Chapter 3 : Meeting with my Mama

6.7K 227 3
                                    

Walang pasok ngayon kaya nakaupo lang ako sa sala pero biglang may nag doorbell.

"Sino yan?" ang tanong ko habang papalapit sa gate.

Pagbukas ko ng gate laking gulat ko ng makita ko John.

"Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko sa kaniya n pabulong.

"Ako? Magpapakilala kasi ako kay Mama nag-aalala kasi ako na baka 'di mo pa ko naikukuwento sa kaniya." ang sabi niya habang nakangiti.

"Anong Mama? Gusto mo na ba mamatay?" Ang sabi ko sa kaniya.

"Kung mamatay ako ng para saiyo, ikagagalak ko." sabi niya ng pabiro.

Biglang nagsalita na pasigaw si mama "Mandy sino ang nandiyan?"

Pautal-utal kong simabi "Ma wala po nagtatanong lang ng direction."

Pero bigla siyang lumabas at nakita si John at tinanong ito ng "Iho naliligaw ka ba?"

Nakangiting sagot ni John "Hindi po ako naliligaw, nandito po talaga ako para batiin kayo Mama."
"Mama? Ako? Wala yata kong naaalala na nag paampon ako ng anak." Ang sabi ni Mama.

Nakangiti niya ulit sinagot si Mama ng " Hindi niyo po ako nawawalang anak."

"Eh paano mo ko naging Mama?"

Hinawakan ni John ang kamay ko at sinabing "Girlfriend ko po si Mandy."

"Ah! Ah! Ahhhhhhhhh!" ayan na lang ang nasabi ni Mama sa sobrang gulat pero pagkatapos nun pinapasok niya si John at pinaupo sabay tanong "Mahal mo ba talaga ang anak ko?"

Sa sobrang hiya ko sa tinanong ni Mama kay John ang nasabi ko na lang ay "Ma."

pero mainahon na nagsalita si John at sinabing "Opo, mahal ko po si Mandy."

Nagulat ako sa sinabi niya at syempre kinilig din ako 'di ko nga lang pinapahalata."

Seryoso silang nag-uusap habang naghahanda ako ng makakain ni John.

pagdating ko sa lugar kung saan sila nag-uusap nagtatawanan silang dalawa.

Ang saya sa pakiramdam nang makita mong nagkakasundo yung mga taong mahal mo.

Kailangan na umalis ni John at biglang sabi ni Mama "Tandaan mo kapag sinaktan mo si Mandy 'di kita mapapatawad."

At nakangiti namang sabi ni John "Hinding hindi ko po sasaktan si Mandy dahil mahahal na mahal ko po siya, paalam na po Ma."

"Bye, mag-ingat ka sa pag-uwi" nakangiting sabi ni Mama sabay pasok sa loob.

"Anong pinag-usapan niyo ni Mama?" ang tanong ko.

Tumawa siya

"Ano nga?" tanong ko ulit

Naging seryoso ang mukha niya at sinabing "Kung gaano kita kamahal." at bigla niya kong hinalikan sa noo.

Napangiti ako at biglang sinabing "I love you."

I'm back but not for you anymore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon