Kabanata 12

7.4K 248 5
                                    

Kabanata 12

"WALANG maghihiwalay nang mga grupo" bilin uli ni Sir Matthew saamin.Apat na section ang hahawakan niya,ang section A kung nasaan sila Sabrina,section B at C din.

Andito kami ngayon sa gymnasium ng school namin.Nilingon ko ang section A at saktong nakatingin sila sa section namin,nakangisi ang iba sakanila.Tumikhim  ako at umayos ng tayo.

"Ayos kalang?" tumango ako kay August.Inayos ko ang hairpin ko sa buhok at umayos uli ng tayo,tumawa pa si August sa tabi ko.

"Bagay sayo suot mo,hindi kana nagmumukhang manang" sinimangutan ko siya. "Mas lalo tuloy na inlove sayo yung dalawa"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni August.Ngising ngisi naman siya habang nakatingin saakin,lumapit ako sakaniya at kinirot ang tagiliran niya.

"Aray,ampucha naman Yesha" nilingon kami nang mga classmate namin na abala sa pag-sasakay ng gamit sa gagamitin naming sasakyan.Bawat section saamin ay mayroong sasakyan,mabuti nalang hindi lang kaming dalawa ni Clyde sa iisang sasakyan.

"Pre,1+1?" narinig kong tanong ni Joey.Nag squat ako at pinulot ang bag sa harap ko.

"Edi equals two" tumatawang sagot ni Alex.

"Mali.Bobo mo,eleven ang sagot kasi hindi naman ako nagdagdag ng equals kasi ikaw lang naman nagdagdag ng equals" ngumiwi ako ng marinig ko ang dahilan ni Joey.Umiiling ako habang tumayo,nagtawanan naman ang iba sa sinabi ni Joey.

"Nakaka bobo ka Joey"  nagtawanan ulit sila.Nakita ko si Clyde na papalapit saamin,umiwas ako ng tingin nang matama ulit ang mga tingin namin.

"Kung ang tagalog ng star ay bituin,bakit siya torpe?" sinapak ni Clyde si Felixto sa braso,tumawa ulit sila.

"Let's go" kinuha neto ang pulsuhan ko.Napalingon ang ibang section saamin,kita ko ang galit at inis sa mata ni Sabrina nang magtama ang paningin namin.

"Para-paraan" kanta ni Felixto.Ngumiwi ako sakanila,sakto naman napadaan ang tingin ko kay Andrew.Pilit na ngiti ang iginawad niya saakin sabay sakay sa sasakyan nila.Bakit?

Sumakay kami sa isang kulay puting kotse at alam kong kay Clyde ito.Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotche niya kaya pumasok naman kaagad ako.

"Akala koba iisa lang ang sasakyan natin?" sabi ko habang ina-ayos ang seatbelt sa katawan ko.Umupo siya sa may driver seat at ako naman sa tabi neto.

"Iisa lang naman" pabalag na tanong neto.Inismiran ko siya tsaka inirapan,inaayos niya ang seatbelt niya.Pinaandar niya na ang kotche ng maayos niya na ng mabuti ang seatbelt niya.

"Bakit ba hindi tayo sumabay sakanila?" tanong ko sakaniya.Nakatitig lang siya sa daan at halatang nag fo-focus sa pagmamaneho.

Nagulat ako ng kinuha niya ang jacket na nasa side niya at hinagis ito sa mukha ko, napaawang ang bibig ko dahil sa ginawa niya.

"Cover your legs woman" doon ako natauhan.Umayos ako ng upo at hinarangan ang binti ko gamit ang jacket na binigay niya.

"May balita naba kayo sa Jorgue Org?" pang-iiba ko ng usapan.

"As for now,wala pa" tumango ako sa sagot niya.Isinandal ko ang ulo sa bintana ng kotche niya.

Ngumiwi ako ng maumpog ang ulo ko dahil sa pangit na daan.Napahawak ako dito dahil biglang sumakit,maraming emahe ang nakikita ko pero hindi ko alam kung ano.

"Ang sakit" daing ko.Maraming mga tao ang nakikita ko,maraming pangyayari ang nakikita ko pero hindi ko naman alam kung ano.

"Shit shit shit!Are you okay?" ramdam ko ang hindi na paggalaw ng kotche niya, halatang itinigil niya ito.

"C-clyde,masakit" humawak ako sa ulo.Parang gusto ko nalang itong patanggalin para mawaka ang sakit.

Lumapit saakin si Clyde at hinaplos ang buhok ko, isinandal niya ako sa may dibdib niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Magiging okay karin" huling narinig kong sinabi niya bago ako mawalan ng malay.

NAGISING ako nang may tumapik sa pisngi ko ng mahina.Dahan-dahan kong minulat ang mata ko,napa-atras pa ang ulo ko ng magkalapit ang mukha namin.

Humawak muna ako sa ulo ko sabay ayos ng upo."Saan na tayo?"

"Andito na tayo,baba kana" tumango ako sabay baba ng kotche niya.Sumalubong kaagad saakin ang sariwang hangin ng probinsya,andito kami ngayon sa tabing dagat dito sq may Santa Clara.

Nilibot ko ang buong paningin ko,maraming mga estudyante ang nagbaba ng mga gamit nila.Natanaw ko ang section namin na nagbaba ng gamit, pupuntahan kona sana sila pero may nahagip ang mata ko.Pamilyar siya saakin.

Nakatayo sa malayong bahagi ng buhangin, nakatingin lang ito saakin.Naka facemask siya at baka sumbrero ng itim,pero ang mata niya ay pamilyar.

Sino siya?Saan ko siya nakita?








The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon