Chapter 4 - Heart Broken

6.9K 261 6
                                    

One day na lang before our first monthsary at nag-iisip na ko kung ano ang ibibigay ko sa kaniya kasi feeling ko nasa kaniya na lahat pero napag isip isip ko na kung gumawa na lang kaya ako ng romantic date for him.

I susuprise ko dapat siya kaya hinanap ko siya sa campus.

Nakita ko na siya pero meron siyang kasamang babae kaya nagtago muna ko at pinakinggan sila.

Nagulat ako dahil biglang niyang hinalikan si John.

Gusto ko na pumasok sa eksena pero 'di gumagalaw yung mga paa ko.

"Mag break na kayo," ang sabi nung babae

"Pero," mahinang sagot ni John.

Nagsalita kaagad yung babae at sinabing "Anong pero John? Ako naman talaga ang dahilang kaya nilagawan mo yung nerd na yun diba?"

Hindi parin nagsasalita si John kaya nagpatuloy yung babae.

"Nilagawan mo siya para sakin diba? Para mapatunayan mo na kaya mo gawin lahat para sakin John."

Mataas ang boses ni John at sinabing "Oo ginawa ko yun para saiyo, para mapatunayan ko na mahal kita, na kaya kong ligawan ang pinaka walang kwentang babae dito sa school pero ngayon."

Hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil lumabas na ko kung saan ako nagtatago.

Tulot tuloy na pumatak ang mga luha ko dahil sa mga nalaman ko na

"Nilagawan niya ko para sa iba."

"Ako pala ang pinaka walang kwentang babae para sa kaniya."

"Ginamit niya lang ako."

"May mahal siyang iba."

Sobrang sakit dahil minahal ko na siya sa isang buwan na magkasama kami.

Sa isang buwan na naniwala ko na mahal niya talaga ako.

Bigla siyang lumapit sa akin at sinabi sa mahinang boses na "Mandy"

"Mandy? Nagagawa mo pa kong tawagin sa pangalan ko. Hindi ka ba nahihiya?" ang sabi ko habang umiiyak.

"Let me explain." ng sabi niya

Dahil first time ko maramdaman itong sakit na nararamdaman ko ngayon 'di ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo na lang ako.

Hinabol niya ko pero 'di niya na ako naabutan dahil sumakay kaagad ako sa taxi.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdanan ko sa sobrang sakit.

Pumunta muna ako sa park dahil 'di ako pwedeng makita ni mama ng ganito.

May lumapit sa aking lalaki at inabot sa aking yung panyo na at sinabing "diba sabi ko saiyo masasaktan ka lang."

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Ang sabi ko.

Nakangiti niyang sinabi na, "Sinundan kita syempre."

Kinuwa ko ang panyo na at pinagpatuloy lang ang pag iyak ko.

Bigla siyang umupo sa tabi ko at sinabing kungbkailangan mo ng paglalabasan ng sama ng loob nandito lang ako.

Nagulat ako pero bigla ko nalang siyang pinagsusuntok sa dibdib st sinabing

"May nagawa ba ako?"

"Ganon ba ko kapangit?"

"Bakit niya ko niloko?"

"Bakit ako pa?"

"Bakit niya sinabing mahal niya ko?"

"Bakit niya ko ginamit?"

"Bakit nagpakilala pa siya kay mama?"

"Bakit? Bakit? Bakit?"

"Bakit ang sakit?"

"Bakit parang gusto ko nang mamatay?"

"Bakit sobra?"

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

Nagpasalamat ako sakaniya dahil kung 'di dahil sa kaniya 'di ko alam ang gagawin ko baka ngayon patay na ko.

"Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." ang sabi niya sa akin at dahil sa sinabi niya napalakas nito ang loob ko ng kaunti.

Umiyak ako magdamag sa amin pero hindi ko ito pinaparing kay mama dahil alam kong masasaktan lang siya kapag nalaman niya ang nangyari.

Hindi rin ako pumapasok ng school ilang araw na at nakatulala lang dito sa bahay.

I'm back but not for you anymore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon