Chapter 5 : New Best Friend

6.7K 257 2
                                    

A week after kung malaman yung totoo pumasok na rin ako ng school naisip ko kasi na 'di ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko at 'di rin ako pwedeng magkaroon ng bagsak.

Pagpasok ko nakatingin sa akin ang lahat.

Nagtatawanan sa tuwing dumadaan ako pero 'di na rin ako nagtaka kasi ginawa akong tanga nang tao na yun.

Pagpasok ko sa room may nakakainis na nakasulat sa board.

"Ang tanga mo kasi."

"Ang taas kasi ng pangarap mo."

"Hindi talaga kayo bagay ni John wag ka umasa."

"Ang pangit mo kasi."

"Mabuti nga saiyo."

"Tama lang saiyo yan."

"Nerd!"

Pagkabasa ko nito lumavas agad ako 'di ko kasi alam yung gagawain ko.

Sobrang sakit pero bakit, bakit ako?

Ako ba yung may kasalanan?

Kasalanan ba na magmahal ako?

Kasalanan ba na magtiwala ako?

Pumunta ako ng rooftap para ilabas lahat ng sama ng loob ko pero biglang lumapit sakin yung lalaking nagsabi sa akin na masasaktan lang ako.

"Huwag mo ipapakita ang luha mo sakanila." ang sabi niya with a serious voice.

"Alam ko, alam ko." Ang sabi ko sakaniya.

"Alam mo pero bakit ka umiiyak ngayon?" Ang sahi niya

"Ako umiiyak?" Ang sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

Bigla siyang tumawa at sinabing "Okay lang na umiyak ka dito wala namang tao dito eh."

"Ano ka? Hindi ka ba tao?" Ang sabi ko habang umiiyak

Naging seryoso ulit siya at sinabing "Okay lang sakin. Kaibigan mo naman ako eh."

"Kaibigan? Ikaw?" Ang sabi ko

Ngumiti ulit siya at sinabing "Oo syempre kaibigan mo ko pero kung ayaw ko bestfriend na lang.

"Paano naman kita magiging bestfriend eh hindi ko nga alam yung pangalan mo," ang sabi ko sakaniya.

Bigla niyang inabot ang kamay niya at sinabing "Ako si Mike, bestfriend mo."

Napatawa ako sakaniya pero nagulat ako ng inabot ko rin ang kamay ko sa kamay niya at sinabing "Ako si Mandy, bestfriend mo."

Bumaba na kami dahil anong oras na pero nung nasa baba na kami nakita ko si John.

Ang sakit, sobrang sakit hindi ko alam yung magiging reaksyon ko nung nakita ko siya.

"Mandy," John said with a low voice.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad.

"Pakiusap hayaan mo ko magpaliwang." He said

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad at sumakay agad ako sa sasakyan ni Mike.

Pagpasok ni Mike ang sinabi ko kaagad ay "Sorry kung makikisabay ako saiyo ngayon ah."

Ngumiti siya at sinabing "Ok lang bestfriend mo naman ako eh."

Napangiti na lang din ako.

Last day na ng semester pero hindi parin humuhupa yung tungkol sa amin ni John at nasasaktan na ko ng sobra dahil feeling  ko ako yung may kasalanan dahil ayun yung pinamumuka nila sa akin.

Hindi ko parin pinapansin si John kahit lagi kaming nagkikita sa room.

Sinabi ko kay Mike na magkita rooftop dahil manghihingi ako sakaniya ng tulong.

Nung dumating si Mike ang bungad niya agad sa akin ay "Oh, problema?"

"Pwede mo ba akong tulungan?" Ang sabi ko.

"Syempre naman, ano ba yon?" Ang sabi niya.

"Gusto ko magbago, ayoko na maging Nerd."

I'm back but not for you anymore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon