✈ FMIS (3): Cute ✈

260 49 53
                                    

Dear Purple,

Roses are red, violets are blue.
A stranger called me in the midst of morning dew, 
He's got a sexy voice and I don't have a clue. 
If you ask me who. I don't know too. 
Insert cry here, huhuhu. 
I know this poem's corny, you might shout a big "BOO!"

Roses are red, Violets are blue. 
The forgetful stranger tries to ruin my day. 
On how much he detests me, he doesn't have clue. 
I could ruin his face If I just may. 
But my smile didn't cooperate with me
It escaped my lips, out of the surprised glee. 
And gave the urge to hear his voice which is sexy. 
Beautiful stranger, you bother me a lot can't you see? 

Okay. So I created those poems due to that guy who left an indelible mark on my mind. Here's how it goes, a guy who's a total stranger accidentally called me last night. He had my number mistaken as his girlfriend's. The conversation prolonged because of God-knows-what reason. He never stopped bugging me since then.

We just started talking every night when we can't go to sleep yet. The conversation is fired with total haphazard stuff and whatnots. Well, atleast. I had someone who I can share all my thoughts with aside from an inanimate notebook.

Holding on,
Yvonne.

-*-*-*-

Kahit papano, medyo na-GV naman ako mula sa maagang kabadtripan kanina. Ang sarap lang kasing basahin nitong notebook ni Yvonne. Medyo awkward parin banggitin yung pangalan nya kasi baka sabihin feeling close. Sorry nalang sa kanya kasi binasa ko yung notebook nya ng walang paalam. Sya naman kasi nag-iwan nun sa bookshelf eh.

"Hey, Magui. What are you reading?"

Tila naman itinapon ako sa totoong mundo ng tawagin ako ni Addie. Agad-agad kong isinara yung notebook.

"Wew. Ikaw lang pala. Ah... ito? W-wala. Ano lang. Science notebook ko."

"Ay ganun ba."

Tinabihan nya ko at inalok ko sya ng biscuit ko. Recess na kasi at napagdesisyonan ko na kumain muna mag-isa. Nilamon kasi talaga ako ng hiya kanina.

"Umm... Magui. May sasabihin ako sayo sana wag mong mamasamain ha?"

"Sure. Ano ba yun?"

"Ganito kasi... sana wag kang magalit. Magkaibigan tayo diba so concern ako sayo..."

"Diresyahin mo na, Addie. Ayoko ng ganyan eh."

"Sige na nga. Ganito, si Clark kasi-"

Napapitlag naman ako at pinandilatan sya.

"Ano? Si Clark? Anong meron sa kanya?"

"Tsk. Wait lang kasi. May lakad ka ba at madaling-madali ka? Ganito kasi, si Clark diba pinsan ko? Tinawagan ko si Tita, Mommy nya at sinabi kong late makakauwi si Clark ngayon kasi may tuturuan syang kaklase sa English." 

"Oh ano ngayon? Wag mong sabihing ako yung tuturuan nya. Ayokong mamatay sa kahihiyan."

"Yun na nga, Magui. Di ka naman mapapahiya eh... mabait naman-"

"'Changgala naman, Addie! Ano ba naman yan? Alam mo namang bobita ako sa English tapos, tapos... ugh! Si Clark pa na crush ko na pinsan mo ang magtuturo sakin? Edi nawitness nya ang katangahan ko? Addie naman!"

Yinuko ko ang ulo ko sa mesa at inuntog-untok ito.

Hinagod-hagod naman nya ang likod ko.

"Uy, wag kang magalit. Para sayo nga tong ginawa ko eh. Ayaw mo yun? Magkaka-moment kayo? Take advantage of the moment nalang!"

"Adik ka rin minsan eh noh? Buti sana kung Filipino eh. Atleast matu-turnon sya sakin kasi wala akong hirap dun. Eh kaso... ugh! Bwisit talaga."

"Tanggapin mo nalang kasi, Magui. Promise para sayo din 'to. Mas magkakapag-asa ka kapag nagpaturo ka kay Clark."

Alam ko namang magaling sya sa English eh. Kaso nga lang, nakaka-humiliate kung magpapaturo ako. Tatakasan ko nalang tong si Addie mamayang uwian. Sabihin ko emergency.

"Sige na nga. Mag-aaral na ko!"

~~~

Dali-dali akong nagpack-up ng gamit ko pauwi. Kailangan kong dalian habang wala pa sya.

Pero kita mo nga naman oh, iba ang bilis nito ni Addie at naka-angkla na agad sa braso ko.

"Girl! Saan ka pupunta? Clark, tara dito."

Pinandilatan ko sya. Nakita ko si Gray na nag-aayos din ng gamit at may umilaw na bumbilya sa utak ko.

"Wala naman akong sinabing sasabi ako kung di kasama si Gray ah?"

Binigyan nya ko ng 'Are-you-kidding-me-' look. Inexplain nya sakin yun nung isang beses at tawang-tawa ako sa mukha nya.

"Um-oo ka na kaya! Wag kang talkshit dyan."
Di ko sya pinansin at tinawag si Gray.

"Gray, Gray! Tara dito!"

Hah. Kala nya sya lang ah. Pinandilatan nya rin ako at nginitian ko sya ng nakakaloko.

Sabay na lumapit samin si Gray at Clark. Nice. It's a tie na ngayon.

"Gray, gusto mong sumama samin mamaya mag-review sa library? Okay lang naman daw kay Addie eh."

Inirapan ako ni Addie at pumayag naman si Gray. Syempre, papayag yan. Maka-damoves lang kay Addie.

"Oh. So we're gonna have a group study then? That'll be great."

May poging nilalang na nagsalita.
Yeah. That'll be great like Alexander the Great talaga! Syempre kasama ka, Clark.

"No. It won't be a group study. Kayo lang ni Magui."

Napatingin ako ng masama kay Addie at alam kong gumaganti lang 'tong babaitang 'to. Well wishing well, mas magaling ako sa kanya.

Lumapit ako ng konti kay Clark at bumulong.
"Ahh yeah. She want that because... you know... Gray. Them. Solo together. He-he"

Napatawa ng malakas si Addie at napakamot lang ng ulo si Clark. Bwisit na Gray 'to, sisipol-sipol pa. Pag-untugin ko silang tatlo eh.

Ay hindi... silang dalawa lang. Okay lang kung si Clark. Kasalanan ko naman eh, trying hard ako. Baka kasi di sya nakaintindi ng Tagalog. Ipa-translate ko pa kay Addie. Kahiya lalo.

Nakasimangot ako habang naglalakad kami papuntang plaza. Nandun kasi yung library.

Lagi nalang akong napapahiya sa crush ko. Kay Clark, my loves. Lagi nalang bang ganito?

Nang malapit na kami sa library, may biglang lumapit sa 'kin at alam kong si Clark na yun dahil nahagip ko yung pabango nya.

"Hey, smile now. I actually find you cute."

Ummm... ummm... ene dew? Kyet dew eke?

Napatingin ako sa kanya na para bang nagtatanong at nginitian nya lang ako.

Shzzz. Aykenat.

Cute daw ako, cute daw ako! Ayos lang na tanga sa English. Baka ito pa yung paraan ng tadhana para mas mapalapit ako sa kanya.

'Ewww. So nakakaumay.'

Kung sino ka mang kontra ng kontra sa kilig thoughts ko, wapakels ako sayo.

Basta, cute ako!

Finding My Inner Soul by: MACGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon