✈ FMIS (8): Blank Space ✈

47 2 0
                                    


Pagkagising ko kaninang umaga bandang mga 4:30 AM dumiretso ako sa baba para kumuha ng tubig dahil parang may pakiramdam ako na uhaw na uhaw. Nagulat ako nung pagbaba ko, nandun na pala si Mama.

Para syang nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko sya. Nagulat ako sa itsura nya dahil posturang-postura sya. Kakaiba ang suot nya, isang sleeveless na damit na bahagyang nagpapakita ng hubog ng katawan nya at maiksing shorts. Hindi namam ganung nakaka-umay dahil maganda naman talagang magdala ng damit si Mama at bagets pa ang itsura. Kaya lang, ito ang unang beses nakita ko syang naka ganun.

"Ma, andyan ka na po pala! Hanep porma natin ah. Para makikipag-party lang."

Hindi nya 'ko pinansin at para bang gulat parin.

"Ma." Tinawag ko sya ulit para maibalik ang ulirat nya.

"Ay, pasensya na Magui. Ano nga ulit yun?"

Halos dalawang araw kaming di nagkita ay ayun ang una nyang sinabi sakin? Nakakapagtaka lang. Hindi naman ganito si Mama. Ano kayang nangyari dito at saan sya naglagi ng mga oras na wala sya sa bahay?

"Wala, Ma. Sabi ko seksi mo talaga. Saan ka po galing?"

"Ke aga mo namang nagising. Nagulat ako sayo. W-wala ito. Ano lang... napagka-tuwaan lang akong pagsuutin ng ganitong damit ng Tita Lin mo."

Si Tita Lin ang Tita kong may ari ng salon dyan sa plaza. Fashionista sya at tulad ni Mama, single mom din sya pero di maikakailang mas may kaya sya kesa samin. Lagi kaming nagkakasundo nun dahil mahilig sya sa mga damit at gusto ko namang maging fashion designer.

"Ayy ganun po ba Ma. Ano nga po pala, may sasabihin ako sa inyo."

"'Ku, wag muna ngayon anak at magpapalit muna ko ng damit."

Tumango ako sa kanya at dali-dali syang umakyat sa kwarto habang dala-dala nya ang ga-maleta nyang bag. Ang laki-laki lagi ng dalang bag ni Mama sa trabaho, madami kaya syang ginagawa dun?

Habang nagpapalipas ng oras, kinuha ko muna ang notebook at nagbasa. Mamaya pa namang alas-syete ang klase ko. Alas-singko palang naman.

-*-*-*-

Dear Purple,

Sorry for still calling you shitty notebook these past few days. Not in the mood. But now, I gotta share you something...

I think insanity is finding its way unto me. I can believe what the heck happens to me and to my various system whenever I see Maddox after that incident. Well, he was given a simple task to collect the notebooks once we're done answering the activity. When he stopped in front of me, I scrutinized his face and unconventionally, I've gotten stupefied. His body's not too muscular, a perfect fit to a teenage boy. That perfectly-stood up jet black hair, deep brown almond-shaped eyes, and his nose.. gosh, it was finely-pointed and his chiseled features even included a well-defined philtrum. Those are the features that seemingly become inconspicuous the last time we met.
Not only that, he's also a mothafudgin' good dancer. How did I know? Well, he has just shown  it a while ago during the our PE class when the teacher asked us to show our talents one by one. Gushy-gosh, he's got enough pizzazz to be lined-up with my likes. I cannooooot believe this!

But unlike those girls, I'll just keep this to myself and will remain silent and tamed. I won't be one who of them who goes overly fanatical whenever he's around.

Okay, I gotta admit it... I'm officially in crush with that guy whose name is Maddox Blaze Adams. (Err, my heart even skipped a beat upon writing that stuff)

Can't believe this is happening,
Yvonne.

-*-*-*-

Ihhh! Nekekeleke nemen te. Parang kiniliti yung tagiliran ko. Di ko alam kung bakit ako kinilig habang binabasa yung entry na yun. Siguro kasi naramdaman ko rin yung nararamdaman ni Yvonne sa mga oras na yun. Ganun din kasi ako kay Clark minsan eh. Ay, palagi pala.

Finding My Inner Soul by: MACGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon