Kabanata 21

6.3K 228 25
                                    

Kabanata 21

"ACT normal,okay?" tumango ako sa sinabi ni Kyle.Kahit kabang kaba ay pinilit kong maging normal dahil papalapit na kami sa pwesto nila Clyde.

Wala na ang mama niya at si Valerie,tanging siya at ang mga classmate nalang namin ang andoon.Napakunot ang noo ni Clyde ng makita niya kaming dalawa ni Kyle na papalapit.

"Ay naks naman,andito na ang ating mahal na prinsepe at prinsesa" sumipol pa si Felixto matapos sabihin 'yon.Tumikhim ako at lumayo ng kaonti kay Kyle.

"Mag-gagabi na,uuwi na ako" sabi ko Clyde.Tumango siya at pinasadaan ako ng tingin,binasa niya rin ang pang-ibabang labi niya.

"Hatid na kita" presinta niya.Umiling naman ako kaagad sa sinabi niya.

"Hindi na,'yang sugat mo baka mapano pa.Mag ta-taxi nalang ako" bumuntong hininga siya at umiling.Tsaka lang nawala ang atensyon ko sakaniya ng biglang sumipol si August.

"Pangit ka bonding 'tong dalawang 'to" nakasimangot na sabi ni August.

"Awww.Sweet naman papi Clyde" nagtawanan sila sa pang-aasar ni Felixto sakaniya.Pero nawala ang tawa nila ng makita nilang papalapit sa pwesto namin si Amdrew, tumikhim ang iba sakanila sabay tumawa ulit ng pilit.

"Sup.Sorry,may emergency kasi kaya napatagal ng tawag" umiwas ako ng tingin ng magtama ang mata namin.Hindi ko alam kung bakit siya nagsisisnungaling,hindi ko rin alam kung bakit nila kailangan na isekreto ang nalaman nila.

"Ikaw ha,sino ka ano mo?May lipstick kapa sa gilid ng labi mo,oh!" turo pa ni August sa labi niya. "Emergency pala ha!" umiling si Andrew sabay punas ng gilid ng labi niya.

"Ulul ka" singhal niya.

"Mamaya kana uwi bebe Ayesha,tara muna pasyal" nilingon ko si Leo ng sabihin niya 'yon.Nag sang-ayunan naman ang iba naming kaklase.

"Papasyal tayo na ganiyan ang mga mukha niyo?" turo ko sa mukha nila.Tumango sila sabay ngiti,mga baliw talaga 'tong mga 'to.

"Sige,pero sandali lang ha baka hanapin ako ni kuya" pagsusuko ko.

"Si papi Clyde na bahala sakaniya" binatukan ni Clyde si Leo dahil sa magtawag niya sakaniya,umiling si Clyde at tinaas niya ang middle finger niya.




ANDITO kami ngayon sa peryahan,si August ang nag suggest na dito kami pumunta.Sabi pasyal e,hindi maglaro.Nagulat ako ng hilain ako ni August papunta sa Viking,sa malaking bangka na dumuduyan.

"Halikayo dito,sakay tayo dito" lumunok ang mga kasamahan namin.Kahit anong mangyari hindi ako sasakay sa uri ng ride na 'yan,hindi ko pinangarap na sumakay sa ganiyan.

"G-gago?Pinapauewi na pala ako ni mama" akmang tatalikod na si Mark  ng biglang hilain siya ni Brayan.Naiiyak siya habang nakatingin sa ride.

"What the fuck is that ride?No,ayaw kong sumakay dyan" singhal ni Clyde sabay talikod.

"Bakla si Clyde" asar sakaniya ni Andrew.Nag-igting ang panga niya,nagulat nalang kami ng biglang siyang pumunta sa pinagbibilhan ng ticket at isa-isa kaming binigyan.

"P-puta!ayoko please" natawa si August dahil sa itsura nila.Umiling ako sabay buntong hininga,gago gusto ko naring umuwi bwisit ka August sana naging July kanalang.

Sari-saring mura ang lumabas sa bibig nila ng iginaya kami ng isang lalaki para makasakay sa ride.Katabi ko si Clyde sa kaliwa at sa kanan ko naman si August,sa harapan naman namin ang iba.

"Yesha,paki sabi kay mama sorry kasi may nabasag akong pinggan" ngumiwi ako sa sinabi ni Joey.

"Maaaaaa!Sorry kasi kumuha ako ng bente mo" sigaw namn ni Brayan.

The Only Girl in Section D (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon