Chapter 6 : No longer me

7.2K 255 2
                                    

Background Music : I Look So Good Without You - Jessie James

__________

Nagsimula na ang bakasyon at kagaya ng napag-usapan tutulungan ako ni Mike para magbago o para hindi na maging NERD.

Natutulog pa ako ng biglang nag ring ang phone ko ♪Hoy, ikaw ikaw ikaw may tumatawag saiyo.♪

Nakailang tunog ang phone ko bago ko ito sagutin.

"Hello."

"Good Morning." Ang sabi ng nasa kabilang phone.

Tinignan ko ulit ang phone ko para malaman kung sino yung kausap ko ngayon.

"Oh, Mike bakit?" Ang tanong ko sakaniya.

"Diba may plano tayo?" Ang sabi niya.

"Oo pero anong oras na ba." Ang tanong ko sakaniya.

"10 o' clock"

"Ah ah ah 10 o'clock na!" Ang sabi ko

Tawa lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Wait lang wait lang bababa ko muna yung phone ah," ang sabi ko nang nagmamadali.

Nagmadali na kong bumangon sa higaan at pumunta sa banyo at siguro naka 10 minutes lang ako sa pag-aayos sa sobrang pagmamadali ko.

Bumama agad ako para pumunta sa kitaan namin ni Mike pero pagbaba ko nandun si Mike at nakaupo habang kumukuwa si Mama ng maiinom niya.

"Oh Mandy siya pala ang bestfriend mo bakit 'di mo siya pinapakilala sa akin?" Ang sabi ni Mama ng nakangiti.

"Ah kasi ano eh." ayan na lang ang nasabi ko

"Good Morning." Ang sabi ni Mike.

Umupo ako sa tapat ni Mike at sinabing "Ano ginagawa mo dito?"

Nakangiti niyang sinagot na "Mahigit isang oras na kasi ako naghihintay at naiinip na ko."

Sa sobrang hiya ko dahil pinaghintay ko siya ang nasabi ko na lang ay "Sorry, sorry talaga."

Hinawakan niya ang ulo ko at sinabing "Okay lang yun."

Biglang umupo si Mama sa tabi ko at pabirong sinabi na "Lagi ka na lang nagdadala ng lalaki dito ah."

Pabiro rin sinabi ni Mike na "Sikat po kasi si Mandy sa school."

Nagtawanan silang dalawa at ako siyempre hindi ko alam ang gagawin ko.

Sabay sabi ni Mama na "Kamusta na nga pala kayo ni John?"

Natahimik ako dahil hindi ko alam ang sasagot ko at hindi ko masabi kay mama yung totoo dahil alam ko na makalimutan ko man yung nangyari si Mama hindi dahil mahal niya ko ng sobra.

"Okay lang po sila," biglang sabi ni Mike ng nakangiti.

Kailangan na namin umalis ni Mike kaya nagpaalam na ko kay Mama.

Nung nasa sasakyan kami natahimik din ako dahil naaalala ko naman yung walang kwentang tao na nangloko sa akin.

"Hoy!" Ang sabi ni Mike.

Nagulat ako at ang nasabi ko na lang ay "Oooh, bakit?" 

"Nandito na tayo," ang sabi niya.

Pagtingin ko sa labas nasa Mall na kami.

Binubuksan na ni Mike ang pinto ng sasakyan at lumabas ako ng dahan dahan at sinabing "Anong gagawin natin dito?"

Nakangiti niyang sinabi na "Kailangan mo tanggalin yang baduy mo salamin kung ayaw mo na maging nerd kailangan mo din pumunta sa salon for your hair and etc at siyenpre kailangan mo mamili ng mga damit na babagay saiyo.

"Eh may mga damit naman ako eh," Ang sabi ko

Tumawa sabay sabi ng "If you want to move one of being a nerd you need to forget everythimg about your past."

Ang una naming destination ay ophtha para bumili ng contact lens then pumunta kami ng salon for my hair pagkatapos pumunta naman kami sa bilihan ng mga make-up at nag pa sample na rin ako kung paano gamitin ang make-up at lastly pumunta kami sa bilihan ng mga damit and most likely dress ang napili namin.

Pagkatingin ko sa salamin pagkatapos lahat ng ginawa namin hindi ko na makilala kung sino yung nasa harap ko at hindi ako makapagsalita dahil dito.

Mike said that "You're beautiful"

Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko dahil feeling ko ibang tao na ko hindi na ko si Mandy at hindi ko isang nerd.

Hinatid na ko Mike sa amin at nung nasa gate na ko ang sabi niya ay "See you."

Nakangiti lang ako at pumasok na sa amin at pagpasok ko ay nakita ko si Mama at hindi siya nakapagsalita dahil sa nakita niya kaya ang sabi ko na lang ay "Sige Ma aakyat na ko."

"Kumain ka na ba?" ang sabi niya

Ngumiti ako ng malaki at sinabing "Opo Ma."

Pagpanik ko tumingin ulit ako sa salamin at 'di parin ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nagtatawagan parin kami ni Mike lagi ngayong bakasyon dahil marami pa siyang kailangan ituro sa akin para sa personality na kailangan ko para tuluyan ng mawala ang nerd sa pangalan ko.

I'm back but not for you anymore (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon