Kabanata 31
NAPASINGHAP ako nang biglang lumapit si kuya Kyle kay Andrew at ginawaran ng mabilis na suntok sa mukha.Napa-upo si Andrew sa lapag,hindi ako maka galaw dahil sa gula napatayo narin ang iba naming mga kasama.
Akmang susuntukin ulit ni kuya Kyle si Andrew pero lumapit kaagad ako kay Andrew at tinulungan siyang tumayo.Nagtataka niya akong tinignan pero hindi ko siya pinansin,narinig kopa ang buntong hininga nila.Hindi ko 'yon inalinta at tinulungan ko nalang tumayo si Andrew.
"Anong ginagawa mo,Ayesha?Traydor 'yang hayop na 'yan!" sigaw ni kuya Kyle sabay duro kay Andrew.Sinamaan ko siya ng tingin kaya dahan dahan niyang binaba ang hintuturo niya sabay iwas ng tingin.
"Halika,upo ka muna" hawak hawak nia ang putok niyang labi habang papalapit kami sa inuupan ko kanina.Pinapanood lang nila ang galaw ko habang inaasikaso ko si Andrew.
"Usog ka nga do'n" inirapan muna ako ni Clyde bago umusog sa upuan.Umalis ang mga babaeng nag sasayaw mukhang pinaalis ni August kanina,tumigil din ang malakas na music.
Kumuha ako ng ice sa may baso at inilagy 'yon sa panyo ko.Nakatitig lang si Andrew habang ginagawa ko 'yon,ibinigay ko sakaniya ang panyong may ice kinuha niya naman kaagad 'yon.
"Pasensya kana kung mabaho 'yang panyo ko.Ginamit ko 'yan pang punas ng pawis ko kanina" tumango lang siya at ginamot ang sarili niya.
"Anong ginagawa mo dito?Mang gugulo kananaman ba?" sunod sunod na tanong ni Leo.Lihim akong napasinghap ng hapitin ako ni Clyde kaya nagkalapit ang katawan namin,nagkalayo din kami ni Andrew.
"No.I can explain" nahihirapang saad ni Andrew.
"Oh,talaga?Sa haba ng taon,ngayon mo lang gustong magpaliwanag.Ginagawa mo ba kaming tanga?" singhal naman sakaniya ni Xander.Umiling si Andrew at inilapag ang panyo sa may mesa.
"Ngayon lang kami nakatakas sa ama niya" panimula niya.Napakunot ang noo ko sa sinabi niya,mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak ni Clyde sa bewang ko.
"What do you mean?" seryoso at malamig na tanong ni Clyde.
"Hindi totoong anak ni Fernando si Sabrina"napaawang ang bibig namin dahil sa gulat,pero si Clyde ay nanatiling tahimik. "Ang totoong ama ni Sabrina ay si sir Matthew"
"Paano namin nasisigurado na nagsasabi ka ng totoo?" nakangising tanong ni Joey.Napasinghap ako ng naglabas siya ng baril,inilapag niya 'yon sa mesa.
"Patayin niyo ako,kung hindi ako nagsasabi ng totoo" walang prenong saad ni Andrew.Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala pero tumango lang si Andrew at ngumiti.
Kinuha ni Clyde ang baril sa mesa na mas lalong ikinakaba ko.Inilagay niya 'yon sa upuan,habang ang tingin ay nakay Andrew parin.
"Tell us the truth" seryoso na saad ulit ni Clyde.Tumango si Andrew at kumuha ng baso na may alak, napamaang si Xander dahil baso niya ang itinungga niya.
"Isang linggo bago malaman ni Sabrina ang totoo ay ikinulong nila kami,pinapakain nila kami pero hindi nila kami pinapalabas.Ginamit lang ni Fernando si Sabrina para maghiganti sainyo,dahil daw sa ama ni Ayesha ay napilay siya.Dahil daw sainyo ay nalugi ang kumpanya nila" muli siyang uminom ng alak.
"Nalaman ni Fernando na naging Sabrina at Clyde kaya ginamit niya siya para makapaghiganti sainyo.Kaya ako nakalabas ngayon dahil nagkasakit ang anak namin,pinayagan niya kaming lumabas pero may bantay." nanatili kaming tahimik,walang nagsalita hanggang sa lumapit si kuya Kyle kay Andrew ay niyakap ito.
"Gago,bakit hindi kayo tumakas?" marahas niyang mura ng makabitaw siya.Lumapit nadin ang iba sakaniya maliban si Clyde na nanatiling naka upo sa may tabi ko.

BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section D (Completed)
Novela JuvenilSabi nila "The last section is the worst section",well that's true.Pero kapag tinawag na worst section ang section niyo ay ibig sabihin masasaya ang mga estudyante dito,nagagawa nila ang gusto nila. Her name is Ayesha Ferrer,pumasok sa section na da...