Isang malaking himala ang nangyari. Wow.
Dinumog ako ng mga top students sa klase namin at tinignan ang test paper ng hindi halos makapaniwala.
"Oo nga, guys. Isa lang mali nya oh."
"Oo nga, ang galing."
"Edi wow."
Ganito pala feeling na maging sentro ng atensyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Kasi parang, kakaiba lang.
"Sus, if I know nag-cheat lang yan."
"Oo nga. Minali pa ng isa oh. Para kunyari di halata."
Hindi naman ako peymus, pero may mga nagbubulungan tungkol sakin. Wala naman stereotype sa school namin, pero may mga chismosa naman na walang ginawa kundi pag-usapan ang ibang tao at ibaba sila.
Hinablot ko ang test paper ko. Ngayon lang yata nag-sink in sakin lahat. Isa nga lang talaga mali ko. Nakakapanibago talaga.
Siguro naman tumalab lang ang prayers ko.
"Hey, I told ya. You can ace the exam. Congrats."
Mahinang tinapik ni Clark ang braso ko. Tinignan ko sya. Sya rin kaya nagtataka sa nakuha kong score? Natalo ko sya. Imposible. Iniisip nya rin kaya na nandaya ako? May mga pagdududa rin kaya sya.
Tinanguan ko nalang sya at pilit na ngumiti. Bumalik na ko sa upuan ko na puno parin ng pagtataka.
"Oh, bakit di ka masaya? Galing mo kaya."
Humarap sakin si Addie, kita sa mukha nya na masaya sya para sakin. Masaya rin naman ako kaso, di ko parin mauwasang di magtaka. Unang-una, on the spot lang ako nag-review. Pangalawa, kung yung turo naman ni Clark ang pagbabasehan, well, magaling nga sya. Pero di naman talags ko nakinig nun eh. Pangatlo, natalo ko si Clark. Buti sana kung pasado lang ako, hindi pa nakakapagtaka. Kaso lang, ako ang may pinakamataas na marka! Pambihira.
"Hindi naman sa ganun, Addie. Nagulat lang talaga 'ko. Natalo ko si Clark. Parang isang malaking himala."
Nilapit nya ang upuan nya sakin.
"Alam mo, ganito yan ah. Just because you're not that good in English, it doesn't automatically mean na you don't have a chance to ace an exam towards that subject. May potential ka naman eh. Baka kulang ka lang talaga kasi sa aral. Yan nga yung sinasabi ko sayo diba?""Oo nga, salamat Addie."
"Tsaka, baka naman kasi iba lang talaga ang talab ng turo ni Pinsan. Yieee. Sabi na nga ba eh."
Umiling-iling ako sa kanya habang natatawa.
"Ano ka ba naman. Marinig ka eh."
"Yieee! Kenekeleg ka lang eh."
Hinampas ko sya ng mahina at humagikgik.
"Oo na nga! Wag ka na kasing maingay."
"Sus! Aamin din pala. Dami pang arte nito."
Tumahimik na kami ni Addie dahil baka sawayin pa kami ni Ms. Montes. Malapit na pala Lunch. Ano kayang kakainin ko?
-*-*-*-*-
"Oh Magui, diet ka nanaman?"
"Paki mo ha?"
Nasa canteen na kami ni Addie at hindi na 'ko umorder ng may kanin. Sa totoo lang, di ako diet. Nagtitipid lang.
"Sungit mo ah. Purket isa lang mali mo kanina."
"Haaay nako, big deal ba yun? Kain na nga tayo."
BINABASA MO ANG
Finding My Inner Soul by: MACG
Fantasy"Finding your inner soul/ SOUL-SEARCHING is one of the trickiest and hardest thing of all. It ain't like a thing you can see. It is a component of yourself that shall complete your existence." When Maddison Guinevere Imperial or Magui for short acci...