Kabanata:9
MAG-IISANG buwan na rin simula noong pumasok ako sa Section D,masasabi kong hindi madali ang bawat araw na pumapasok ako sa section na 'yon.Marami parin silang kalokohan na ginagawa.
Ilang linggo narin ang nakalipas matapos sabihin ni Clyde at Kuya ang totoo tungkol kay Drake.Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa nalaman ko,kahit papano kaibigan ko parin si Drake.
Dahil sa pag-amin ni Clyde at kuya ay halos araw-araw na naka sunod sa akin si Clyde pati narin ang ibang section D.Kagaya ngayon....
"Ano nanaman ba?" singhal ko kay Clyde na nasa tabi ko.Kanina niya pa ako kinukulit,kalabit ng kalabit nakakabanas.
"Easy" natatawang sabi niya.Napa-irap ako dahil doon,nagtawanan ang iba naming kaklase.
"Miss ka niya Ayesha" sabat ni Andrew,ngiwi ang iginawad ko sakaniya.
"Anong miss?Halos araw-araw nakabuntot si Clyde kay bebe Ayesha ko" lumapit si Felixto at umupo sa tabi ni Clyde na nasa kaliwa ko.
"Bebe amputa" si Brayan.
"Pato kasi" nagtawanan sila sa sinabi ni Leo,inamba kong ibabato sakaniya ang ballpen ko pero hinawakan ni Clyde kaagad.
Parang tumigil ang oras ng maglapat ang palad namin, lumakas ang tibok ng dibdib ko.Para akong may sakin sa puso dahil don.
"Naayyyy" asar nila.Binawi ko kaagad ang kamay ko kay Clyde at tumikhim.
"Tangina niyo" ngumisi si Clyde at Kyle, samantalang ang iba ay napatakip sa bibig.
"Hala nagmura!" si Leo.
"Gago,bawal magmura" si Xander.
"Hala gago,isa pa nga" si Mars.
"Tangina HAAHAHA" si August.
Yumuko ako dahil nag-iinit ang magkabiling pisngi ko.Inayos ko ang salamin ko habang nakayuko,ngayon lang din ako nag mura.
"Tigilan niyo na nga kasi siya" sabi ni Kyle habang nakatingin sa cellphone niya.
"May amoy isda" si August.
"Ikaw amoy isda kasi hindi ka naliligo" hahampsin pa sana ni August si Felixto pero bumukas ang pintuan ng classroom namin kaya napatingin kami.
Pumasok si Sir Matthew, ngumiti siya sa amin kaya ginantihan din namin ng ngiti.Siya ang ang guro na nakapag tagal sa amin,mabait siya at magaling magturo.
"Goodmorning" nilibot niya ang buong paningin sa classroom. "You have no class tomorrow,may field trip kayo bukas." nagtatalon sa tuwa ang mga classmate ko.
"Sir,Saan?"
"Santa Clara" natahimik ang buong klase dahil sa sagot ni Sir Matthew.Nagslubong ang manipis na kilay ni sir dahil sa mga reaksyon nila.
"Sir, sigurado kapo diyan?" tanong ni August.
"Oo naman,bakit may problema ba?"
"Malaki" napasinghap ako ng tumayo bigla si Andrew at isinigaw ang salitang 'yon. "Kasing laki ng pagmamahal ko sakanya"
Nag-akto akong nandidiri ng magtama ang mata namin.Napa halakhak ang iba matapos niya 'yong sabihin.
"Amputa bwahahaha" malakas na tawa ni Leo.
"Sir,nasusuka ako" si Brayan.
Humalukipkip si Andrew at sinuntok ng pabiro si August sa braso.May sinasabi pa sila sa isa't isa pero bulong nalang.
"Quite class" tumahimik kami. "Puro kayo kalokohan!Dalawang araw kayo sa Santa Clara,uuwi kayo ng sabado.Magbaon kayo ng mga pagkain at paglulutuhan niyo"
"Clyde,dalhin mo buong condo mo" ngumiwi si Clyde at binato ng notebook si Felixto at tumama ito sa mukha niya.
"Bwahahaha" tawanan nila.Tumawa ako ng mahina pero napatikhim ako ng magtama ang mata naming dalawa ni Clyde.
Iba talaga epekto niya sa akin.
Iba ang epekto niya sa akin dahil lagi niya nalang akong ina-asar.Simula noong umamin sila ni kuya,lagi na siyang naka buntot sa akin,lagi niya akong kinukulit.Hmmm,sarap sakalin.
Pero minsan,sa tuwing magkakatitigan kami o hindi kaya mahahawakan ko siya parang libo libong boltahe ng koryente ang nararamdaman ko.Minsan parang may bulate sa tiyan ko o hindi kaya lumalakas tibok ng puso ko.
"Okay 'yon lang,mag ready kayo" lumabas si sir kaya naghiyawan ang mga classmate ko.
Nagulat ako ng hilain ni Clyde ang upuan ko palapit sakaniya.Pinagdikit niya ang upuan namin at kinuha niya ang palad ko at pinagsiklop 'yon gamit ang palad niya.
"H-hoy ano ba?!" narinig ko ang ibang tawanan nila,kaya ako na mismo ang bumawi sa kamay ko.Inatras ko ang upuan ko,napanganga ako ng muntik ng matumba pero nasalo ni Kyle ang likod ng upuan ko.
"Wow,tangina astig" narinig kong sabi nila.Umayos ako ng upo at sumulyap kay Kyle.
"Thankyou" ngumiti ako,tinanguan niya lang ako at ibinalik ulit ang atensyon sa cellphone niya.
"Ew,yuckies" ngumiwi ako at binato ng ballpen si August sakto naman ito sa ilong niyo
"Sadista si bebe Ayesha" humalakhak si Felixto at binatukan si Andrew.Sinamaan lang ng tingin ni Andrew si Felixto sabay suntok sa pisngi neto.
"Aray,tarantado ka" humawak si Felixto sa pisngi niya.Pabirong suntok lang 'yon pero alam kong masakit dahil namula ang pisngi niya.
"Magdala ka ng pinggan" turo ni Mars kay Joey.
"Lul,bat ako?"
"Kumuha kanalang ng pinggan sa restaurant niyo" tumawa si Brayan matapos niya 'yong sabihin.
"Tangina?!Eh kung mahuli nanaman ako ng mama ko?" lumaki ang mata ni Joey.
"Hindi 'yan, sabihin mo pinakuha ni Clyde.Malakas 'yan kay mudrang mo eh" napa-irap si Clyde da tabi ko at tumayo siya.
Inilibot niya ang buong paningin sa classroom.Seryoso ang mukha niya pati narin ang mga mata niya habang tinitignan kami.
"Get our supplies for our camping in Santa Clara" timingin siya sa akin kaya napalunok ako. "Sasabay ka sa sakin bukas"
Napanganga ako ng lumabas si Clyde,tumawa ang ilan sa mga classmate ko pero ako nakatulala lang.Humawak ako sa sentido ako at pumikit,konti nalang talaga Clyde masasapak na kita.
"Dumadamoves amputa" si Xander.
"Overprotective" si Brayan.
"Bakod na bakod ah" si Alex.
Lumingon ako kay Kyle ng kalabitin niya.Napa-atras ang mukha ko dahil sa lapit ng mukha niya,naiilang akong ngumiti sakaniya pero siya ay nanatiling seryoso.
"Do you like him?"
¢•¢•¢•¢•¢•¢•¢•
Sorry for grammatical error and wrong spelling:>

BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section D (Completed)
JugendliteraturSabi nila "The last section is the worst section",well that's true.Pero kapag tinawag na worst section ang section niyo ay ibig sabihin masasaya ang mga estudyante dito,nagagawa nila ang gusto nila. Her name is Ayesha Ferrer,pumasok sa section na da...