Kabanata 7

8.9K 282 5
                                    

Kabanata:7

GUSTO kong murahin si Clyde dahil hindi niya kami pinalabas buong maghapon.Nakaka tanga diba?!Ang laki ng topak niya,nakakainis.

Totoo nga ang sinabi ni kuya na may mga teacher ng papasok sa amin.Nagpapasalamat ako sa diyos dahil hindi babae ang nagturo sa amin kundi mga lalaki,iwas landi narin para may matutunan.

"Omayghad,I'm so hungry" napatakip ako sa bunganga ko at tinignan si August ng gulat.Tinaasan niya ako ng kilay at tsaka tumawa ng malakas.

"Amputa,hindi ako bakla." napahawak ako sa batok ko ng batukan niya.Napasinghap siya at halatang hindi niya inaasahan ang ginawa niya.

Inayos ko ang salamin ko at niliitan siya ng mata."Ina-ano ba kita? Pangit mo, kainis." nalaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko.

Tumayo siya sa sementong upuan."Wow!Coming from you,nerdy girl.Pogi ako,tandaan mo gwapo ako in english I'm handsome."

"Hala,hindi ako na inform ha.Mukha kang hatdog sa umaga" nanlaki ang mata niya at mariing napikit na para bang nagpipigil akong sapakin kaya napangisi ako.

"Hoy,anong ginagawa niyo dito?Nag de-date kayo?Hala kayo,bawal yan.Dalawang araw mo palang dito sa school pinopormahan kana ni August,masama yan August.Maaga pa para mamat—"

Tumayo ako pabirong sinuntok ang tiyan ni Andrew.Napangiwi pa ako ng hindi siya masaktan samantalang ako ansakit ng kamao ko.May abs siguro 'to?Ewww,Ayesha.

Umupo silang lahat sa may bakanteng sementong upuan.Nasa waiting shed kami ngayon dahil uwian na namin ng hapon,nalibre kona rin si August tapos kumain kami sa canteen kanina pagkalabas palang ng classroom.

"Torture ginawa mo Clyde kanina" tinapik ni Kyle ang balikat ni Clyde pero nasa akin lang tingin niya.Problema naman ng lalaking 'to?

"Grabe,magkahapon tayong hindi kumain.May dalaw kaba ngayon Clyde?" tanong ni Leo na siyang ikinatawa nila."Charot"

"Huwag niyo ng asarin baka ibalik ulit tayo sa classroom" natatawang sabi ni Felixto.

Napatingin kami kay Clyde ng kuhanin niya ang cellphone niya.Hindi siya tumayo at nanatiling naka-upo lang, sinagot niya ang tawag.

"Oo...okay... don't worry....ge" tumayo siya at tumingin sa akin. "Hatid na kita,hindi ka masusundo ng kapatid mo" inirapan niya ako at tska sumakay sa naka paradang sasakyan sa harapan namin.

"Aysus,pa simple pa eh" tumayo ako at nag-paalam na sakanila.Baka sakmalin pa ako ni Clyde kapag magtatagal ako."Punta kayo sa bahay?"

"Hindi muna,may gagawin kami" si Leo.

"Oo may babasagin kaming muk—baso oo baso babasagin namin" kinamot ni Brayan ang kilay niya.Tumango ako sakanila at naglakad papalapit kay Clyde na iritado.

"Get in" bubuksan kona sana ang pintuan sa likod pero sa may tabi ng driver seat niya ako gustong umupo,wala akong ginawa kundi ang umupo nalang doon.

"Naiirita kaba?" kinuha niya ang isang plastic bottle ng tubig at ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa monobela ng kotse.

"Bakit naman ako maiirita?" pabalag na tanong niya.

"Feel ko lang,ang sungit mo.Hindi mo pa kami pinalabas kanina,nag sorry ka kahapon tapos ang sungit mo naman ngayon.Para kang tanga" tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin parin sa daan.

"Gutom kaba?"

Lumunok ako."Syempre,oo.Hindi naman porket kumain kami ni August kanina sa Canteen hindi na ako gutom,isang cheesecake lang kinain ko tapos chukie"

"Daldal mo" pabiro kong sinuntok sa braso.

"Nagtatanong ka eh,edi malamang sasagutin ko" tumigil kami sa isang coffee shop na medyo malapit lang sa school namin.

Una siyang bumaba kaya sumunod naman ako.Pumasok siya sa loob ng coffee shop at sumunod naman ako.Parang may pumasok na anghel dahil sa sobrang tahimik ng coffee shop.

Napatingin sakaniya lahat ng babae,naka uniform siya ng pang school namin.Naka bukas ang tatlong botones ng polo niya,maluwag din ang necktie niya.Gwapo naman siya hindi ko itatanggi 'yon,idagdag mopa ang mga piercing niya kaso masyado siyang masungit.

"Babeeeee!How are you?" babae niya?

Napalingon ako sa babae na humalik sa pisngi ni clyde.naka crop top siya ng kulay peach at skirt na siguro sa tantya ko ay nasa dalawang dangkal lang,tapos naka takong siya ng sandal.

"The fuck!who are you?" pasinghal na tanong ni clyde.pinagtitinginan na kami ng mga tao sa coffee shop,lumihis ako sa harapan nila at pumunta sa likod ni clyde,umupo ako sa may upuan.

"Wow?kagabi naka patong kapa sa akin ha?" halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa sagot ng babae.totoo ngang babaero siya!

"The fuck are you talking about?" pulang pula ang leeg ni clyde habang nakatitig sa babae.

"Ako yung babaeng dinala mo sa condo mo kagabi?the hell,you forgot?well, ipa-alala ko sayo kung paano kita pinasar—" napangiwi ako ng hatakin ni clyde ang babae palabas ng coffee shop.

Nagkulumbaba ako at inayos ang salamin ko.akala ko hindi totoo ang hinala ko na babaero sila pero totoo nga palang babaero sila.

Umayos ako ng upo at inilagay ang dalawang kamay ko sa mesa at pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang hinihintay si clyde.okay,siguro naka patong nanaman ngayon si clyde sa babae?ewww,kadiri ka ayesha.

Napatampal ako sa noo.

"You okay?" napahawak ako sa dibdib ko at gulat na nilingon si clyde.may hawak siyang dalawang kape,inilapag niya ito sa mesa.

"Oo.uhh...nasaan yung babae?" nagsalubong ang kilay niya at umupo sa harap ko. "ah okay,sabi ko nga wala na,kasi nga wala na siya dito" kinuha ko ang isang kape, nanginginig ang kamay ko nang marinig ko siyang tumawa.

Mahina lang ang tawa niya pero halos mayanig na ang buong sistema ko.Ngayon ko lang siya marinig tumawa,dahil sa tuwing nagbibiro naman ang mga classmate namin ay hindi siya nakikitawa.

Kinurot ko ang kamay ko para matigil ang hibang ko.gusto ko ding sapakin ang sarili ko,kadiri ka ayesha bakit ka ganyan.

"She already left" pinanood ko siya habang umiinom ng kape niya.Taas baba ang adams apple niya.

"Babae mo?" dali-dali kong kinuha ang tissue sa may mesa at ibinigay ito kay clyde.napabuga siya ng iniinom niyang kape,ay wow!gulat na gulat clyde?!

"Tanginang tanong 'yan" pinunasan niya ang bibig niya gamit ang tissue
.

"So,babae mo?fling?" sumama ang tingin niya sa akin kaya uminom ako ng kape. "Sabi ko nga hindi na ako magtatanong" inirapan niya ako.

"Daldal mo"

"Nagtatanong lang ako" nakangusong sabi ko.mas lalo siyang napa-irap,sungit talaga ng lalaking 'to.Sarap sapakin ng left and right,akala mo naman gwapo,gwapo naman siya,oo.

"Ang pangit ng tanong mo"

Hindi ko siya pinansin at tinuon ang pag-inom ko ng kape.gusto ko nang matulog para maka pagpahinga na ako, masyadong maraming nangyari ngayong araw.

Kagaya ng pinalinis kami ng c.r,hindi lang c.r baka buong building kaya.

"Ayesha" nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin.Napatayo ako at kaagad na niyakap si drake,ang kababata ko.

"Drake,kamusta?" bumitaw ako sa pagkakayakap.Magsasalita na sana siya ng may humigit sa akin para maka alis sa harapan ni Drake.

"Let's go"







¢•¢•¢•¢•¢•¢•¢•

Sorry for grammatical error and wrong spelling:>

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon