gagawin ko. Kalilimutan ko nang maging lalaki ulit at pilitin kung mag bago para sa'yo. Bigyan mo ako ng pag kakataon para makabawe sa lahat."

Naidlip ako sa kinauupuan ko ng maalimpungatan ako dahil sa
panginginig ni Zues.
Nagsisigaw ako habang tumatakbo pag hahanap ng doktor.
Nang matingnan na siya ng doktor.
Masyado daw tumaas ang kanyang lagnat.

Halos  hindi na ako natutulog mabantayan ko lang siya ng mabuti.
Ayaw kung maidlit kahit sandali dahil natatakot ako, baka may masama na namang mangyari.

Kinaumagahan dumating si nay Anna na may dalang pag kain. Di ko na rin pinapunta sa ospital si Rhianne dahil may exam siya.

"Ay naku R.A!!! Tingnan mo nga iyang mga mata mo aba ay pag kalalaki ng eyebag! Ikaw gang bata ka ay natutulog pa? Hala sige! Kumain kana muna at matulog. Ako na muna ang bahalang mag bantay diyan sa asawa mo."

"Pero nay, natatakot po akong matulog. Baka Hindi agad ako magising, baka kung anung mangyari sa kanya."

"Ala!!! Ay ano pa't nandito ako! Wag ka mag alala babantayan ko ng mabuti iyan. Mamayang hapon ay pupunta din dito si Marita para may kasama ka. Hala't sige na tumayo kana diyan at naihain ko na Ang pagkain."

"Salamat po nay."

Sinunod ko ang sinabi niya pakiramdaman ko kase parang gustong gusto na pumikit ng mga mata ko.

Nagising ako sa ingay nina Marita at Aaron. Wala na rin si nay Anna sa loob ng silid siguro umuwi na. Nang tingnan ko ang oras mag aalas tres na ng hapon.
Medyo mahaba haba rin ang aking naitulog ready na ulit ako para sa buong mag damag.

You Change my Life(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon