Nakalipas na ang isang linggo pero hindi parin alo makapaniwala.
Makapaniwalng meroon na akong boyfriend at si John pa.
Sa tuwing papasok ako pakiramdam ko nakatingin sa akin ang lahat ng tao at pinagbubulungan parin ang tungkol sa amin ni John.
Isang araw may lumapit sa aking lalaki super GWAPO niya.
May binulong siya sa akin na hindi ko maintindihan at umalis kaagad.
Ano kaya ang ibig sabihin ng "Masasaktan ka lang."
Masasaktan lang ako? He's weird.
Biglang lumapit sa akin si John at sinabing "Anong sinabi niya sa iyo?"
"Wala lang yun." Ang sabi ko
Nagtanong ulit siya ng "Sigurado?"
"Oo nga. Pumasok na nga tayo magsisimula na yung klase natin." I said
Umakbay siya sa akin at naglakad
Kinikilig ako pero ayoko ipakita nahihiya kasi ako eh.
Nakarating na kami sa aming classroom at lahat ng tao ay nakatingin sa amin at biglang sabi ni John "Good Morning Classmate."
Sumagot naman ang lahat "Good Morning Boyfriend of the Nerd."
Tumawa lang siya ng malakas at umupo na sa kaniyang upuan.
Pagkatapos ng class namin inaya ako ni John na mamasyal but i refuse magrereview pa kasi ako eh.
Ang sagot niya sa akin nung sinabing kong mag rereview ako ay "Samahan na lang kita."
Nagulat ako at sinabing "Ikaw? Sasamahan ako mag review."
Nahihiya niyang sinabi na "Oo."
Tumawa ako ng malakas at sinabing "Si John the heart breaker mag rereview. Himala!"
Tinitigan niya ako at sinabing "hindi na ako heart breaker kasi nakilala ko na ang forever ko."
Kinikilig kong sinabi na "forever mo? Kilala ko ba yun?"
Nakangiti niyang sinabi na "Hindi mo kilala yun. Saka kung kilala mo yun baka masaktan ka pa."
May tono kong sinabi na "Ayaw mo sabihin bala ka sa buhay mo! Magsama kayo!"
Tinitigan niya ulit ako at sinabing "Nagseselos ka ba?
Tumalikod ako sa kanya at sinabing "Ako nagseselos? Baliw ka ba?"
Hinarap niya ako sa kaniya at sinabing "Nagseselos ka nga."
Dahil sa sobrang hiya sinabi ko na lang na "Tskkkk. Hindi nga! Kung sasama ka sa akin, tara na."
Inakbayan niya ulit ako papuntang Library.
Habang nag rereview ako wala siyang ginawa kundi titigan ako kaya sinabi kong "Sumama ka ba sa akin para mag review o para titigan ako?"
Ngumiti siya sa akin at sinabing "Para titigan ka."
Kinikilig ako kaya wala na kong ibang nasabi kung hindi "Tskkkk. Umayos ka nga."
Kahit sinabi ko iyon wala pa rin siyang ibang ginawa kun'di titigan ako haggang matapos ako mag review.
Ihinatid niya ako pero habang nasa sasakyan kami bigla ko na lang nasabi na "Mahal mo ba ko?"
Siguro sa sobrang gulat niya ang nasagot niya na lang ay "Ah?"
Ang totoo nagulat din ako ng tinong ko iyon kaya ang sabi ko na lang ay "Wala, Wala lang yun. Erase mo na sa utak mo iyon.
Ngumiti siya at sinabing "Paano ko makakalimutan yun pumasok na nga sa utak ko pumasok pa sa puso ko."
Tumingin ako sa kaniya at sinabing "Siguro kaya marami kang nabobola ang dami mong baon ng punch line eh."
"Ako maraming punch line? 'Di kaya." He said
"Anong hindi? 'Di ka nauubusan." I said
nung nasa gate na kami bigla niyang sinabing "I Love You"
At dahil first time ko magkaroon ng boyfriend wala akong ibang nasabi sa kaniya kung hindi "Ingat"
Pumasok ako sa bahay pero pagkasilip ko sa bintana nandoon parin siya at parang may malalim na iniisip.
Kaya ang naisip ko ay siguro nagalit siya dahil di ko nasabi ang salitang I Love You.
BINABASA MO ANG
I'm back but not for you anymore (completed)
Teen FictionNerd? Kailangan bang lokohin o pagtripan ang isang nerd? Paano kung magbalik siya at maging isang maganda babae? at paano kung hindi ka na niya mahal? .