Kabanata 27
NAMAMAGA ang ilalim ng mata ko kinabukasan.Hindi ko alam kung anong oras ako natigil sa pag-iyak kagabi,mag mamadaling araw narin ako natulog.
Bumuntong hininga ako at tumayo sa kama,humarot ako sa dresser at tinignan ang mukha ko.Magulo ang buhok ko at p.e uniform parin ang suot ko,kinuha ko ang tuwalya at nagtungo sa banyo.
Napaluha ako kasabay ng pagpatak ng tubig sa katawan ko,hindi ko parin maisip kung bakit nagawa nilang magsinungaling sa’akin.Ilang taon din pala akong naniniwala sa kasinungalingan nila.
Pinatay ko ang shower at binalot ng tuwalya ang katawan ko.Lumbas ako ng banyo para makapag palit ng uniform,matapos kong magpalit ay lumabas na ako ng kwarto ko hindi nadin ako ng suot ng salamin.
Dumaretcho ako sa kusina para kumain ng umagahan,pero napahigpit nalang ang hawak ko sa may strap ng bag ko nang makita kung sino ang mga taong andito.
Napatingin sila sa'akin pero kaagad ding binawi 'yon.Umismid ako at pumunta sa lababo para kumuha ng pinggan at kutsara,tanging kutsara at pagtunog lang ng pinggan ang mamarinig mo sa buong bahay.
Umupo ako sa may tabi ni kuya Nyx,kita ko naman kung pa'ano nagbaba ng tingin si Kyle at Felixto.Umiwas lang ako ng tingin dahil sa nanaramdamang sakit.
"Goodmorning,'nak" napabaling ang tingin ko kay mama—sa mama ni kuya Nyx ng bigla siyang magsalita.Umayos ako ng upo at tumikhim para hindi ako mapiyok.
"G-goodmorning m-ma" bahgyan pa akong nautal sa pagtawag ko sakaniya ng 'ma'.Ngumiti siya saakin at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko, nanonood lang naman sila kung anong ginagawa ni mama.
"Kumain ka ng marami,sasabay kana sa classmate mo mamaya,'nak" napatigil ako sa pag-akmang isusubo ang pagkain dahil sa sinabi ni mama.Nilingon ko ang mga classmate kong tahimik na kumakain,nagtama ang mata namin ni Clyde pero walang reaksyon ang mga 'yon.
"Hindi na po,sasabay nalang ako kay kuya Nyx" deretchong saad ko.Halatang natigilan si kuya Nyx sa sinabi ko,pero kalaunan ay tumango nalang din.
Sinubo ko ang kutsara ko na may laman na pagkain.
"Pero 'nak,kailangan mong makilala ang tunay mong ka—" dahan dahan kong binitawan ang kutsara ko at tumayo.
"Hintayin ko nalang po si kuya Nyx sa labas,ma" umiwas ako ng tingin dahil sa lungkot ng mata ni mama.Lumabas ako ng bahay habang naluluha,sorry ma pero sana intindihin niyo muna ako ngayon.
Sumandal ako sa sasakyan na nasa labas ng bahay namin habang hinihintay silang lumabas.Napa-ayos ako ng tayo ng lumabas si Clyde,mag-isa niya lang.
Seryoso siya habang naglalakad papalapit saakin.Ngumisi lang ako ng sakrikasto sakaniya,tumayo siya sa may harapan ko.Matangkad siya at hanggang dibdib niya lang ako.
"Let's talk" tiningala ko siya dahil sa sinabi niya.Tinulak ko siya gamit ang isang kamay ko pero hinawakan niya lang 'yon,parang nalusaw lahat ng galit ko daahil sa paghawak niya.
"Huwag mo akong hahawakan" marahas kong binawi ang kamay ko pero humigpit lang ang hawak niya dito. "Wala tayong dapat pag-usapan"
Umigting ang panga niya sa sinabi ko,binasa niya ang pang-ibabang labi niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ng isang kamay niya.Pilit kong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya saakin pero masyado siyang malakas para mabawi ko 'yon.
"We have a reason why we did that to you" singhal niya.Nakatingala lang ako sakaniya habang nag-iinit ang sulok ng mata ko.
"Sa tingin mo ba maniniwala ako!Ang dami niyong nilihim saakin,tapos ngayon niyo lang sasabihin ha?" sakrikasto akong tumawa. "Wow naman kung gano'n,kung wala pang nangyaring masama saakin,syempre ililihim niyo parin.Mabuti nalang may nangyaring masama saakin kaya nalaman ko lahat ng kasinungalingan niyo"
![](https://img.wattpad.com/cover/294500440-288-k407726.jpg)
BINABASA MO ANG
The Only Girl in Section D (Completed)
Teen FictionSabi nila "The last section is the worst section",well that's true.Pero kapag tinawag na worst section ang section niyo ay ibig sabihin masasaya ang mga estudyante dito,nagagawa nila ang gusto nila. Her name is Ayesha Ferrer,pumasok sa section na da...