A/N:Hi,na report po itong story ko sa Facebook kaya hindi ko mahanap:((.Sa mga nakabasa po neto sa Facebook,dito niyo nalang po basahin.Kindly recommend my story to your friends,mwah.
Kabanata 26
MATAPOS ang eksenang 'yon ay bumalik na kaming muli lahat sa dati.Pinaliwanag din nila kung bakit sila pumunta doon,sinabi nila na sobrang close daw nila sa mama ni Sabrina.Hindi din daw alam ng mama ni Sabrina ang ginawa niya sakanila,sobrang bait daw ng mama niya pero siya hindi.
"Saan ba tayo pupunta?" pasinghal na tanong ko Clyde dahil sa paghila niya saakin.Pagkatapos ng klase namin kanina ay bigla nalang niya akong hinila palabas ng classroom.
"Mag de-date tayo ganda" kumindat pa siya matapos niyang sabihin 'yon.
"Pwede bang tigilan mo na 'yang pagtawag mo sa'akin ng ganda?" huminto siya sa pagbukas ng kotche niya.Tinaasan niya ako ng kilay.
"Why?Maganda ka naman e.Sinong nagsabing hindi ka maganda?sabihin mo suntukan kami" inirapan ko siya pero tumawa lang siya.Hinigit niya ako papalapit sakaniya kaya napahawak ako sa dibdib niya.
"You're beautiful,hmmm...sobrang ganda mo" tumikhim ako at tinulak siya.Sobrang init ng pisngi ko—ugh kainis lagi niya nalang akong pinapakilig.
"Heh,bilisan mo na ngalang" tumawa siyang muli.Sumakay ako sa may tabi ng driver seat.
Habang nagmamaneho siya ay nakatitig lang ako sa daan.Maingay kaming dalawa habang nasa biyahe,pero ilang minuto pa ang nakalipas ay huminto ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan."Naka p.e uniform pa ako,Clyde.Kainis ka,baka hindi tayo pwede sa loob" hinawakan niya ang bewang ko at pinalapit sakaniya.
"Hindi 'yan,ganda.My parents own this restaurant" iginaya niya ako papasok sa loob.Katulad ng mga trabahador sa hotel nila ay yumuko din ang mga trabahador nila dito sa restaurant.
"Yaman niyo talaga noh" umiling siya at pina-upo ako.
"Mas mayaman kayo" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Mag tatanong pa sana ako ng may dumating na waitress at naglapag ng pagkain sa harapan namin,tumango lang naman si Clyde sa waitress.
"Planado ha?" binasa niya ang pang-ibabang labi niya tsaka tumango.
Naglagay siya ng pagkain sa plato ko,carbonara at beaf steak ang pagkain namin.Wine naman ang iniinom niya samantalang saakin ay orange juice.
"Crush na crush mo talaga ako noh?!" ngumisi siya at ibinaba ang kutsara niya.Uminom siya ng wine at hinawakan ang kamay kong nasa mesa,kaya binitawan ko ang kutsara ko.
"I love you so much too" halos mabulunan ako sa sinabi niya.Umiwas ako ng tingin at uminom ng juice,nanatili paring nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.
"Weh?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko,umirap siya saakin.
"Oo nga,ganda." nakikita ko naman.
Pinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa mahagip ko ang pamilyar na lalaki.Naka upo sa may malapit sa binta na salamin,kaharap neto ang isang babae.Naibaba ko ang kutsara ko dahil sa gulat.
Ano nanamang ginagawa nila dito?Sinusundan ba nila kami?
Nakangiti si Andrew,gano'n din si Sabrina.Masaya silang kumakain,nag de-date din sila?Halatang may pinagkwekwentuhan sila dahil bumubuka ang mga bunganga nila.
"Anong ginagawa nila dito?" tumingin sa'akin si Clyde.Nginuso ko ang table nila Andrew,nag igting ang panga niya at pinunasan ang labi niya gamit ang table napkin.
"Don't mind them,just finish your food" nilingon ko ulit ang table nila Sabrina.Tumayo si Sabrina at pupunta ata ng comfort room kaya tumayo din ako,nagtaka pa si Clyde.
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section D (Completed)
Novela JuvenilSabi nila "The last section is the worst section",well that's true.Pero kapag tinawag na worst section ang section niyo ay ibig sabihin masasaya ang mga estudyante dito,nagagawa nila ang gusto nila. Her name is Ayesha Ferrer,pumasok sa section na da...